Chapter 2

27 0 0
                                    

Madalas talagang biruin at minsan nasasaktan na nga ni Guinevere ang kapatid niya pero parang ayus lang ito kay Lancelot. Marahil ay alam niya sa sarili niya na lambing lamang iyon ng kapatid, dahil bibihira naman silang magkitang dalawa. Minsan nga iniisip ni Lancelot na sana hilig nalang ng kapatid ang hilig niya para ng sa ganun palagi niyang kasama ang pinakamamahal niyang kapatid.

Lumipas ang Mga taon mga ganap ng dalaga at binata ang dalawa. Si Lancelot na tagapag mana ng trono ay mas naging mayabang at naging mapaghangad sa kapangyarihan. Nabalitaan ni Lancelot ang tungkol sa twilight orb na makikita sa azure lake sa south moniyan empire, ito ay makakapagbigay daw ng higit at natatanging lakas. Kaya naman kahit hindi alam ni Lancelot ang itsura ng twilight orb ay nag-utos si Lancelot, sa iilang kawal nila upang samahan siya patungo sa azure lake, nang hindi ipanapaalam sa amang hari.

Sakay ng kabayo at iilang mga kawal ay naglakbay ang mga ito sa south moniyan.

Hapon na at malapit nang kumagat ang dilim ay huminto ang isang kawal, kaya naman huminto nadin sila.

"Ano iyon bakit kayo tumigil," sabi ni Lancelot sa mga kawal.

"Mahal na prinsipe ilang sandali pa ay lulubog na ang araw, mainam na dumito muna tayo magtayo ng tolda at ipabukas na lang ang pagpunta sa kabundukan ng azure lake, dahil lubos na mapanganib doon kapag gabi." paliwanag ng isa sa mga nakakatandang kawal.

"Huh natatakot ba kayo, ang sabi niyo ay malapit na tayo sa lugar na iyon. wala pa namang gabi. Masyado kayong duwag alam niyo namang kayang kaya kong pabagsakin kahit sino pa iyan. Kaya tara na huwag na nating sayangin ang panahon." sabi ni Labcelot. Kaya naman wala ng nagawa ang mga ito kundi sumunod na lamang sa gusto ng kanilang prinsipe.

Pagkagat ng dilim narating na nga nila ang azure lake.

"Ito na ba iyon?" sambit ng prinsipe habang nakatayo at nakatingin sa paligid.

"Opo mahal na prinsipe, dahil gabi na tayo nakarating kaya hindi niyo na nakita ang ganda ng lugar," sabi ng kawal habang nagsisindi ng mga gasera.
Lumakad si Lancelot kasama ng kabayo niya patungo sa isang malaking puno, tinali niya ang kabayo at sumandal sa puno habang pinagmamasdan ang mga kawal na nagtatayo ng tolda na matutulugan nila. Nang may mapansin siya sa likuran niya na gumagalaw ang damo, kaya agad napabunot siya sa kaniyang espada at lumingon. Ngunit wala siyang nakita.

"Ah baka kuneho lamang iyon," sabi na lang niya at pumikit. Sa ikalawang paggalaw hindi na pinansin iyon ni Lancelot.
Lumapit ang isang kawal at inabutan ng tinapay at tubig si Lancelot.

"Prinsipe kumain na muna kayo," alok nito, na agad namang tinanggap ni Lancelot.

"Salamat," ani ng prinsipe.
Matapos ibigay sa prinsipe ang pagkain ay agad umalis nang muli ang kawal upang tumulong sa pagtatayo ng tolda. Kaya naiwan muli si Lancelot mag isa sa puno. Gumagalaw padin ang damo sa likod niya. Tiningnan naman ni Lancelot ang kabayo pero wala din naman itong imik.
Matapos kumain ay napapikit kusa ang mga mata ni Lancelot marahil dahil sa pagod sa paglalakbay nila.

ilang sandali pa ay bigla na lamang may sumigaw.
"Kalaaaaban!!!!!!!!"

Itutuloy... sa chapter 3.

MLBB tagalog story Book 1 : The Swan Princess and The KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon