Chapter 8

12 0 0
                                    

Kahit sobrang bilis ni Guinevere tumakbo ay mabilis din tumakbo ang mga ito sa pader na ng mga bahay dumadaan ang iba. Malamang maaabutan siya ng mga ito. Agad niyang ginamit ang mahika niya upang mag speed up siya. Ngunit huli na ang lahat.
Napunta siya sa isang end corner. nasa harapan na niya ang mga demonyo at laway na laway na ang mga ito. Halos nakasandal na siya sa pader. hinagisan niya ng power niya na bilog pero iniilagan lang nila ito. Naisip ni Guinevere Tumalon ng mataas hanggang sa likod ng mga yun para makatakas siya.
Kaya ganun nga ginawa niya. bumwelo siya at tumalon ng mataas patungo sa likod ng mga demonyo. parang hinakbangan niya ang mga ito.
at sabay takbong muli habulan muli sila.

"Tulong! Tulongan niyo ako," sigaw ni Guinevere, pero maski ang mga tao ay takot lumabas sa gabi. walang tumulong sakanya. pagod na din si Guinevere kakatakbo ng biglang. Isang lalaki ang tumalon mula sa bubong at pinatay ng mabilisan ang apat na demonyo. Sa isang iglap lang ay bumagsak ang mga ito sa lupa tumigil nadin sa pagtakbo si Guinevere na halatang hingal na hingal. Nangisay ngisay pa ang isa kaya tinarak muli ng lalaki ang dagger niya dito para mamatay.

"Sa susunod huwag ka nang lumabas ng bahay kapag gabi na dahil delikado," sabi ng lalaki.

"Salamat," yun nalang ang nasabi ni Guinevere sa lalaki.

"Saan ka ba nakatira, ihahatid na kita,"

"Ah kasi. malayo ang bahay ko sa Gorge pa,"

"hah bakit nandito ka sa aberleen."

"Ang totoo niyan hinahanap ko ang kuya ko, pero hindi ko siya makita,"

"Ibigsabihin wala ka talagang matutulugan ngayon?"

"Wala (hikab)" sabi ni Guinevere.

"Hmmm sige doon ka muna sa bahay ko," sabi ng lalaki.

"Oo delikado kasi talaga sa labas lalo babae ka pa, kung hindi ako siguro dumating siguro pinapak ka na ng mga halimaw na yun,"

"Salamat ulit, nga pala ako Guinevere ikaw?"

"Gusion,"

"Gusion ang cute ng name mo,"

"Cute? dito na tayo sa bahay ko,"
natulala ng kaunti si Guinevere sabay ngiti.

"heheh ang cute din ng bahay mo," dahil sanay sa malaking bahay si Guinevere kaya hindi niya inexpect na ganoon lang kaliit ang bahay ni Gusion.

"Pasensiya na kung maliit ang bahay ko, ako lang kasi nakatira mag isa dito,"

"Ah ganun ba, ok lang walang problema,"
Kinuha ni Gusion ang banig at nilatag malayo sa foam niyang higaan at nahiga na ito sa banig.

"Diyan ka na matulog sa higaan ko ako nalang dito," sabi ni Gusion at pumikit.

Ilang man dahil sa liit ng higaan ay pinilit makatulog ni Guinevere dahil bukas ng unaga ay hahanapin nanaman niya ang kuya Lancelot niya.

"Kuya Lancelot muntik na ako makain ng mga halimaw, kasalanan mo to lagot ka talaga sa akin pag nakita kita. tatalunan talaga kita, kuya." sabi ni Guinevere sa isip at natulog na.

Dumilat si Gusion tumayo at uminom ng tubig.
"Bakit hindi ako makatulog, baka hindi lng ako sanay na may kasama," sabi ni Gusion sabay tingin sa mukha ni Guinevere na natutulog ng mahimbing. At nahiga ng muli.

Itutuloy... sa chapter 9.

MLBB tagalog story Book 1 : The Swan Princess and The KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon