Chapter 44 - Set Up

53 3 0
                                    

Ellaine's POV

Kadiliman, iyon ang una kong nasilayan nang magkaroon ako ng malay. Pinakiramdaman ko ang sarili. Mayroon palang telang tumatakip sa aking mga mata. Nakatali rin ang paa at ang kamay ko.

Nasaan ako?! Bakit ako nakapiring at nakatali?! Nakidnap ba ako?! Pilit kong inalala ang mga nangyari bago ako napunta sa sitwasyon ko ngayon.

Oo nga pala.. Nagkatampuhan kami ni Mark. I tried my very best para pansinin at patawarin niya ako.. I exerted too much effort.. Pero hindi niya man lang ako nagawang pansinin o pakinggan man lang ang mga paliwanag ko.. And worst! He left me all alone in his condo unit..

Well I tried to call him right after he left me, only to find out na may kasama pala siyang ibang babae.. Damn! I can't stop myself from imagining na may ginawa nga talaga silang kababuyan nung babaeng yun behind my back..

Naku! Kung tama man ang lahat ng hinala ko.. I swear makakapatay ako.. Kasi iniisip ko pa lang.. Sobrang nasasaktan na ako.. What more.. kung totoo nga?!

When I heard the voice of that insolent woman, pakiramdam ko may pumiga dito sa puso ko.. He can really put my heart in misery if he wants to.. Ilang beses niya na bang nagawa yun? Once? Twice?!

I was really hurt that time.. I barely can't breathe.. And I feel like I'm about to explode.. Masakit ehh! Sobrang sakit! Ginawa ko naman ang lahat para patawarin niya ako.. Pero bakit ganun?! Nagawa niya pa ring sumama sa ibang babae.. Maybe it's because I can't fulfill his needs, physically and emotionally.

I needed space.. My mind and my heart were not functioning well that time.. That's why I ran away.. And now.. If I am not mistaken.. I am kidnapped..

Arghh! D*mn this life! Ang malas-malas ko talaga.. Alam mo yung feeling na akala mo okay na ang lahat?! Wala nang problema.. Wala nang kontrabida.. Tapos hindi pa pala..

Akala ko wala nang katapusan ang lahat ng kasiyahan na nararamdaman ko lalo na at naabot ko na ang mga pangarap ko at laging nasa piling ko si Mark, tapos sa isang kisapmata bigla na lang maglalaho ang lahat.. Hindi man lang ako nawarningan.. Para kahit papaano handa ako.. Edi sana hindi masyadong masakit..

Bakit kasi hindi niya man lang ako kinausap o pinakinggan?! Alam ko may pagkukulang ako.. Pero bakit ganun? Ang unfair lang diba?! Kung pinakinggan niya lang sana ako edi sana masaya kami.. Edi sana hindi ako nakidnap ngayon..

Tsk! Bakit ko pa ba iniisip yun? Tapos na ehh.. Nangyari na ang dapat mangyari.. At ang dapat na mas pagtuunan ko ngayon ng pansin ay kung paano ako makakaalis sa lugar na ito..

Sinubukan kong kalagin ang pagkakatali ng kamay at paa ko ngunit masyado itong mahigpit.. Mukhang sinigurado nung walanghiyang kidnaper na yun na hindi ako makakawala mula sa pagkakatali ko..

Hindi ko rin masyadong maigalaw ang kanang kamay ko dahil medyo kumikirot iyon kapag nababangga.. Hindi ko pa nga pala nagagamot yung paso ko.. Jinx talaga!

Umiinit ang ulo ko ngayon.. Sobrang naiinis ako.. Sa totoo lang hindi ko deserve ang lahat ng ito..

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na huwag sisihin si Mark sa mga nangyayari sa akin ngayon.. Kasalanan niya naman kasi ehh..

Bakit kasi hindi niya maintindihan na siya lang ang mahal ko?! Siguro nga masyado akong busy sa propesyon ko bilang doktor.. But it doesn't mean na hindi ko siya mahal..

Ginagawa ko lang naman ang lahat ng ito para sa aming dalawa.. Alam kong financially stable na siya.. At hindi ko na kakailanganing magtrabaho kapag nagpakasal na kami.. Dahil sa totoo lang barya lang sa kanya ang kinikita kong pera buwan-buwan..

I Love That Boyish Girl - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon