UNO

13 0 0
                                    

Nagmula ako sa isang pamilya ng mga genetic scientists. Magagaling sila at mamamangha ka sa kanilang mga eksperimento. Sila ata ang sikat na mga scientists dito sa Pilipinas. Aba, dinaig pa nga nila si Albert Einstein o kung sino mang sikat na scientist sa buong mundo e. Sa sobrang galing nila, iba't ibang bigating tao ang kumilala at bumibili ng mga inventions nila.



Nang ako ay apat na taong gulang, nagising na lamang ako sa pamamahay ng kapatid ni Mommy na si Tita Weng. Wala na sila Mommy at Daddy doon. Sabi ni tita, nag ibang bansa ang aking mga magulang. Delikado daw kasi ang pupuntahan nila kaya napili muna nila ako iwan sa poder nila Tita. Tapos may inabot siya sa akin na isang pocket watch. Iyon lang daw ang iniwan nila para sa akin. 



Noong una, nahihirapan ako mag-adjust. Hindi ako sanay sa pamumuhay nila tita Weng na simple lamang. Tuwing umaga, kailangan ko mag bomba ng tubig para lamang makaligo ako.



Pero masaya din naman. Nagkaka muscle ako kaka-taas baba nung bakal kapag mag iigib ako ng tubig.



Palagi kong hinihintay sila Mommy at Daddy... Iniisip ko kung babalikan pa nga ba nila ako... Subalit limang taon ang lumipas, wala akong natatanggap na balita galing sa kanila. Naisip ko tuloy na tuluyan na talaga nila ako pina-ampon kila Tita Weng dahil hindi nila ako mahal. Hindi naman sa nag rereklamo ako o ano. Maayos naman din akong pinalaki nila Tita. Pero iba pa din kasi kapag kasama mo ang totoong pamilya mo.



"BOOM K! Nakita na kita!"



Mangiyak ngiyak si K. "Wala, madaya si Roooose. Sumilip bago kami mag tagooooo." 



Nakikipag laro ako ng taguan sa mga kaibigan ko na si K at Rose. Nakilala ko sila noong niligtas nila ako sa mga panget na bumubully sa akin lalo na kay Damulag. Naabutan nila ako noon na buhat-buhat ni Damulag at idederetso sana sa basurahan. Mabuti na lang, to the rescue ang duo na ito at hindi na naulit ang mga pangyayari na iyon.



Madami ako natutunan sa kanila. Kalokohan, kasiyahan, at kung anu-ano pang nag uumpisa sa 'Ka.' Wholesome tayo, wala silang tinurong bastos sa akin.



Pati na nga mga 'bad words' natutunan ko na din sa kanila e. Lagi daw kasi nila naririnig sa magulang nila mga salitang iyon kaya nagagaya na nila. Ayun, nakigaya na din ako.



Nandito kami ngayon sa park. Napag-isipan lang namin na mag laro ng taguan tutal mag ga-gabi naman na. Mas may thrill daw kasi kapag medyo madilim na para mahirapan mag hanap ang taya. Si Rose ang napiling mag hanap sa amin dahil siya ang natalo sa aming 'maiba, taya.'



"Ang tanga mo naman mag tago K." Nagulat ang dalawa nang bigla akong lumanding sa tabi nila. Nag tago kasi ako sa itaas ng puno kung saan nag bibilang si Rose kaya hindi niya maiisipan na nandoon ako.



"A-anong tanga? E madaya itong si Rose, sumisilip kanina nung magtatago na ako!"



"Ha? Anong sumilip?! Hindi kaya ako sumilip!" Nanlaki ang mga singkit na mata ni Rose.



"Anong hindi? Nakita kaya kita kanina. Nasa five ka pa lang kaya tapos magtatago na sana ako, nakita na kita nakasilip!"



"Whatever! Taya is taya. Magbilang ka na don!" Sabay behlat sa kanya.



"Teka, taympers! C-C.R. muna ako. Naiihi na ako e."



"Edi umihi ka na lang diyan sa poste." Suggestion ko. Magpapalusot pa na iihi kunwari pero tatakas lang pala. Alam ko na mga teknik nito e.



Nagulat si Rose sa narinig kaya napatakip na lang siya bigla ng kaniyang mga mata. "Ay! Wag nga dito!"



"Sus, akala mo naman may nakita."



Hindi na mapakali si K at nangangasim na ang kanyang mukha. "Ihh... Hindi ko na mapigilan e. Baka maihi pa ako dito sa short ko."



Namewang si Rose. "Oh sige. Dapat ten seconds nandito ka na ah. Kapag wala ka pa dito, hindi ka na namin bati ni Niko."



"S-sampu lang? Hindi ba pwedeng––"



"––Isa."



Kumaripas ng takbo si K at dumiretso sa kabilang kanto nitong park. Takot lang niya. Sino ba namang hindi matatakot sa sinabi ni Rose e kapag sinabi niya, gagawin niya talaga. Naalala ko tuloy noong nag tampo si Rose sa akin dati, akala mo parang others e.



Natapos na ang sampung segundo ngunit no show pa din si K. Tumatae na ata.



Habang kami ay nag hihintay, isang pamilyar na sasakyan ang naka park malapit sa C.R. na pinuntahan ni K ang nag agaw pansin sa akin. Iniwan ko si Rose at hindi na nag paalam dahil saglit lang naman ako. 



Pinuntahan ko iyong pamilyar na sasakyan.



Patawid na sana ako ng kalsada nang mapansin ko si K. Bitbit siya ng isang matandang lalake na naka puti at papunta sila sa isang eskinita.

Youth of Fiasco (2021)Where stories live. Discover now