Chapter 4

10 0 0
                                    

Lumingon si Lancelot sa likod niya at agad hinanap ang demonyong nakasugat sakanya. ngunit sa nawalan nanaman siya ng depensa sa likuran niya at tinamaan nanaman siya ng isang bolang may tusok tusok sa hita.

"Masyadong masakit na ang nararamdaman ko, kung ipagpapatuloy ko pa ang pag laban ay ikamamatay ko. Kailangan kong makatakas, pero paano? saan ako dadaan? Napapalibutan ako ng mga demonyong ito. Katapusan ko na ba talaga?" sabi ni Lancelot sa kaniyang isip.

May tatama sanang kung anong bagay kay Lancelot sa mukha niya pero mabilis niyang nasalag ito ng kaniyang hawak hawak na espada. Pero kung iyon naiwasan niya, yung latigo ay hindi na tumama ng tatlong beses sa tiyan niya. At nasaksak pa siya sa tagiliran na ikinatumba niya.

"Wala na mamamatay na ako, paalam Guinevere kapatid ko. At sa amang hari at reyna ko, Ganun nadin sa palasyo," nasabi na lamang ni Lancelot. Nang biglang may narinig siyang isang matinis na tunog ng violin. Napahinto ang mga demonyo sa pag atake kay Lancelot. Dahil kinailangan nipang gamitin ang dalawa nilang kamay upang takpan ang kanilang mga tenga.

"Ang demon hunter!!" galit na nasabi ng isang demonyo.

Nagkaroon ng pagkakataong makatakas ni Lancelot. Inubos niya ang natitira niyang lakas sa pagtakbo bitbit ang kaniyang espada. Hanggang makalayo siya, nakarating siya sa ilog at doon tuluyan ng nawalan ng malay. nahulog siya sa isang ilog. Mabuti na lamang makapal ang suot niyang kapa kaya nakatulong ito para palutangin siya sa ilog.

Samantalang sa isang lugar sa Azure lake naninirahan ang pamilyang Regina. Nakatira sila sa Swan Castle, malapit sa Swan Lake. Isang napakagandang babae na may busilak ang kalooban ang nagiisang anak ng pamilyang Regina. Siya ay si Odette Regina. Kung tawagin ay Swan Princess, dahil bukod sa kagandahan at kabutihan ng puso nito. Ay tila ba gustong gusto siya ng mga Swan na palaging nasa Swan Lake. kung kaya ito ang tawag dito dahil sa daming swan na pumupunta dito tuwing umaga. Kahit na kay Odette na ang lahat, masaganang buhay, kagandahan, kabutihan at ang mga swan ganun din ang kakayahang gumamit ng mahika. ay hindi padin siya masaya, tila ba may kulang sa buhay niya. Marami naman ang nangliligaw sa kanya ngunit lahat ng mga ito ay hindi pumasa sa kaniya. Wala siyang nagustuhan kahit sino. Kaya naman itinutuon na lamang niya ang sarili sa pag aalaga sa mga swan. Isang umaga, katulad ng ginagawa ni Odette ay nagtungo diyang muli sa swan lake, upang masilayan ang kaniyang mga alaga. Pero malayo palang siya ay may natanaw siyang nakahigang babae. Habang papalapit siya ay kinakabahan siya.

"Sino kaya yun? bakit siya nakahiga sa gilid ng lake, bibilisan ko maglakad,"
at pag lapit nga ni Odette ay doon na napuno ng kaba dahil sa mga nakita niyabg sugat sa katawan at konting dugo. marahil nahugasan na ng tubig sa lake ang maraming dugo kaya kaunti nalang. Kinuha agad ni Odette ang kamay nito at pinulsuhan. Sa kabilang kamay nito ay may espada.

"Humihinga pa siya, buhay pa siya, siguro nakipaglaban siya. Kawawa naman." sabi niya na tila ba nakikinig lang sa kanya ang mga swan na naroroon.

Agad hinawi ni Odette ang mahabang buhok nito upang makita kung sino ito. At nagulat siya isang lalaki pala akala talaga niya babae. Ginamit niya agad ang magic power na alam niya na kayang mag heal ng sugat.

itutuloy... sa chapter 5.

MLBB tagalog story Book 1 : The Swan Princess and The KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon