Chapter 5

10 0 0
                                    

Dahil nakakaubos ng lakas ang ginawa ni Odette kay Lancelot ay nawalan siya ng malay at bumagsak sa tabi ni Lancelot.
Habang tulog sila ay binabantayan naman sila ng mga swan pabalik balik sa kanila ang mga ito.

Ilang sandali pa nagising si Lancelot at laking gulat niya na pinapaligiran na siya ng mga swan. At mas nagulat siya ng mapansin ang babae sa tabi niya.

"Waaah ano to? tsuu tsuu alis. Nasaan ba ako? at sino itong napakagandang babae sa tabi ko. Oo nga pala naalala ko na muntik na ako mamatay dahil sa mga sugat na natamo ko mula sa mga demonyo kagabi. Pero nawala ang mga sugat na iyon. Paano? hindi kaya niligtas ako ng magandang babaeng ito,"

"Kwak! Kwak!" pag sang ayon sakanya ng swan.

Binuhat ni Lancelot si Odette sa ilalim ng puno, at hiniga ito ng maayos.

"Napakagandang lugar ito, parang gusto ko dito. Ibang iba sa itsura ng Gorge. Dito ay parang paraiso," sabi ni Lancelot habang pinagmamasdan ang paligid. At sumulyap muli sa natutulog na si Odette.

"Kasing ganda niya, sana malaman ko kung ano ang pangalan niya. Para makapag pasalamat ako sa ginawa niya,"

Ilang sandali pa ay nagising si Odette nagtaka siya kung bakit naroroon na siya sa ilalim ng puno. Agad niyang hinanap ng tingin ang lalaki kanina.

"Mabuti at gising ka na, magandang binibini." bungad sa kanya ni Lancelot na halos isang dangkal nalang ang pagitan ng mukha nila. Kaya napatitig si Odette sa napaka guwapong mukha ni Lancelot. Hindi siya ka agad nakasagot dahil sa lakas ng kabog ng puso niya na ngayon niya lang naramdaman sa buong buhay niya.

"Hmm nga pala ano ang pangalan mo?" sambit muli ni Lancelot.

"Aahh ah Ako?" nauutal na sabi na lamang ni Odette.

"Alangan naman yung pato, syempre ikaw kausap ko ee. Sige ako nalang mauuna. Ako si Lancelot galing sa pamilyang Baroque, siguro naman kilala mo na ako?"

"Ah hindi ee!" mahinhin na sabi ni Odette.

"Baroque nakatira ako sa Gorge, hayaan mo na nga hehehe baka hindi niyo talaga alam. Hindi mo pa sinasabi ang pangalan mo,"

"Ako si Odette, Odette Regina,"

"Odette ang ganda ng pangalan mo kasing ganda mo, beautiful Odette,"

Hindi nagsalita ang dalawa kaya ang mga pato nalag ang nagsalita.

"Kwak! Kwak!"

"heheh ano ba yan wala na ako masabi nauubusan," sabi nalang ni Lancelot kaya natawa nalang si Odette.

"Heheh oo nga pasensiya na, wala din kasi ako masabi."

"Ok lang, maraming salamat nga pala sa pagligtas mo sa akin."

"Wala iyon, siguro kung nasa katulad mo rin akong sitwayon. Ganon din ang gagawin mo. Ano ba talaga ang nangyari sa iyo, nakita kita puno ka ng malalalalim na sugat,"

"mahabang kwento pero para saiyo magandang Odette, ikukwento ko. Ganito kasi iyon, Naglakbay kami syempre isa akong tagapagmana ng trono ng ama kong hari,"

"Isa kang prinsipe?"

"Oo, diba sinabi ko na isa akong Baroque,"

"Ah dugong bughaw pala ang Baroque, ngayon alam ko na o tapos?"

"Tapos ayun, syempre bukod sa ako ang tagapagmana ay ako din ang pinakamagaling na swords man sa amin,"

"Talaga ang galing," sabi ni Odette na tuwang tuwa sa kayabangan ni Lancelot.

Itutuloy... sa chapter 6.

MLBB tagalog story Book 1 : The Swan Princess and The KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon