Third and Finah's Sidestory

50 2 0
                                    

Agad na binuhat ni Third si Finah nang makita niyang biglang hinimatay ito..

Naaawa siya sa dalaga dahil sobra ang pinagbago nito mula nung araw na nakipaghiwalay ito sa kanya.. Laging mugto ang mata nito sa kaiiyak at lagi rin itong walang tulog.. Lagi niya ring nakikita si Finah na nagpapalipas ng gutom..

Lagi niyang sinusubaybayan si Finah sa malayo at dahil sa sobrang pananabik niya dito patago siyang nagpakabit ng hidden cameras sa bawat sulok ng kwarto ni Ellaine. Mabuti na lamang at kakilala niya ang may ari ng hospital kaya napakiusapan niya itong ipakabit sa mga staffs ang camera..

Alam niyang wala na siyang karapatan sa dalaga dahil wala na sila.. Pero hindi niya mapigilan ang sariling pagmasdan ito mula sa malayo..

Hindi niya naman itatanggi na may kasalanan siya kung bakit naaksidente si Ellaine.. Pero bakit ang unfair naman yata ng hinihinging kapalit ni Finah.. Hinding-hindi niya matatanggap ang hinihingi nito sa kanyang break up..

He love her so much.. She was his first love.. His Everything. At kung may gusto man siyang dalhin sa altar si Finah lang yun. Wala nang iba.. Kaya he will take her by hook or by crook.

Humingi agad siya ng tulong sa ilang nurses dun.. Agad naman silang gumawa ng aksyon para asikasuhin si Finah..

"Doc! Kamusta po siya?"

"Stable na naman ang pasyente.. Naoverfatigue lang siya dahil sa sobrang stress,lack of sleep, at hindi pagkain ng maayos.. For now, she needs some rest to regain her strength. Painumin mo rin siya nang mga vitamins na nireseta ko.."

"Pwede ko na po ba siyang iuwi?"

"Yes you may.. Siguraduhin mo lang na ilalayo mo siya sa stress para gumaling siya kaagad."

"Sige po.. Thank you Doc!"

----------------------------------------

Inuwi ni Third si Finah sa kanyang bahay. Balak niyang alagaan ang dalaga hanggang sa bumalik na ang dating lakas nito.

Pero sa totoo lang, wala na talaga siyang balak na pakawalan si Finah kahit ipagtulakan pa siya nito.. Kung kailangan niyang ikulong ito sa kanyang bahay gagawin niya huwag lang ito mawalay sa kanya.

He is desperate, that's why he'll do everything to win her back.. He may sounds crazy.. Pero ang totoo niyan baliw na baliw lang talaga siya kay Finah.. Kaya gagawin niya ang lahat maging sila lang ulit..

----------------------------------------

"Hmmm.." Mahinang utas ni Finah..

Sa totoo lang ngayon lang siya nakatulog ng mahimbing.. Halos buong araw na siyang natutulog sa silid ni Third habang binabantayan siya ng binata...

Pamilyar kay Finah ang panlalaking amoy na naaamoy niya sa kumot at unan na ginagamit niya ngayon pero pinagwalang bahala niya lang iyon. Sa halip, lalo niya pang niyakap ang unan at tinakip sa sarili ang kumot na may naiwang amoy ni Third..

Napabalikwas siya sa kama nang magsink in sa utak niya kung kaninong panlalaking amoy ang naamoy niya.

"What am I doing here?"

"Good Morning Baby! Don't worry inuwi lang kita sa bahay natin.."

"A-anong bahay natin! Kailan pa natin naging bahay to? Baka bahay mo lang.. Tyaka sabi ko naman sayo diba?! Hiwalay na tayo!"

"No Baby! I won't accept that. It is still not over between us.."

"It's over Third! Wala nang tayo.. Aalis na ako..Babantayan ko pa si Ellaine.."

I Love That Boyish Girl - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon