Chapter 10

11 0 0
                                    

"Kaya hindi pa ako nakakatikim ng ganoong mga pagkain, dahil sa amin ibang mga pagkain doon palasyo.  Bukod doon hindi kami nakakalabas ng kuya ko. Umiikot lang ang buhay namin sa palasyo ang lungkot no. marangya nga buhay mo, wala ka namang kaibigan. dahil kahit gusto mo silang maging kaibigan iba parin ang tingin nila sayo. Prinsesa na iginagalang. ayaw ko non.

"Isa kang prinsesa?"

"Oo hehe, siguro magbabago nadin pagtingin mo sa akin. Dahil nalan mo ang estado ko sa buhay."

"Nagkakamali ka! hindi magbabago ang tingin ko sayo, kahit na isa ka pang prinsesa ay pwede mo akong maging kaibigan Guinevere."
Napangiti si Guin ng tinawag siya ni Gusion sa pangalan niya at hindi prinsesa.

"Salamat Gusion,"

Samantalang dumating na nga si Lancelot na nag iisa sa palasyo wala si Guinevere o kahit ang sampong kawal na kasama niya.

Agad nag ulat ang kawal sa mahal na hari at reyna.

"Mahal na hari at mahal na reyna, dumating na po si Lancelot sa palasyo."

"Sinabi ko naman saiyo, uuwe din iyon hahaha," sabi ng hari sa kanyang reyna. Agad namang nagtanong ang reyna sa kawal.

"Kamusta kasama ba niyang nakauwe si Guinevere?" tanong ng reyna sa kawal.

"Wala po, nag iisa lamang na umuwe ang mahal na prinsipe kahit ang sampong kawal na kasama niya ay hindi po nakauwe. Dahil namatay daw po sa labanan nila kontra sa mga demonyo at si prinsipe Lancelot lang ang nakaligtas ng walang ni isang sugat sa katawan."

"Hindi paano si Guinevere," pag aalalang sabi ng reyna.

"Paanong mapupunta si Guinevere ee nasa silid niya lamang siya." sabi ng hari.

"Mali ka sumunod si Guinevere ng malaman niyang nawawala ang kaniyang kuya,"

"Ano? bakit hindi mo sinabi sa akin ang bagay na yan. Tsaka bakit pa siya sumunod alam naman niya na marami na ang naghahanap sa kuya niya," galit na sabi ng hari.

"Malaki na daw siya kaya niya na ang sarili niya,"

"sana sinabi mo sa akin, madali maglabas pa ng maraming tauhan at ipahanap si Guinevere. Pasaway talaga ang batang iyan."

hindi na nga nakapag salita ang reyna. nung una kay Lancelot siya nag aalala ngayon naman kay Guinevere.

Nang malaman ni Lancelot ang nangyari sa kapatid ay bigla siyang nalungkot. Dahil kundi dahil sakanya hindi lalabas ng palasyo ang nakakababatang kapatid. Kaya nag pasya si Lancelot na hanapin muna ang kapatid bago sumabak sa pag eensayo.

Dalawang araw na ang nakakalipas, ngunit bigo silang mahanap si Guinevere. Naisip ng hari na magpatawag na ng mga demon hunter na hahanap sa kapatid niya. Humingi ng tulong ang hari sa mga taga moniyan empire, kapalit ng malaking halaga ay humingi siya ng tulong sa mgga ito. At dahil mabbait ang taga moniyan empire ay agad silang nagpadala ng ilang taong tutulong sa paghahanap kay Guinevere. Isa na dito si Alucard na magaling sa paggamit ng malaking espada. at si Granger na bihasa naman sa paggamit ng baril. Nagtungo ang dalawa sa palasyo ng mga Baroque.

"Kayo na pala ang dalawang magigiting na demon hunter na ipinadala ng moniyan empire. Salamat at dumating kayo, nais kong humingi ng tulong sa inyo na hanapin ang nawawala kong anak. Ang pangalan niya ay Guinevere Baroque. Iito ang kaniyang larawan." sabi ng hari sa dalawa at agad ipinakita sakanila ang larawan ni Guinevere.

"Maganda siya," mahinang sabi ni Alucard, habang si. Granger naman ay seryosong nakatingin lang sa hari.

"Bibigyan ko kayo ng malaking gantimpala pag nakita ninyo ang aking anak." dagdag pa ng hari sa dalawa. Agad ng tumalima ang dalawa upang hanapin ang pinapahanap sa kanila.

Itutuloy... sa chapter 11.

MLBB tagalog story Book 1 : The Swan Princess and The KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon