[ A L E X ' S P O V ]
Eh? Bakit ganito? Pakiramdam ko ang gaan gaan ko. Pakiramdam ko tinatangay lang ako ng hangin sa sobrang gaan ng nadarama ko. Patay na ba ako? O ito na 'yung parte sa mga istorya kung saan mami-meet ko ang mga yumao kong mahal sa buhay at yayayain na nila akong sumama sa kanila? Ito na rin ba 'yung parte ng istorya na pipili na ako kung gusto ko nang maging masaya sa piling nila o ang manatili sa malupit na mundo na ito kung saan puro pasakit na lamang ang nabigay sa akin?
"Hindi ka pa patay." narinig ko tila umeecho-ng tinig mula sa hindi ko malaman kung saan. Napabangon ako mula sa pagkakahiga. Nasa loob ako ng isang madilim na kwarto, napakalaking kwarto. Tanging ang ilaw mula sa itaas ko ang siyang nagsisilbing liwanag sa kapaligiran ko. Kapag tumanaw naman ako sa malayo ay tanging kadiliman lamang ang nasisilayan ko. A shoot in a horror film?
"Sino ka? Nasaan ka?" mahinang usal ko. Pamilyar ang boses ng taong iyon. Kakaharapin ko kahit sinuman siya.
Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa tumigil ito sa harapan ng kanina'y hinihigaan ko. She is just standing there just like the same way as before. With the blood running from her head to the ground and the wet clothes she is wearing, this girl is scaring the hell out of me once again. Bakit ba hindi siya mawala wala?!
Napapikit ako. I don't want to see her.
"What I want to say is, the girl you saw is not a ghost. Rather, she may be a lost spirit from the past. A sole symbol of the erased memories."
Biglang sumingit ang tinig ni Sean sa isipan ko. 'Yung mga salitang sinabi niya sa akin noong isang gabi habang pinag-uusapan namin ang batang babae na ilang beses ng nagpapakita sa akin.
"Kung may sinabi o tinuro siya sa'yo, pakinggan mo lang siya. Kapag lumapit siya sa'yo, 'wag mo siyang itaboy. Kapag nasa harapan mo siya, pagmasdan mo lang siya. At kapag nakita mo naman siya, huwag na huwag kang matatakot."
He's right. She's a spirit and I'm the one who is alive. I am greater that her. I am stronger than her. There, I made up my mind na buksan ang mga mata ko. There's no use of being scared all the time. In order to confront the fear, you need to be brave first. But bravery won't get you far if you can't believe on yourself.
Nang unti-unting rumihistro na ang liwanag sa mga mata ko ay binalikan ko ng tingin ang batang babae. Hindi na siya ngayon nakakatakot. Wala na ang dugo na kanina'y nag-uunahan na umagos. Kitang kita na ang kulay at magandang disenyo ng kanina'y basang basang damit niya. Umaninag naman sa akin ang tunay na maamong mukha ng bata kasabay ng pagkahulog ng blonde niyang buhok na may kaunting kulot sa dulo nito. She is somewhat ... familiar. Her appearance is somewhat giving me a nostalgic feeling that I can't define.
BINABASA MO ANG
Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)
Bí ẩn / Giật gân[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families. Mafiosos, gangsters, rebels, and delinquents were all welcomed to enter the mortal gates of hell i...