Chapter 36 - The Truth

47 3 0
                                    

Naging maayos din ang lahat kay Finah at kay Third.. Nagising na rin si Ellaine mula sa isang buwang pagkakacoma.. Ilang weeks din siyang nag-undergo ng therapy para maging normal na ang kanyang paglakad. Naapektuhan kasi ang kanyang binti dahil sa aksidenteng nangyari.

Nakagraduate na rin si Ellaine at Finah sa kanilang napiling kurso.. Mabuti na lang matataas ang marka ni Ellaine kaya pinayagan siyang makagraduate kahit na medyo nadelay siya sa pagcomplete ng requirements.

Ngunit kahit bumalik na sa normal ang lahat. Mapapansin pa rin ang lungkot sa mga mata ni Ellaine. Nagpapanggap siyang masaya kahit hindi naman talaga ito ang nararamdaman niya..

Alam niyang dinalaw siya ni Mark nung araw na nagising siya sa hospital. Sigurado siya na si Mark yun kahit na hindi niya ito nakita dahil ang puso niya na mismo ang nagsasabi sa kanya na si Mark yun.. Kaya lang mula ng araw na nagising si Ellaine, hindi na nagpakita pa si Mark. Naglaho na lang ito ng parang bula. Walang nakakaalam kung saan ito nagpunta. Kaya naman labis ang lungkot na nararamdaman ni Ellaine.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Magkakasama ngayon si Ellaine, Finah, at Ethan.. Naisipan kasi ni Finah na kailangan nilang magbonding together dahil magiging busy na rin sila sa mga napili nilang propesyon.

Bukod dun, may gusto ring malaman si Finah.. Isang sikreto na maaaring bumago ng lahat. Kailangan niya muna magpakasiguro.. Ayaw niyang magassume ng basta-basta kaya kailangan niya ng proof.

Nagkwekwentuhan sila ngayon sa living room tungkol sa mga ala-ala nilang tatlo.

"Hahahah! Naaalala mo pa ba noon Ethan ang nerd mo pa tapos ang baduy-baduy mo manamit." Finah

"Hahahah! Syempre naaalala ko pa.. Ikaw nga ang chubby mo noon ehh tapos lampa pa.. Hahahah!" Ethan

Nagpout naman si Finah bago nagsalita.

"Ay! Oo nga pala! Naalala mo pa ba nung nawala si Ellaine nung fieldtrip natin? Hindi natin siya makita sa kumpulan ng tao dahil sobrang liit niya.." Finah

"Hahahah! Ang pandak kasi ni Ellaine dati eh pero ngayon medyo pandak pa rin.. Hahahah! Naalala ko tuloy dati sobrang frustrated siya sa height niya kaya halos lahat ng supplements na pampatangkad ininom niya na. Kulang na lang lagukin niya ung bote ehh.. Tapos remember Finah pinahila niya pa sa atin ung magkabilang binti niya para daw maistretch at humaba.. Hahahah!" Ethan

"Hahahah! Laughtrip talaga." Finah

"Are you making fun of me? Alam ko nang pandak ako kahit anong gawin ko. Anong magagawa ko kung hanggang dito lang ang pinagkaloob sa akin ng Diyos.. Tsk!"

"Pikon talaga." Finah

"Pero sa totoo lang.. I miss those days.. We are so carefree that time. Ang pinoproblema pa lang natin noon ay yung mga grades natin. Eh ngayon mas mabigat pa yata sa atin yung mga problema.." Ethan

"Wala eh.. Ganun talaga! Kailangan nating sumabay sa takbo ng panahon.. Dapat go lang ng go.." Finah

Pizza Delivery!

"Yes! Nandyan na rin sa wakas!" Finah

"Ako na ang kukuha.." Ethan

"Kukunin ko lang sa kitchen ung iba pang foods.." Ellaine

"Need help?" Finah

"No need.. Kaya ko na yun" Ellaine

Finah's POV

Oh God! This is it! Masasagot na rin ang lahat ng katanungan ko sa buhay.. Good thing, naiwan ni Ethan sa couch ung phone niya..

Kinalikot ko ang phone ni Ethan na mukhang hindi pa napapalitan.. Eh nung 1st year college pa to ehh.. Bakit kaya hindi niya pa palitan to? Mapera naman siya.. Engineer na kaya ang bestfriend ko. Siguro may sentimental value tong phone na to..

I Love That Boyish Girl - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon