TRES

3 0 0
                                    

Gabi na at naiwan akong mag isa dito sa park! Takot pa naman ako sa dilim at ayokong mag-isa.



Bakit ba kasi ang tagal tagal umihi nitong si K tapos hindi ko naman namalayan na nawala na pala si Niko sa tabi ko.



Sa sobrang tagal kong paghihintay sa dalawa, hindi ko na namalayan na nakapag drawing na pala ako ng puso sa lupa na nakapaloob ang pangalan namin ng crush ko––



Bura bura



"Hindi pwede! Hindi ko siya crush, okay? Nagkataon lang na magkababata kami and I found him cute. YUN LANG." Nababaliw na ata ako at kinakausap ko na sarili ko.



"Rose!" Napaigtad ako ng bahagya sa gulat. Tinatawag na pala ako ni kuya Jack, kapatid ko. Sinusundo na niya ako.



Mabilis kong binura ng tuluyan yung dinrawing ko. Sana hindi niya nakita.



Masaya akong lumapit sa kanya. "Kuya Jack!"



Napaka aliwalas talaga sa pakiramdam kapag nakikita ko si Kuya ko. Napaka bait at gwapo pa. Kesa dun kay–– ah basta!



Lumapit siya sa akin tapos ginulo ang aking buhok. "Tara na, uwi na tayo. Gabi na at baka hulihin ka pa ng pulis." Inis kong tinanggal yung kamay niya. Ang ganda kaya nang pagkaka-ayos ni mama sa buhok ko tapos guguluhin niya lang. Bwiset.



Hindi ko pa alam kung bakit nasabi ni kuya na huhulihin ako ng pulis e wala naman akong ginawang masama. Bad girl na ata ako sa paningin ni kuya, naisip ko.



Dahil naiinip na rin lang ako sa kakahintay sa dalawa, pumayag na akong sumama pauwi. Bahala na sila sa buhay nila. Malalaki na sila.



"Kuya, anong ulam sa bahay? Nagugutom na ako e––" natigilan ako sa paglalakad nang may isang itim na sasakyan ang humarang sa amin ni kuya.



Marahang bumababa ang bintana sa gilid nito. Lumapit si Kuya Jack sa sasakyan at nahatak ang kamay kong nakahawak sa kanya.



Sumilip ako sa loob ng sasakyan at may nakita akong dalawang tao na naka puting coat at naka face mask.



"Magandang gabi po, Doctor Memoria." Bati ni kuya sa misteryosong lalake.



Tinignan ako ni Doctor Memoria mula ulo hanggang paa. "Siya na pala ang kapatid mo?"

Youth of Fiasco (2021)Where stories live. Discover now