Part 2

70 3 0
                                    

Mark's POV

Tahimik kong pinagmamasdan si Ellaine habang himbing na himbing siya sa pagtulog.. She really changed a lot.. Makikita mo yun sa way ng pananamit at pananalita niya..

Disente pa rin naman yung mga damit na sinusuot niya medyo nabawasan nga lang ng tela at medyo fit na rin ang mga sinusuot niya..

Hindi na rin siya pasigaw magsalita.. Medyo malumanay na ang paraan niya ng pananalita pero makikita mo pa rin ang pagiging mataray niya. Bagay na hindi mo na maaalis sa kanya..

Alam kong hindi ko na dapat siya ginugulo kaya lang hindi ko talaga napigilan ang sarili kong puntahan siya nang malaman kong kasama niya yung Ethan na yun sa bar.. Alam kong mali.. Dahil wala na akong karapatan sa kanya pero shit lang nagseselos talaga ako..

Kahapon pa ako nakauwi galing New York.. Siguro nagtataka kayo kung paano napunta kay Ellaine yung kuwintas na binigay ko sa kanya 3 years ago..

Well I have my own ways.. Syempre naman hindi ko pwedeng ibigay sa kanya yun ng ganun kadali malamang itatapon niya lang yun kapag ako ang nagbigay..

Bago ako pumunta ng New York, lagi ko siyang sinusubaybayan ng patago.. Nakita mismo ng dalawa kong mata kung gaano siya nasaktan nang ipagtulakan at iwanan ko siya ng wala man lang pasabi..

Isang araw bago ako umalis ng Pilipinas sinundan ko siya sa mini garden ng university namin.. Nakita ko siyang umiiyak.. Gusto ko sana siyang lapitan upang patahanin at yakapin pero hindi ko ginawa dahil alam kong once na lapitan ko siya baka hindi ko na siya magawang bitawan pa.. Alam kong magiging selfish ako kapag ginawa ko yun.. Ayokong maging dahilan ng pagkasira ng buhay ni Ellaine.. Mas mabuting ako na lang ang magdusa huwag lang siya..

Nang mga oras na yon nakita ko kung paano niya hubarin ang kuwintas na binigay ko sa kanya.. Humahagulgol siya habang tinititigan yun.. Laking gulat ko na lang nung hinagis niya sa fishpond ung necklace.. Nasaktan ako syempre.. Kasi alam kong once na itapon niya ang kuwintas na yun, wala na rin akong karapatang pumasok sa puso niya.. Kaya naman pagkaalis na pagkaalis niya dun hinanap ko agad yung kuwintas kahit halos abutin na ako ng gabi.. Nagkasakit pa nga ako nang dahil dun ehh pero ayos lang basta hindi yun makuha ng ibang tao.. Dahil kahit anong mangyari siya lang ang iibigin ko kahit malabong magkatuluyan kami.. Masakit man pero kailangang tanggapin..

Kahapon tinanong ko agad si Third kung saan nago-OJT si Ellaine para makita ko kung ano nang kalagayan niya ngayon.. Buti na lang magkasama sila ni Finah.. Medyo nakampante ako..

Nakakatawa nga ehh pinilit ko pa yung matandang babae na ibigay kay Ellaine yung necklace.. Wala ehh! Hanggang tingin na lang ako mula sa malayo.. Pero masaya pa rin ako dahil kinuha niya yung kuwintas kahit na sa timpla ng mukha niya gusto niya na iyong itapon..

Alam kong malaki ang galit sa akin ni Ellaine dahil iniwan ko siya ng walang paalam.. Anong magagawa ko?! Alam kong duwag ako.. Wala akong kwentang lalaki. Hindi ko man lang siya nagawang ipaglaban.. Kaya wala akong karapatang masaktan o magselos kung meron na siyang ibang mahal..

I miss her so much! I really do.. And I want to hold her tight and never let go.. If I only had the choice.. I will fight for her.. But it's too late.. Too late.. Im sorry Ellaine.. Im really sorry..

Biglang nagring ang phone ko kaya agad akong lumabas ng kwarto..

"Hello? Napatawag ka Third.."

"Hey! Saan ka ba nagpunta kagabi? Diba sabi ko sayo magkita tayo.."

"Sorry Pare. May mahalaga lang akong pinuntahan kagabi. Pasensya na talaga"

"O Sige sige.. I'll hang up na may date pa kami ng Sexy girl ko.. Mababawasan ang pogi points ko kapag nalate ako."

"Hahahah! Ang hangin mo Pre.. Sige bye.."

Babalik na sana ako sa kwarto kung saan natutulog si Ellaine nang marinig ko ang boses niya sa aking likuran..

"M-mark?!"

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Ellaine's POV

Agad siyang humarap sa akin.. Wala kang makikitang kahit na katiting na emosyon sa mga mata niya.. Hindi ko alam pero pakiramdam ko pareho kaming estranghero sa isa't isa.. Feeling ko hindi na siya ang kilala kong Mark.. Ewan ko ba!

Ang laki ng pinagbago niya ngayon.. Kung dati gwapo siya ngayon mas gwapo na.. Mas lalo ring lumaki ang kanyang pangangatawan.. He looks so professional.. Sa totoo lang ang daming nagbago sa aming dalawa after all these years na hindi kami nagkita..

Hindi ako makapaniwala.. Si Mark ba talaga ang lalaking nasa harapan ko? Kahit na galit ako sa kanya hindi ko pa rin maiwasan ang sarili na mamangha sa nakikita ng aking dalawang mata ngayon.. Argh! Why am I so attracted to him? Feeling ko nagagayuma ako.. Im supposed to be mad at him pero heto ako ngayon nagdrudrool sa isang lalaking ubod ng gwapo..

Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko mabasa ang mga mata niya kaya ako na ang kusang nag-iwas ng tingin.. Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala kinakagat ang labi ko ng madiin.. Nagulat na lang ako ng malasahan ko ang dugo sa aking labi..

"Ouch!" Napahawak ako sa labi ko.

"Damn! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo.." Akmang hahawakan niya na ang labi ko ngunit agad ko siyang pinigilan..

"Don't touch me! Hindi ko kailangan ng awa mo.."

"But.."

"Don't act like you care about me.. I am not foolish enough to believe your stupid lies.. So please.. leave me alone"

Kanina nakapokerface siya tapos biglang kukunot ang noo ngayon naman nakangisi.. What is his problem anyway? Hindi ko malaman kung anong ibig-sabihin ng pagiiba niya ng emosyon.

"Yeah! It's not like I care about you..Dinala lang kita dito dahil naaawa ako sayo.. You really looked pathetic last night.."

"Oh really! I looked pathetic last night?! Oh come on! Niloloko mo ba ako?! Nakakaawa na ba para sayo ang mga taong umiinom?"

"Actually, you are really pathetic since the first time I met you.. Dahil biruin mo yun nauto kita na minahal talaga ki..."

I slap him hard.. Ang kapal talaga ng mukha niya.. Sinasabi ko na nga ba niloko niya lang ako dati ehh.. Ako naman si uto uto naniwala..

"How dare you! Oo! Naniwala ako na minahal mo talaga ako.. Alam mo kung bakit?! Kasi natutuhan kitang mahalin sa sandaling panahon na nakasama kita.. Kahit na laro lang pala sayo ang lahat.." Pinigilan ko ang nagbabadyang mga luha sa pagtulo.

"Hahahah! Sino nga ba naman ako para umasang may magmamahal sa katulad ko.. Pasensya na tanga lang.."

"Aalis na ako.. Isipin na lang natin na hindi tayo nagkakilala noon.. Kasinungalingan lang naman ang lahat ng meron sa atin dati." Binigyan ko siya ng isang pekeng ngiti.

Agad akong tumalikod sa kanya kasabay nun ang pagtulo nang aking mga luha.. Dumiretso ako sa pintuan at agad na umalis sa lugar na yun habang umiiyak.. Hindi niya na ako pinigilan pa..

Akala ko noon ok na ako.. It's been 3 years pero ung sakit nandito pa rin at lalong sumisikip ang kaliwang parte ng dibdib ko kapag nakikita ko siya.. Akala ko malakas na ako, mahina pa rin pala..

Is it even possible to love someone you just hate? Kasi sa sitwasyon ko ngayon masasabi kong mahal ko pa rin siya kahit sobrang sakit na..

Im still in love with that jerk and I hate it.. I hate this feeling. Masasaktan lang ako kapag pinagpatuloy ko pa ang kahalalang ito..

I Love That Boyish Girl - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon