Part 2

41 3 0
                                    

Ellaine's POV

Nandito na ako sa unit ko ngayon.. Hanggang ngayon hindi pa rin ako mapakali dahil hindi pa rin kami nagkakaayos ni Mark..

Kaya tinawagan ko ang bestfriend kong si Finah para humingi ng advice..

"Sisteret! Pasensya na sa istorbo. Busy ka ba ngayon?"

"Hindi naman.. Bakit? May problema ba Sis? Sabihin mo lang sa akin at baka may maitulong ako.."

"Nagkatampuhan kasi kami ni Mark.. Hindi ko na kasi siya nabibigyan ng time dahil nga masyado akong busy sa trabaho.."

"Yun lang ba talaga?!" Tanong niya sa akin sa kabilang linya..

"Hindi. Pero isa na yun doon.. Nagselos din kasi siya kay Eric.."

"You mean, si Eric?! Yung katrabaho mong doktor na nagpapalipad hangin sayo?"

"Oo.. Ewan ko ba kasi dun sa lalaking yun.. Pilit ko na nga siyang iniiwasan pero lapit pa rin siya ng lapit sa akin.."

"Sabi ko naman kasi sayo ehh.. May gusto sayo yung doktor na yun.. Ayaw mo namang maniwala.."

"O sige na.. Naniniwala na ako.. Pero Sis! Di talaga ako mapakali ehh.. Kailangan naming magkaayos ni Mark.."

"Ito lang ang maipapayo ko sayo Ellaine.. Sa isang relasyon hindi pwedeng ikaw lang ang laging tumatanggap, dapat matuto ka ring magbigay.."

Nanatili lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya..

"Katulad na lang sa relasyon niyo ni Mark.. Siya lagi ang umiintindi at nagsasakripisyo para sayo kaya hindi mo siya masisisi kung napapagod na siya.. Kung gusto mo talagang magkaayos kayo, kailangan mong suklian ang mga bagay na ginagawa niya para sayo kahit sa simpleng paraan lang.. And I'm pretty sure na maaappreciate niya yun.."

"Saan mo yan nahugot Sis?!" Medyo pabirong tanong ko sa kanya..

"Ano ka ba?! Hindi mo ba alam na pinangarap kong maging DJ noon?! Gusto ko kasing magbigay ng advice tungkol sa Love.. Hahahah!"

"Pero Finah, thank you talaga ha.. Kung wala ka, hindi ko talaga alam ang gagawin ko.."

"Wala yun noh! Magbestfriend tayo kaya tama lang na magdamayan tayo kapag may problema ang bawat isa sa atin.."

"Kaya Love kita ehh.. Oo nga pala.. Kamusta na ang pagbubuntis mo?"

"Ito maraming bawal.. Medyo maselan kasi ang pagbubuntis ko.. Pero don't worry.. Alagang-alaga naman ako ni Mahal ehh.."

"Dapat lang noh! Ang hirap kaya magbuntis.. Pero alam mo? Masaya ako dahil finally nahanap mo na rin ang totoong magpapasaya sayo.. Alam kong magiging mabuting asawa at ina ka kay Third at sa magiging anak niyo.. Dahil isa kang mabuting anak at kaibigan sa amin at sa pamilya mo.."

"Huwag ka ngang magdrama! Naiiyak ako ehh.. Pero alam mo Sis, sobrang saya ko ngayon.. Akala ko kasi noon, wala na akong pag-asang maging masaya ehh.. Lalo na nung mga panahong sobrang down ako dahil nga magulo ang pamilyang kinagisnan ko.. Pero I was wrong! Dahil nakilala ko si Third.. Binago niya ang pananaw ko sa buhay.."

"Ikaw nga yung madrama ehh.. Gusto mo ipadala na natin sa MMK yan?"

"Hahahah! Sis kailangan ko na palang matulog.. Pinapagalitan na ako ni Mahal ehh.."

"Ganun ba?! Sige matulog ka na.. Kailangan niyo yan ni Baby. Thank you ulit sa time ahh..

"No problem.. Basta kung kailangan mo ng makakausap nandito lang ako.. Sige Sis Bye na!"

"Bye Sis! Sleep tight!"

Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo.. Kinasal na sila Finah at Third 2 years ago.. At ngayon, 3 buwan nang nagdadalang-tao si Finah.. Medyo maselan nga lang ang pagbubuntis niya kaya naman tutok na tutok si Third sa asawa..

Kahit na kasal na si Finah, hindi niya pa rin nakakalimutan ang responsibilidad niya sa pamilya niya.. Sa totoo nga nyan ehh, nagpatayo pa siya ng bahay para kay Tita Belinda.. Pinupunan niya ang lahat ng pangangailangan nila Tita sa abot ng makakaya niya..

Masaya ako dahil maayos na ang buhay ng mga best friend at mga kaibigan ko.. Isa na lang yata ang dapat kong ayusin.. At yun ay ang tungkol sa aming dalawa ni Mark..

Sa ngayon ako naman ang magbibigay at magsasakripisyo para sa lalaking mahal na mahal ko..

I Love That Boyish Girl - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon