Uhm, hello! Actually hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa pero nagpapasalamat po talaga ako sa lahat ng mga nagbasa sa story ko. This is my first story and I'm just 14 when I wrote this one. I-add pa na amateur lang po ako at wala akong kaalam alam kung paano magpost ng story dito sa wattpad. Hindi ko po talaga ini-expect na makakatanggap ako ng ganitong suporta, pagmamahal, at encouragements mula sa maraming tao. You don't know how grateful I am to receive those awesome messages, interesting comments, and touching posts on my message board. Bawat word po binabasa ko. Never po akong may ini-skipan na message or what. Lahat iyon mahalaga for me. Minsan nga para akong tanga dahil binabasa ko ng paulit ulit ang mga comments at messages niyo sa akin eh. Hindi pa rin po kasi ako makapaniwala.
For sure, 'yung mga madalas magbasa ng comments at 'yung mga readers ko since May 1, 2014, alam nila na ang lagi kong pagkekwento na dapat buburahin ko na ang story na ito noong nasa chapter six pa lang siya. Ayaw ko na talaga ituloy kasi parang walang nakakapansin. May nagvovote nga pero ang mga nagcocomment, puro mga kaibigan ko lang. Well, thankful naman ako pero nung time na 'yun feeling ko I'm not a good writer, na my story is not interesting enough to read. Pero nabuhayan ako ng loob nang naisip ko na 'bahala na. hintayin ko na lang ang outcome. hindi ko dapat pinapangunahan lahat ng bagay.' there, I started to type for the Chapter Seven.
Ang inspirasyon ko po siguro rito is my dream when I was a little kid. I really love watching movies, reading, and all kaya namang humahalo sa utak ko at nag-extend ng sobra ang naiisip ko. Eversince then, I never find writing a boring activity more than usual once again. Saka dahil din po siguro sa inyo kaya sumisipag ako sa pag-update. Kapag bad trip nga ako mula sa school or dito sa bahay, pupunta lang ako sa inbox at comments section at okay na ako.
Thank you po talaga! Thank you! Thank you! If my fingers can only type millions of thanks for everyone, then I'll do it kaso alam kong maboboringan na kayo basahin ito lol. Sa mga readers ko mula noon hanggang ngayon, salamat po talaga sa paghihintay sa mga matatagal na updates! Hindi ko man kayo banggitin lahat, alam kong alam niyo sa mga sarili niyo iyon. Kayo ang bumuo ng lakas ng loob ko para tapusin ito kaya sobrang thank you! Sa mga silent readers at active readers na pala comment, salamat din! Sa mga napalabas kong silent reader, natouch talaga ako sa mga posts niyo. Na-aappreciate ko po kahit 'yung mga silent votes niyo. Kahit notifications about votes lang 'yan iniisa isa ko 'yan kasi gusto ko makita 'yung mga usernames ng mga readers ko. Never kong kalilimuta 'yung mga kakulitan ko lagi sa comments section kahit naf-flood na namin ang section at sa mga nakikipagkwentuhan sa akin sa message box. Na-enjoy ko lahat iyon lalo na ang mag-spoil sa inyo minsan~
So ito na talaga ang mga FAQs! :)
1) Sure na po ba talaga ang book 2? Opo. Matagal ko talagang pinag-isipan ito. Hinintay ko pa nga ang bestfriend ko bago ako magdecide eh. Kasi siya ang pinakauna kong sinabihan na gagawa ako ng story at silent reader ko siya (sa chatbox niya nga lang nilalabas lahat ng mura at inis niya sa story lol) Ang title po ng book 2 ay 'Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease' :)
2) About po ba sa mga anak nina Spade ang book 2? Nope. Not totally about them. Alex and Spade will be the protagonists of the second book. 'Yung mga anak nila, they will be important characters din. Like what I said, hindi pa tapos ang pagsubok sa buhay ni Alex, so stay tune!
