Chapter 42 - My Possesive Fiance

47 3 0
                                    

Ellaine's POV

5 years have already passed.. Natupad ko na rin ang pangarap kong maging isang lisensyadong doktor.. Mahirap man, pero nakaya ko.. Dahil na rin sa tulong ni Love..

Tinupad niya ang pangako niya sa akin na hihintayin niya ako at mananatili siya sa tabi ko habang tinutupad ko ang mga pangarap ko.. Akala ko nga mapapagod at magsasawa siya sa paghihintay sa akin ehh.. Pero hindi..

Sa totoo lang, mas lalo pang tumibay ang relasyon naming dalawa ngayon.. Inaamin ko, madalas kaming magkatampuhan ni Love, pero hindi naman namin pinapalipas ang isang araw na hindi kami nagkakabati..

Ilang taon na rin kaming magkarelasyon.. At hindi na rin kami teenagers para maging immature.. Sa ngayon, hindi na namin pinapairal ang pride.. Dahil mas lamang pa rin ang pagmamahal namin sa isa't isa kaysa sa lintik na pride na yan..

Pero hindi ko itatangging napaka seloso at possesive niyang si Love.. Lalo na ngayong doktor na ako.. Madalas niyang pagselosan ang mga katrabaho kong doktor at kung minsan, pinagseselosan niya rin ang mga pasyente kong lalaki..

Sa totoo lang, kinikilig ako minsan kapag nagseselos siya.. Pero habang tumatagal naiinis na rin ako.. Wala naman kasing patutunguhang maganda ang pagiging seloso niya..

Katulad na lang kanina.. Hinatid niya kasi ako sa hospital na pinagtratrabahuhan ko ngayon..

Flashback...

"Love! Busy ka mamaya? Lunch date tayo!"

"Hindi ako pwede Love! Marami pa kasi akong dapat asikasuhin na pasyente.. Baka mamayang hapon pa matapos ang duty ko.."

"Ahh.. Ganun ba? Sige ok lang.. Sasabihin ko na lang sa secretary ko na ituloy ang board meeting nmin mamayang lunch.." Mukhang dismayado siya sa naging sagot ko.. Alam ko namang marami na akong naging pagkukulang sa kanya mula nang maging doktor ako ehh.. Aminado naman ako doon..

"I'm really sorry.. Love.."

"Ok lang.. Love.. Alam ko namang marami kang responsibilidad bilang isang doktor.. Tanggap ko namang hindi pa ako kasama sa mga prayoridad mo sa buhay.."

"Love.. Hindi naman sa ganun.."

"No, It's ok.. It's really.. okay.. Kahit na mas madalas mo pang kasama yung Doctor Reyes na yun kaysa sa akin.."

"Love!"

"What?! Totoo naman diba?!"

"Love naman ehh! Huwag ka naman sanang magselos kay Doc.. Magkaibigan lang kami.."

"Fine! Basta susunduin na lang kita mamaya.." Sumakay na siya sa kotse niya at mabilis na pinaharurot iyon.. Tsk! Hindi man lang naggoodbye kiss..

Hayyy! Nagtratrabaho ako ngayon kahit lutang ang isipan ko.. Ang seloso kasi ni Love.. Pero kasalanan ko rin naman ehh.. Halos wala na akong nalalaan na oras sa kanya dahil nga masyado akong busy..

Dahil sa sobrang pag-iisip, hindi ko na napansin ang pagtakbo ng oras.. Hapon na pala.. Maya-maya tapos na rin ang duty ko..

"Magandang Binibini! Kanina ko pa napapansin na wala ka sa sarili mo ahh.. May problema ba?"

"Ah wala naman.. Tyaka huwag mo nga akong tawagin sa ganyang paraan.. Ang baduy ehh.."

"Bagay naman ahh.. Tyaka ikaw lang kaya ang sinasabihan ko ng ganyan.."

Nagpout na lng ako..

"Hahahah! Cute mo!" Kinurot niya ang kaliwang pisngi ko..

"Doc!"

"Hahahah! Sorry!"

"Tsk! Aalis ba nga ako.."

"Wait lang! May ibubulong lang ako sayo.."

"O ano yon?!"

"Gusto kita!"

Pinanlakihan ko siya ng mata..

"Di pwede! May boyfriend na ako.."

"Ano naman! Boyfriend lang naman ahh.. Di pa naman kayo kasal.."

"Kahit na! Engaged na kami.. Pwede na kaming magpakasal anytime soon.."

Nagulat ako nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko.. Oo inaamin ko, gwapo siya.. Pero wala nang mas hihigit pa sa Love ko..

"Oy! Anong balak mong gawin?!"

"Hahalikan.. Bakit?!" Nangangasar na wika ni Doc..

"Tigilan mo nga ako! Di kita type.. Kung gusto mo ikiskis mo yang nguso mo sa pader.."

"Hahahah! Ouch naman! Pero ok lang.. Gusto pa rin kita.."

Nagulat ako nang biglang may sumuntok kay Doc nang malakas!Laking-gulat ko nang mapagtantong si Mark pala yun..

"You can't do that to her, Jerk! She's my fiancèe, at ako lang ang pwedeng humalik sa kanya.."

I was shocked nang bigla niya akong halikan nang mariin at mapangahas.. Para bang nilalabas niya lahat ng tinatago niyang galit at hinanakit sa halik na yun.. Ayoko ng ganito.. Nasasaktan ako.. Emotionally and Physically..

"M-mark.. Shtoppp.. N-nasasaktan ako..." Nahihirapang bulong ko pero hindi niya ako pinakinggan.. Sa halip, mas lalo niya pang diniin ang labi niya sa labi ko..

Napasinghap ako nang pilitin niyang ipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko.. Kaya pilit kong tinikom ang bibig ko.. Dahil sa inis, kinagat niya ng marahas at madiin ang labi ko, na naging dahilan upang dumugo ito..

Kusa na lamang tumulo ang mga luha ko.. Hindi ko akalaing magagawa niya sa akin yun.. Dahil na rin sa inis, nagawa ko ring itulak siya ng malakas..

"Ano bang problema mo ha?! Ano bang nagawa kong mali para gawin mo to?!" Inis na sigaw ko sa kanya..

"Isn't it obvious?! I can't stand seeing you talking with that guy! Lalaki rin ako Love.. Alam ko kung may gusto ang isang lalaki sa isang babae.. Kaya alam kong gusto ka niya!"

"Ano naman kung gusto niya ako.. Hindi naman siya ang mahal ko ahhh..At kahit kailan hindi ko nagawang lokohin ka.. I'm being faithful and loyal to you after all these years!"

"Alam ko! Pero hindi mo ako masisisi kung nagseselos ako.. Dahil sa totoo lang, mas madalas mo pa siyang kasama kaysa sa akin.."

"Napag-usapan na natin to diba?!"

"Oo.. Alam ko! Ano nga bang magagawa ko?! Boyfriend mo nga lang pala ako.. Pasensya na Love.. Pinipilit ko namang intindihin ang sitwasyon, pero hindi ko pala kaya.. Damn! Ang hirap!"

"M-mark.." Bulong ko..

"Love.. Sorry.. Hindi ko pala kayang maghintay nang ganito.. Ang hirap kasi ehh lalo na kapag lagi kang nababalewala.. Bigyan mo muna sana ako ng time para makapagisip-isip.."

Napayuko na lang ako nang talikuran niya ako.. Sinubukan ko siyang tawagin pero hindi niya man lang ako nilingon..

Binaling ko ang mukha ko kay Eric..

"Masaya ka na ba? O ayan nagkakalabuan na kami.. Ito naman ang gusto mo diba?! Ang magkahiwalay kami.. Pero pasensya na.. hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo at wala nang iba.." Tinalikuran ko siya at umalis na sa lugar na yun.. Wala na akong pake kung maraming nakakita sa amin.. Si Mark lang ang gusto kong makita at kausapin ngayon..

I Love That Boyish Girl - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon