Nagising ako ng may masakit na ulo. Napahawak kaagad ako sa ulo dahil sa sakit. Talo ko pa yata ang taong uminom buong gabi. Pero sa isang iglap, nawala lahat ng iyon. Paano ba naman kasi, dito na nakatulog ang mga kaibigan ko sa kwarto ko. Magkabilaan nilang hawak ang mga kamay ko habang masarap na humihimbing habang nakapahiling ang mga ulo. I let out a smile.
Tumama naman sa mukha ko ang sinag ng araw na nanggaling sa malaking bintana. Oh, I guess this is not my room.
"I insisted na ipalipat ka sa ibang kwarto kagabi dahil hindi mukhang mas delikado ka sa kwarto na iyon." Sky's voice echoed inside the room.
My reapers were gone? Parang kagabi lang, sila ang nagbabantay sa akin.
"Lumabas lang sila para magtraining kasama ang mga tauhan nina Spade." sabi niya tila ba nabasa niya ang iniisip ko.
I heard my stomach grumbled a little kaya marahan ko na ring ginising ang apat na anghel na natutulog sa tabi ko para kumain. I remembered the strict butlers and maids, baka mapagalitan pa nila kami kapag nahuli kami at sermonan like 'hindi gawain ng matinong young lady ang malate ng gising' o di kaya'y 'that's not the proper way of being a daughter of a noble family'. Just imagining it alone makes my head ache.
Pagkababa namin, ito na naman ang tahimik na kapaligiran. Daig pa namin ang nasa sementeryo sa sobrang tahimik. Hindi ko alam kung dahil ba sa nasa bahay kami ng mga notorious killers o sadyang ganito lang sa bahay na ito?
Sky leads us to the garden kung saan natagpuan namin ang lahat na kumakain at nagsisiinuman ng kape.
"Oh God ... hindi ba pwedeng paalisin 'yang mga nakabantay na mga tauhan dito? Naaalibadbaran ako eh." Dereen said. Siyempre kami kami lang ang nakakarinig.
Kahit naman ako eh. Kaya lang kahit naman sa loob o sa labas kami kumain ganoon pa rin. So kung papipiliin ako, dito na lang. At least malamig ang simoy ng hangin kahit may mga killing aura ang mga nakapaligid sa amin na mga lalaki sa di kalayuan.
While having a bite on a bread, I suddenly remembered what happened last night and the words of that creepy girl.
"Dahil ikaw ay ako. Ako ay ikaw."
What does she mean about that? At bakit nagpapakita siya sa akin? I can't really understand the logic, to be honest. Never pa akong nakakita ng multo in my whole life hanggang sa araw na nagsleepwalk ako. Hindi ko gugustuhin na makita ulit ang batang iyon. Dahil kung sakaling makita ko siya ay baka atakihin na ako sa puso.
Napabalikwas naman ako dahil naramdaman kong may kumalabit sa akin sa likod. Direkta akong napatingin kung sino iyon, si Marc lang pala na may mga malalaking itim na sako sa mga mata niya. Hay nako, akala ko naman kung ano na.
"Oh, I didn't mean to surprise you. Lutang ka kasi eh. Ito oh pamunas mo sa damit mo." kinuha ko na lang ang binigay niyang panyo dahil parang wala sa sarili kung maglakad at umupo si Marc.
BINABASA MO ANG
Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)
Детектив / Триллер[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families. Mafiosos, gangsters, rebels, and delinquents were all welcomed to enter the mortal gates of hell i...