Hindi ako lumaki sa puder ng mga magulang ko ibinigay nila ako sa tita ko simula pag kabata ko ay pinag kaitan nako ng pag mamahal ng magulang dahil dito wala akong mga kaibigan.
Mahina ako pag dating sa mga socialize-socialize na 'yan wala akong balak makipag kaibigan na kahit sa kanino man college na ako pero may isang lalaki dito na kinukulit ako lagi na makipag kaibigan sa kanya.
"Ano ba seokmin diba kaba titigil?" Inis na sabi ko sa kanya.
"Bakit ba? Anong bang dahilan at ayaw mo sakin gustong gusto nga ako ng mga tao dito e,"
"Ah baka hindi ako tao kasi hindi kita gusto"
Umalis ako sa harapan niya at umuwi sa aking tinitirahan na boarding house mag kapit bahay lang kami ni seokmin lagi ko siyang nakikitang masaya sa bahay nila.
Nakakadiri.
Mahal na mahal siya ng magulang niya dahil nag iisa lang siyang anak ng mga ito kada matutulog na siya hinahalikan niya ang mga magulang niya sa noo.
Kaya ako naiinis sa kanya dahil sobra siya sa pag mamahal ng magulang masaya ang pamilya nila kung ikukumpara sa akin.
Ipinanganak lang ako para mabuhay mag isa ayaw na sa'kin ng mga magulang ko, ang mama ko gusto niya ang ate ko ang papa ko naman gusto niya ang bunso kong kapatid.
E ako? Saan naba ako lulugar? umalis ako sa bahay namin sa murang edad palamang ay nag tratrabaho nako para sa sarili ko habang nag aaral ako nag tratrabaho naman ako sa isang café malapit sa school namin.
Kinupkop ako ng tita ko at siya ang tumutustos sa mga pangangailangan ko kaya gusto ko makapag tapos at mabayaran sila para naman mag isa nako ulit sa buhay ko.
Mas mapayapa ang buhay ko pag mag isa ako ayokong makipag usap sa ibang tao.
"Good morning Y/n," nandito na naman siya.
Hindi ko pinapansin si seokmin pero bakit lagi nalang siyang naka ngiti pag nasa tapat ko siya pinapa muka niya ba sakin na kulang talaga ako sa aruga?
____________________________________
"Y/n uuwi kana ba? Sabay na tayo," sabi niya.
"Wag kang sumabay ayaw kitang makita," nilagpasan ko nalang siya at naglakad papalayo sa kanya.
Habang nag lalakad ako sa flyover may napansin akong matanda na nahihirapan siya mag ayos ng paninda niya.
Dahil manhid ako hindi ko nararamdaman na umuulan na pala pinuntahan ko ang matanda at tinulungan ko siya.
"Lola tulungan kona po kayo," I said with a smile kahit pa napakasama ng ugali ko, mahal ko parin ang matatanda sa paligid ko basta hindi sila parte ng pamilya ko.
"Iha napaka buti mo kunin mo ito," kinuha niya ang kamay ko at may inilagay siya sa palad ko isang candy? At nakalagay sa balot ng candy na "Please smile you are pretty,"
Kung alam lang ni lola ang tunay na ugali ko baka inihulog niya na ako sa flyover sa inis.
Tinignan ko si lola nararamdaman ko ang lungkot at pighati ganito na ba talaga ako ka kulang sa aruga napatingin ako kay lola naka ngiti siya at nararamdaman kona tumutulo na pala ang mga luha ko.
Bakit?
Never pako umiyak?
Anong problema mo y/n?
Bakit ka nag dradrama?
Bigla nalang ako niyakap ni lola
At sinabing.......
"Magaling ka iha proud ako sayo,"
Ang mga salitang yon.
Napahagulgol ako sa iyak na parang ng hihina ang mga tuhod ko.
"Mahal ka ni lola at hindi ka nag iisa,"
Alam siguro ni lola ang mga problema ko nakikita niya ba na kailangan ko din ng tulong ng iba pero dahil sa pride ko hindi ko kayang tumanggap ng tulong mula sa iba.
Hinalikan ako ni lola sa noo at umalis iniwan niya ako ng may pag mamahal napatingin ako sa candy ulit.
*Please smile you are pretty*
Napangiti ako ng dahil doon never akong umiyak o ngumiti sa harap ng mga tao.
"Y/n... "
Ang boses nayon.. kay seokmin yon napatingin ako sa kanya may hawak siyang payong at ako naman ay basang basa ng ulan habang umiiyak.
Lumapit siya sa akin at bigla niya akong niyakap hinubad niya ang suot niyang jacket at isinuot sa akin bakit kaba ganyan?
"Hey, wag ka mag paulan mag k-kasakit ka" nag aalala pa siya sakin sinusungitan kona nga siya.
"Bakit ba ganyan ka ha seokmin!" tinignan ko siya sa kanyang mga mata mukang nagulat siya dahil first time lang ako sumagot ng maayos sa kanya.
"K-kasi m-mahal k-kita?"
"Huh?"
"MAHAL KITA."
bigla niya akong niyakap bakit ba may nag mamahal pa sakin ang sama sama na nga ng ugali ko halos karamihan ng pamilya ko ayaw sakin dahil daw sa kasamaan ng ugali ko.
Ang mga tao talaga ang bilis manghusga
"Y/n hindi ka masama mabuti ka kaya minahal kita ilang beses nakita nakikitang tumutulong hindi ko lang sinsabi sayo baka layuan mo ako"
Bumitaw siya sa pag kayakap sakin at hinawakan ang balikat ko napaharap sa kanya .
"Y/n give me a chance to love you hmm?"
Napatango naman ako sa kanya.
"Smile kana nga pretty ko," tumatawa siya at yung tawa nayon nakakahawa
Ngumiti ako sa kanya at hinalikan niya ang noo ko.
"Iloveyou y/n"
Napa tingin ako sa mga mata niyang nag niningning napaka gandang pagmasdan niyakap ko siya ng mahigpit parehas na kaming basa sa ulan.
"Thankyou." kasi hindi ka sumuko na intindihin ako lagi kang nanjan kahit pa ang sama na ng ugali ko sayo.
YOU ARE READING
Seventeen Imagines
FanfictionSeventeen Imagines | On going SEVENTEEN SERIES INSIDE THE BOOK > THE PRESIDENT AND THE 2 BASTARDS > MARRYING HIM IS LIKE A? > THEY MADE ME DO THIS > I MARRIED THE WRONG GUY