CEIS

1 0 0
                                    

Nababadtrip ako sa ginagawa namin! Puro practice! Practice! Practice!


Wala naman na magbabago–– magaling pa din naman ako. Hindi bale sana kung may makakatalo na sa akin dito sa basketball. Malapit na daw kasi ang Interhigh sabi ng aming coach kaya kailangan mag ensayo ng maiigi.


Hindi sa pagmamayabang, dalawang taon na akong MVP sa regional games. Ayaw ko na nga sana mag practice dahil alam ko namang wala nang makakatalo sa akin.


"Fastbreak!" Tatanga tanga nanaman kakampi ko. Naduling ata dahil hindi na shoot yung bola. Libre na nga siya sa tres na yun e.


Kasalukuyan akong nasa practice game upang mahasa ang mga bagong recruit ng aming team. Magkakasama ang freshmen at mga seniors sa isang team laban sa aming mga juniors at sophomores.


Mabilis kong napigilan ang fast break ng kalaban. Nagawa kong harangan ang freshman na may hawak ng bola. Naka steady lang siya habang nag d-dribble ng bola sa labas ng three-point line. Mukhang magkasing tangkad lang naman kami kaya patas lang. Pero baguhan ay baguhan.


Hindi pa kami nakakagalaw ay binigyan niya ako ng ngiting nakakagago. Talagang hinahamon niya ako.


Dahan-dahan niyang pinapatalbog ang bola gamit ang kaniyang kanang kamay at malalim niya akong pinag masdan. Nag concentrate ako at ibinaba ng bahagya ang aking katawan. Baka sakaling maagaw ko ang bola. Di kalaunan ay unti-unti na niyang pinapabilis ang pag dribble ng bola. Ipinatalbog niya muna ang bola sa pagitan ng kaniyang binti papunta sa kabila niyang kamay.


Nag simula na siyang lumusob. Nag drive siya sa aking gawing kanan. Salamat na lang sa malakas kong instincts ay naagapan ko ang balak niyang pag lusob.


Pero, tangina, na fake niya ako. Nag spin siya papunta sa kabilang direksyon at mabilis na dumirederetso sa ring. Ang tibay pa ni gago, nagawa pa niyang mag dunk sa kabila ng pag harap niya sa akin.


"Not bad." Bulong ko. Namangha ako sa pinakita niyang galing. Pero mas magaling kung ako ang gagawa nun.


Pagkatapos lumapag mula sa ring ang baguhan, tinignan niya ako na may halong pang-aasar. Ang kapal ng mukha.


"Wooh! Mukhang may papalit na sa pagiging MVP mo K, ah?" Nagpantig ang tenga ko sa sinabi ng aming captain.


Sininghalan ko siya. "Yun lang ba? Napaka easy lang naman gawin nun."


Tumingin ako sa score board. 30 ang score ng kalaban habang 45 naman ang sa amin. Nasa third quarter pa lang naman kami at napaka laki ng lamang namin sa kanila. Napaka aga pa para mag salita ng tapos at sabihin na may papalit na sa pagiging MVP ko. Naisip ko na baka nahihibang lang talaga yung gurang na captain namin.


Isa lang naman ang taong makaka agaw ng trono ko, at si Niko iyon. Mabuti na lang at hindi siya sumali sa team kundi lalampasuhin ko na siya dito.


Nang umabot na kami sa last two minutes, humahabol na ang score ng kalaban. 76 to 80 ang nakalagay nang masulyapan ko ang score board. Lamang pa din kami. Tangina lang kasi ng mga kakampi ko ang bibilis mapagod. Hirap buhatin ng mga ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Youth of Fiasco (2021)Where stories live. Discover now