Chapter 36 - Celestial Key of the Pacific

283K 8.1K 1.4K
                                    

"Alex, nilalaman ng envelope na ito ang lahat ng impormasyon tungkol sa bagay na binigay mo sa akin last time. Just like what you requested, malinis ang pagkakaalam at walang bakas na malalaman ang kuya mo kung sakali." I was sitting to relax from all the paperworks for a while when Rennei came in and she put a long brown envelope on my table. So this is it? Laman nga kaya ng envelope na ito ang mga kasagutan sa mga katanungan ko? 

"I owe you. Thanks for keeping this a secret." she nodded. Inokupa niya ang upuan na nasa kaliwa banda na malapit sa table ko. 

"Not going home?" I asked her. Madalas kasi kapag tapos na ang business niya with someone, she'll just leave her client and she'll snap out from that mission. 

"I want you to look at it. Siguradong may mga katanungan ka pa. Samantalahin mo na habang may time pa ako para mag-explain." aba't ako pa ang minadali? Ibang klase talaga ang babaeng ito. But may point naman talaga siya. May tendency pa na hindi pa dito nagwawakas ang mga tanong ko about sa bagay na 'yun. 

"Then just explain everything orally. I'll give you a VIP plane ticket to travel on your favorite place as your reward." napaangat ang isang sulok ng labi niya. Sinandal niya ang likod niya sa upuan at dumekwatro habang nakahalukipkip ang dalawang kamay niya. Tss. Exchanging favors.

"That golden object which has the 'Domzelle-Dela Vega' on it was indeed mysterious. Nalaman kong dagger pala talaga ito kapag tinanggal mo sa lalagyan. So, nagpatulong ako sa underground society about this pero siyempre malinis pa rin ang operasyon. Ayon sa isang source na napagtanungan ng tauhan ko, Mafia Domzelle and Mafia Dela Vega were allies not until Juno's father broke the long time alliance." pagpapauna niya. 

"Alliance?" itinaas niya ang kamay na nagpapahiwatig ng 'Shut up, I'm not finished yet.'. Kaya tinikom ko na lang ang bibig ko and I waited for the next suprise. 

"A long time ago, your grandfathers were the well known allies. The deal is all about the Celestial Key of the Pacific. I've researched about that thing and guess what? That object is worth millions of dollars. Ang may-ari ng pendant na iyon ay isa daw sa mga naging paboritong concubine ng isang hari sa isang particular ng country sa Europe. I'm not sure about the story behind that thing pero ito ang pinakareliable na paniwalaan. That concubine is on the edge of being the queen when someone killed her using that weapon. There's a lady-in-waiting who stole it from the crime scene and she left Europe. Nang mamatay ang babaeng iyon ay pinasapasa ito sa mga anak niya hanggang sa matuklasan ng Royal Family ang nangyari. Nakukang muli ito ng king at itinago sa pinakatagong lugar bilang pagkalimot na rin sa masakit na nangyari sa kanyang paborito babae." 

"At anong nangyari after noon? At anong kinalaman ng mga lolo namin sa kwentong 'yan?" inip na tugon ko. Ang tagal naman kasi. Hindi ko naman kasi maintindihan kung ano ang kinalaman ng kwentong 'yan sa tinatanong ko. 

"Sumalakay ang di mabilang na mga pirata sa bansa na iyon at iniwanang abo ang buong lugar. Pinatay ang miyembro ng Royal Court at ng Royal Family. It was a horrifying massacre. The pirates got the treasures first, of course. And, they found the dagger. Tinangay nila 'yun papuntang Asya hanggang sa matyempuhan sila ng malakas na bagyo sa Pacific Ocean. Lumubog ang sasakyang pandagat nila kasama na rin ang patalim na 'yan. It was 1920 nang matagpuan 'yan ng great-grandfather mo sa isang expedition. Pinasa niya ito sa lolo mo. Knowing na pinaghahahanap ang ganyang klase ng bagay, pinakainteresan ng mga Domzelle ito. Your grandfather refused. Naging maayos naman ang relationship ng dalawang mafia leaders kahit nagkaganoon. But not Juno's father. Inakala niyang ang pumatay sa tatay niya ay ang lolo mo dahil sa pilit daw na nangungulit ang tatay nito na makuha ang dagger. Hinatulang hindi guilty ang lolo mo pero mukhang sarado na ang isip ng tatay ni Juno kaya dinala niya hanggang sa pagtanda at ipinasa pa sa tagapagmana niya ang maling kwento. 'Yun daw ang nangyari kaya nabuwag ang matagal na samahan ng dalawang mafia." tinuon niya ang tingin niya sa akin at ipinatong ang kanang siko niya sa table ko. Ako naman, dinampot ko ang patalim at binuksan ito.

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon