[ A L E X ' S P O V ]
"P-pakawalan n-niyo na a-ako parang a-awa n-niyo na." pagmamakaawa ko. Laging sa pagmulat ng mga mata ko sa buong linggo na ito ay ito ang una kong binibigkas. Minsan nga gusto ko ng sumuko at pumikit na lang kaso lagi akong nagigising mula sa mga masasayang panaginip sa oras na buhusan na nila ako ng isang balde ng malamig na tubig.
Lagi kong nakikita ang sarili ko na nakaupo sa upuang ito na gawa sa kahoy, ginagapos ng mga mahihigpit at makakapal na lubid, at may ilaw sa itaas ko na tila ba mas nagpaparating sa akin ng ideya na isa akong hostage. Ilang beses ko na ngang sinubukan makaalis pero pilit rin akong tinatraydor ng katawan ko dahil lagi akong nabibigo. Gusto ko na ngang tanungin ang katawan ko kung andito pa ba ang lakas na pinagkaloob sa akin ng ESCAPE. Hindi ko na kasi maramdaman ang ni katiting na lakas sa akin. Sa pagkakataon na ito, napagtanto ko na ... tao lang din pala ako. Hindi ako abnormal tulad ng inakala ko noong naiturok sa akin ang kemikal na ito. Hindi ko na nga rin malaman kung luha ba ang umaagos sa mukha ko o ang tubig na ibinuhos sa akin. Kada oras, ningangatog ako. Iba na ang suot ko. Isang simpleng pares ng pajama lang ang bumabalot sa akin kung kaya't malayang pumapasok ang lamig sa katawan ko. Hindi rin nila ako pinapakain o pinapainom. Ni hindi ko nga rin alam kung naririnig pa nila ang usal ko dahil kahit ako hindi ko na rin ito masyadong marinig. Ganito ... ganito lang ang nangyayari sa akin sa loob ng madilim na kwarto na ito. Wala akong kasama at mas lalong walang nakakausap. Oo, natatakot ako pero mas pinili ko na lang na ibalik ang lahat ng nawala sa akin. Hinanap ko sa kasuluksulukan ng sarili ko ang lahat ng tungkol kay Kirsten. Ang pag-iisip, mga pangarap, mga memorya, mga alam niya, lahat iyon hinagilap ko. Para sa muling paglabas ko ng silid na ito, buong buo na akong haharap sa mga taong nagbigay pasakit sa akin at sa mga mahal ko sa buhay.
As if a miracle happened, I heard a creaking sound coming from the wooden door, I assume. I lifted my head up a bit to see the person who dares to visit me here. "Bring her out of here. Let her watch her mighty friends die." the only thing I can see was the pair of black shoes he is wearing. That voice filled with authority ... It's from the killer.
Ilang sandali lang ay naramdaman ko na lang na lumuluwag na ang pakiramdam ko. Sa bawat pagtanggal ng isang ikot ng lubid ay nagbibigay naman sa akin ng hapdi dulot na rin ng sobrang pagkakatali nito sa akin. Ang sunod na lang na naramdaman ko ay ang pagkaladkad sa akin ng sa tingin ko ay dalawang maskuladong lalaki. Nakasayad ang mga paa ko sa sahig habang hinihila nila ako. Unti unti ay nasinagan na akong muli ng liwanag. Mariin akog napapikit dahil para bang hindi na sanay ang mga mata ko sa liwanag.
I felt the two men drew me again to somewhere. When I open my eyes, that's when I found myself inside a glass cage. A huge one. I was left sitting on this cold surface while I'm watching the two getting this cage's lock active. Nilibot ko ang mga mata ko. Napakaraming mga tao ang hindi magkandaugaga sa mga hawak nilang papeles. Maraming lalaking armado ang nakabantay sa bawat sulok. Nasa harapan ko naman ang mga hindi mabilang na mga monitors. But the only thing that catches my attention was the footage I'm seeing from the biggest and widest among the monitors.
BINABASA MO ANG
Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)
Mystery / Thriller[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families. Mafiosos, gangsters, rebels, and delinquents were all welcomed to enter the mortal gates of hell i...