3) Paano niyo po naiisip 'yung mga nilalagay niyo sa Mhorfell? Kahit ako hindi ko rin po alam. Hindi ko naman po pinag-iisipan ang mga nilalagay ko. Basta nagpop siya sa utak ko kung kelan ako nagtatype tapos ayun na. Kapag medyo stressed talaga ako at pressured, minsan napapaisip ako kung paano ko sisimulan 'yung pov nung character ganun.
4) Bakit po pala matagal kayong mag-update? Hmm, busy. Hindi po biro pagsabayin ang student council, C.A.T, Kpop cover group, fanclub's graphic artist, at pag-uupdate sa wattpad xD As in nakakamental breakdown ang schedule ko. Practice days at events tuwing weekends tapos nasa school araw araw tuwing weekdays. Happy happy di ba? Lol. Partida wala pang pasukan 'yan hahaha.
5) Kailan po ang update sa The Maid's Secret? Bukas po :) Nasurprise nga ako dahil marami na ang nagbabasa nun. I was really scared on posting another story of mine, thinking of what will be your reactions about it pero ngayon, nakakahanap naman na ako ng confidence for that. Hintay lang po~
6) May iba pa po ba kayong stories? Meron po. Marami. Kaso hindi ko lang mapublish lahat dahil siyempre kailangan lahat i-update 'yun. Iba't ibang genre po ang mga iyon. May historical fiction, fantasy, action, science fiction, mystery, fanfiction, at non-fiction. In the future, siguro mababasa niyo rin po sila~
7) Bakit po Mhorfell ang title? Kasi 'yun ang unang pangalan na pumasok sa utak ko kaya ayun na! :D 'Yung Lefroma thingy na iyon, jusko pasalamat talaga ako na nagawan ko ng paraan ang kabaliktaran ng name ng Mhorfell or else iniba ko ang name ng story lol.
8) Kpop fan po ba kayo at mahilig sa anime? Yup *_* f(x) - Amber biased, SNSD - Taeyeon biased, VIXX - Hakyeon biased, SHINee - Minho biased, Super Junior - Heechul & Leeteuk biased, Infinite - Sungyeol biased, Girl's Day - Yura biased, TVXQ - Yunho biased, Miss A - Jia biased, 2PM - Nichkhun biased, Seventeen - Woozi biased, BTS - Jungkook biased (asawa ko po siya lol), EXO - Kris biased (kaso wala na eh T_T), APink - Naeun & Namjoo biased, BOYFRIEND - Minwoo biased, SISTAR - Bora biased, AOA - Jimin biased, CNBlue - Jonghyun biased, Red Velvet - Irene & Joy biased, EXID - Hyojin biased, and many more! Sa anime, minsan na lang ako manood. More on reading mangas ako eh.
8) Saan po namin kayo madalas na pwedeng tanungin at kulitin? Sa fb :) Nasa profile ko ang link ng fb group at fb page. May account po ako so add niyo ko~ haha lol.
9) May mga jpop groups ka rin po na gusto? KAT-TUN, NEWS, Scandal, BRIGHT, Spyair, etc.
10) More details on book 2. Baka next week ko pa siya mapost dahil every Thursday na lang ang pagpapaload ng broadband at nag-eexpire every Monday. I still need to think of twists and the look of the cover :) Mayroon ng drama dito kaya ihanda ang mga sarili. Pati ang ulo, pakiready dahil baka may mga palaisipan na naman~ Huwag kayong kabahan! Magbibigay hustisya ako! :)
11) May special chapters po ba about sa ibang mga characters? Wala na po. Lahat po ng nangyari within seventeen years ay sa book two ko na po ilalagay. Para naman mapagtugma tugma niyo 'yung informations sa current story. ^^
So iyon lang muna! Kung may iba pa kayong tanong sa akin, feel free to pm me or to post on my MB. O kaya comment na lang kayo dito or sa fb niyo ko i-message :) See you guys on book 2! God bless!
BINABASA MO ANG
Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)
Misterio / Suspenso[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families. Mafiosos, gangsters, rebels, and delinquents were all welcomed to enter the mortal gates of hell i...