SINGKO

2 0 0
                                    

"Class, mag start na kayo mag hanap ng club niyo before the end of the month, ha? Class dismissed."



"Yessssssss Mam Chiiiiiit" Parang tanga lang ang buong klase namin nang sagutin ang tanong ng aming guro. Kailangan talaga mabagal.



Dalawang taon na lang at makaka graduate na kami. Sa totoo lang ay hindi naman namin kailangan ang sumali sa mga club ngunit pampadagdag na din naman incentives ito. Kung sakaling may club kami na masalihan ay makakatanggap kami ng award at automatic na hindi kami babagsak sa kahit anong subject. Ang galing diba? Ganoon kaganda dito sa University na ito.



Siyam na taon na ang lumipas simula nung naganap ang 'akisdente'. Pinagaralan ko na din ng masinsinan ang aking kapangyarihan. Napag-alaman ko na catalyst ng kapangyarihan ko ang pocket watch na iniwan sa akin nila Mommy at Daddy.



Sa tuwing gagamitin ko ang kapangyarihan ko ay humihinto ang pag tibok ng puso ko sa totoong mundo ngunit buhay pa din ako sa mundo ko. Ibig sabihin ay after ko pahintuin ang oras, saka lamang din mag f-function ang puso ko.



Nakapag research pa ako sa internet na hindi naman daw masyado nakaka apekto ang pagtigil ng pag tibok ng puso kung saglit lamang ito nakahinto. So, kung wala pang one second in reality ang nagaganap, ibig sabihin ay safe ako. Para akong naka cheat code.



Ngunit may catch, hindi dapat lumagpas sa tatlong beses sa isang araw ang pag gamit nito. Sinubukan ko dati ang limitation ng aking kapangyarihan ngunit sa hospital lang ang naging ending ko.



Nang mag uuwian na, dumaan muna ako sa club na sinalihan ko last year. Sana ay tanggapin ulit nila ako. Mabuti pa yung duo, petiks lang at hindi na nila kailangan mag hanap ng mga club na ganito.



Si K ay isang varisty player ng basketball. Magaling din naman ako doon pero NAKAKATAMAD. Ayaw kong nag papagod masiyado. Ayaw ko din naman makasama sa team yung hambog na iyon dahil baka maapakan ko lang yung pride niya kung sakaling maagaw ko sa kanya ang pagiging MVP player. Si Rose naman ay isang Student Council President ng aming University. Kaya lalong sumusungit.



Napagpasiyahan naming tatlo na dito sa St. Columbus University mag-aral at nag apply bilang mga scholar. Walking distance lang ito sa aming bahay. Malaki pa ang University na ito sapagkat kailangan mo pa sumakay ng jeep mula gate hanggang sa mismong campus namin. Astig diba?



Nang makarating ako sa dati kong club, bumungad sa akin si Eva. Siya ang presidente ng club na sinalihan ko. Naka upo siya sa harap ng kanyang 'LAUGHTOUGH' kung kanyang tawagin. Siguro dahil sa braces nya kaya ganoon ang pagkakabigkas niya sa laptop.



"Oh! Nice to see you again Nikolaus Reenberg Memoria. Babalik ka ba sa club namin o... babalikan mo ako?" Ang landi lang ng pagkakatanong niya sa akin. Akala naman niya siya yung binalikan ko.



Tinry ko din mang-akit ng boses. "Tatanggapin mo ba ako ulit kung sakali?"



Natigilan siya. Hindi niya ata ine-expect yung sagot ko. Maya-maya pa'y parang pigil ang kaniyang kilig at nagawa pang takpan ang kaniyang mukha sa harap ng laptop.



"P-para kang tanga! Siyempre tatanggapin ulit kita noh? S-sira!" Patuloy pa din naka kubli ang mukha niya sa monitor ng laptop.



"O-oh ito! May nagpapaabot s-sayo."



Kinuha ko ang papel na inabot niya sa akin. Isang liham. Na-curious ako kung sino ang magpapadala sa akin ng love letter at dito pa sa club na ito niya pa iniwan.



Nang basahin ko ang laman ng sulat ay nagmadali akong umalis ng club. Hindi ko na nagawang mag paalam kay Eva. Mukhang na-stuck na yung mukha niya sa laptop niya e.



Tinungo ko ang lugar na nakasaad sa liham. Sa sobrang laki ng University na ito, mukhang matatagalan pa ako bago maka punta doon. Nilibot ko pa ang right wing ng campus para lang mahanap ang hagdanan papunta sa roof top. Nang marating ko na ang dulo ng hagdanan, andoon na siya.

Youth of Fiasco (2021)Where stories live. Discover now