Prologue

8 0 0
                                    

                          Dapit hapon na at nagsisipag uwian ang mga tao na ang ikinabubuhay lamang ay pag sasaka. Isang grupo mula dito ay mga binatang namulat sa pagtatrabaho.

Nagyayang magkatuwaan ang isa sa kanila upang maibsan ang pagod nila at ng magamit ang kanilang kinita mula sa pagsasaka.

Bago pa man sila makapunta sa kanilang destinasyon ay may napansin silang isang babae na naka handusay sa may damuhan sa paanan ng bundok.

Inaakala nilang patay na ito pagkat hindi na ito humihinga.

"Kawawa naman itong binibining ito, bakit sa dinami-rami ng magagandang babae sa mundo ay siya pa ang napiling wakasan ang buhay? Matinding galit siguro ang iginanti sa kanya. Tignan niyo naman ang mga nakatarak sa kanyang katawan. Napakalalim! Lalong lalo na sa likod ng kanyang ulo. Nakaka awa siya." Ani ng isang binatilyo. Pinagmasdan pa niya ito ng maigi.

"Pare, may naisip ako. Bakit hindi na lang natin gamitin ang bangkay na iyan upang maibsan ang pagiinit natin sa katawan? Tutal patay naman na yan at hindi naman na papalag." Bulong ng isa sabay hawak sa mukha ng binibini.

"Nahihibang ka na ba? Hindi mo na iginalang ang yumaong nilalang." Siniko siya ng isa pa nilang kasamahan. "Mabuti pa at ihatid na lang natin siya sa malapit na morge at nang mabigyan siya ng maayos na libingan."

Mataimtim na nilinisan ang babaeng yumao. Isa isang itinatanggal ng embalsamador ang mga punyal na nakatarak sa katawan ng babae. Isa na lang ang natitira, yun ay ang kahoy na nakabaon sa likod ng kanyang ulo.Nang matanggal na niya ang kahoy, tila ikaubos niya ng dugo ang nakitang pagkaka buhay ng babae. Ang ikinagulat niya pa ay ang mabilis na pag hilom ng mga sugat na nagmula sa pagkaka saksak sa kanya.

haaaaaaa

Tila hinahabol niya ang kanyang paghinga. "Nasaan.... ako?"

Youth of Fiasco (2021)Where stories live. Discover now