DOS

6 0 0
                                    

Agad akong sumunod sa kaniya. Nang may nakita akong puwedeng pag taguan, pinunantahan ko agad ito at sinilip kung saan siya patungo.



Tumigil siya sa harap ng isang abandonadong building at pumasok. Pagka dating doon ay may nakita akong isang babae na naka puti din. Kasabwat niya ata.



Hindi ko ma-aninag ang kanilang mga mukha dahil sa suot nilang face mask. Kailangan ko pa lumapit ng kaunti.



Dahan-dahan akong lumalapit sa kanila pero habang papalapit ako ng papalapit ay parang namumukhaan ko na ang dalawang taong ito. Kung hindi ako nagkakamali––



"Mommy? Daddy?"



Nagulat ang dalawa. Nag-tinginan muna sila sa isa't isa bago humarap muli sa akin. Sila nga. Hindi ako nagkakamali.



Sa wakas ay itinanggal na nila ang suot nilang face mask. Wala silang pinag bago. Maganda pa din si Mommy at sumisimoy ang kaniyang mahalimuyak na pabango na hinding hindi malilimutan ng aking pang amoy. Si Daddy naman ay pinananatili ang kanyang pagiging Mexican look dahil sa kanyang bigote.



Ang puting suot nila ay ang kanilang coat. Iyon ang tanda ng kanilang pagiging Scientist. Ngunit parang may kakaiba. Hindi na iyon ang nakasanayan kong suot nila dati dahil nadagdagan ito ng isang logo sa may bandang kaliwang dibdib nila at may nakatatak dito na K at S. Bagong uniform nila siguro.



"Nagkamali tayo ng bata." Bulong ni Mommy kay Daddy pero nadinig ko.



Parang tanga diba. Limang taong hindi nakita yung anak tapos unang sasabihin nAgKaMaLi TaYo nG bAtA. Anak ba talaga nila ako?



"H-Hi Babyyyy! Kumusta ka na?" Mukhang masaya naman si Mommy nang lapitan at yakapin ako. Pero naguguluhan ako sa sinabi niya kanina e. Hayaan mo na nga. Namiss ko itong yakap niya e.



"Mommy, ano ginawa ninyo kay K?"



"Ahmm... Baby, secret lang natin ito ha? May ginagawa kasi kaming malaking mission kaya nandito si Mommy at Daddy." Kinindatan niya pa ako.



Angaaaaaaaaas. Para pala silang mga secret agent.



Wagas naman akong tumango at sumang ayon sa hiling ni Mommy pero curious talaga ako e––



"Ano ba yung mission niyo Mommy? At bakit niyo kinuha si K?" Nagkatinginan muli silang dalawa.



"M-meroong kumakalat na sakit kasi dito sa area na ito. Hindi iyon napapagaling ng kahit anong klaseng gamot so tina-try namin ng Mommy mo iyong vaccine na naimbento namin if effective."



Kinabahan ako sa sinabi ni Daddy. Wala naman ibang reason kung bakit nila dinala si K dito sa abandonadong building na ito.



"Ibig mong sabihin Dad, may sakit si K?"



"Sad to say son, but yes." Nag tiim-bagang si Daddy.



"P-pero, kalaro ko lang siya kanina ah. Malakas pa nga siya e."



Napangiti si Mommy at ginulo ang buhok ko. "I know baby. Pero ayon sa data na nakuha namin, may sakit siya. Siguro hindi pa lumalabas iyong mga symptoms na iyon pero mabuti nang ma-prevent agad namin ito. Sabi nga ng ibang mga doctor: prevention is better than cure."



"You have to get vaccinated too, son. Sabi mo nga ay kalaro mo siya kanina. We have to be vigilant or else ikaw ang magkasakit." Nag panic ako sa sinabi ni Daddy. Agad ko tuloy itinaas iyong sleeves ng damit ko para mabigyan nila ako ng vaccine.



Natawa si Daddy. "Haha! That's my boy."



Si Mommy ang nag inject sa akin ng vaccine. Sa una, hindi naman siya masakit gaya ng mga sabi ng iba kapag nagpapa injection. Pero habang lumilipas ang ilang sandali, parang bumibigat ang aking braso kung saan ako tinusukan ng vaccine. Hanggang sa unti-unti kong nararamdaman na tila may dumadaloy sa ugat ko hanggang sa mapunta na ito sa buong katawan ko. Para akong mawawalan ng malay.



"I'm sorry, baby. Maiintihan mo din ang lahat sa tamang panahon––"



Hindi ko na naintindihan ang sumunod na sinabi ni Mommy sapagkat tuluyan na ako nawalan ng malay.

Youth of Fiasco (2021)Where stories live. Discover now