Chapter 3

17 0 0
                                    

"Kalaaabaan!!!" sigaw ng isa sa mga kawal ni Lancelot, dahilan para mamulat ang mata niya. napabalikwas ng tayo si Lancelot at agad hinugot ang kaniyang espada. Hindi niya mabilang ang mga kakaibang mga nilalang na nakapaligid sa kanila, dahil sa dami. ang iba ay nagtatago pa sa dilim mga mapupulang mga mata lamang ng mga ito ang nakikita.

"Ingat kayo mga demonyo yan sa abyss," wika ng isang kawal.

"Protektahan niyo ang prinsipe," sabi ng isa pang kawal, kaya agad tumakbo ang isang kawal patungo sa prinsipe. Ngunit sa pagpunta niya sa prinsipe ay tinamaan siya ng isang karit simula likod tagos hanggang dibdib na ikinatumba nito at ikinamatay. Galing sa taas ang humagis sa karit na iyon.
Kitang kita ni Lancelot ang pagkamatay ng isa sa kaniyang kawal. Imbis na matakot ay mas ginanahan makipaglaban si Lancelot. Ngayon siya makakapag practice ng totoo at hindi sparring lamang. Sumugod siya sa tatlong demonyo na malapit sakanya at agad naparalisado niya ang katawan ng mga ito ng walang kalaban laban at biglang bumagsak. Sa bilis ng pangyayari ay halos hindi nila nakitang tumama ang espada ni Lancelot sa mga ito. Nawala ang kaba ng mga kawal, dahil nakita nila kung gaano kagaling ang kanilang prinsipe. Kaya naman walang dapat ikabahala. Maliksing sumugod pang muli si Lancelot sa dalawang demonyo at akmang aatakihin niya ngunit sa likod niya ay may aatake sa kaniya, kaya umilag na lamang siya at hinfi na muna inatake ang dalawa.

"Heheh akala mo makakaisa ka," pagyayabang ni Lancelot sa demonyo. Inatake muli siya nito, ngunit nakailag muli siya. Hanggang sa lima na ang unatake sakanya. Ginamit niya muli ang sword slash niya at nakatumba muli siya ng kalaban.  Yung ibang kawal ay sumugod nadin sa mga demonyo. Kung kanina ay takot na takot sila pero dahil sa pinakita ng prinsipe ay lumakas ang loob ng mga ito at kinalaban ang ibang demonyo. Napakaingay ng gabing iyon. hiyawan ng mga demonyo na kinakalaban ng pangkat nila Lancelot. Sa dami ng demonyo ay nalibang sa pagpaslang si Lancelot, hindi na niya napansin ang nangyayari sa mga kasama niya. Nagtaka siya bakit madami na ang sumusugod sakanya, paglingon niya ay patay na pala ang mga kasamahan niya. Siya nalang pala ang natitirang lumalaban. Kaya naman pala siya nalang ang sinusugod ng mga iyon.

"Teka lugi naman yata isa lang ako madami kayo, isa-isa lang," sabi ni Lancelot na nararamdaman na ang pagod, ngunit hindi siya pinapakinggan ng mga ito. Gigil na gigil ang mga ito na mapatay siya. Ngunit imbis na tumakbo na at umuwe ay lumaban si Lancelot magisa. Dahil iniisip niyang kayang kaya niyang matalo ang mga ito. Naisip ng isang demonyo na patayin ang gasera na nagsisilbing liwanag para makita ni Lancelot ang mga kalaban. hinampas ng maso ng demonyo ang dalawang nakasinding gasera. Kaya dumilim ang paligid, may liwanag naman ng buwan ngunit hindi sapat iyon upang makita ni Lancelot ang kilos at galaw ng kalaban.
Nagsimulang mangapa sa dilim si Lancelot akmang aatake siya sa demonyong malapit sakanya. Ngunit dahil madilim hindi niya napansin ang demonyo sa likod niya. Kinalmot siya nito sa kaniyang braso. Pumatak ang dugo ni Lancelot sa lupa, ngunit wala lang iyon sakanya, hindi niya ininda ang hapdi. lumingon siya sa likod niya at hinanap ang demonyong sumugat sakanya.

Itutuloy... sa chapter 4.

MLBB tagalog story Book 1 : The Swan Princess and The KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon