Chapter 8

84 16 0
                                    

Nag d-discuss ang professor namin sa second subject ng biglang mag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko, Kaya patagong tinignan ko kung sino ang nag text

From: Brylle Kumag
—Tempura mamaya? Libre ko.

Napairap at nakangiting rineplayan ko ang text nya

To: Brylle Kumag
—Game.

Pagkatapos ko syang replayan ay agad ko tinago ulit sa bulsa ko ang cellphone ko, Kaya napatingin ako kay Kylee na pinanliitan ako ng mata, Problema nito?

"oh?" Taas kilay kong tanong sa kanya ng maayos ako ng upo

"Sino yun? Naramdaman ko nag vibrate ang cellphone mo" Aniya

Tsismossa talaga.

"Ahhh, wala yun, mga officers lang sa SSG, kaylangan namin mag meeting mamaya" sagot ko sa kanya habang di sya tinitignan, Na'sa professor ang tingin ko, Baka kasi makahalata na nag uusap kami

Pero totoo naman na may meeting kami sa SSG mamaya, nag text kaya si Ashley kanina, ang vice president ng SSG.

"Wazzup!" Napairap ako ng biglang dumating si Dash sa lamesa namin ni kylee dito sa canteen

Pag si Dash at Kylee ang kasama ko, Parang end of the world kuna! Ang landi kasi talaga eh. Nakakawalang ganang kumain

Lumingon lingon ako sa paligid baka sakaling nag order lang si Brylle at biglang dadating din sa lamesa namin pero wala talaga eh

"Umm, Hindi pupunta si utol dito, Magkasama sila ni Hanna sa kabilang canteen" Dash cleared his throat kaya parang nabuhayan ulit ako

Bat ba kasi palagi na'lang nila akong napapansin

"Pake ko." Pairap na wika ko habang kumakain

"Alam kong sya ang hinahanap mo" Sabi nya nanaman

"Excuse me! Hindi sya ang hinahanap ko, I don't care kung hindi sya dadating, Wala naman akong pake!" Pairap na sabi ko sa kanya tapos pinagpatuloy na ang pagkain

Distorbo sa pagkain ko.

Naglalakad ako mag-isa dito sa coridor ng school namin ng biglang mag vibrate nanaman ang cellphone ko sa bulsa ko

From: VP Ashley
—Pres. Nandito na lahat sa faculty.

Text ni Ashley kaya imbes na sa classroom ang punta ko, Dumiretcho ako sa Faculty

"Pres. ang tagal mo ata" Taas kilay na wika ni Tara, Ang secretary ng SSG

Halatang ang attitude ng bwesit na babaeng 'to.

"Hindi yun matagal, Sadyang maaga lang kayong nakarating dito" relax pero nanggigigil na wika ko sa kanya saka winok-outan sya.

Feel ko ilang sandali nalang masasapak kuna ang babaeng ito eh.

"Let's begin." Saad ko kaya nagsipwestuhan na sila sa tig-iisang upuan nila

Nag plano kami para sa dadating na buwan na wika

Andaming kaekekan ng eskwelahang 'to, Kung kelan pa nag High school ang mga estudyante, Ngayon pa sila nag buwan ng wika. Samantalang nung elementary kami, Hindi namin 'to naranasan.

Pagkatapos ng meeting namin ay naiwan kami ni Ashley mag-isa sa Faculty. Hanggang sa iwan nya din ako kasi may family dinner daw sila at ayaw nyang ma late.

5:00 pm na pero kaylangan ko'pang tapusin ang ginagawa kong power point para sa buwan ng wika, Nagbigay naman ng mga ideas ang mga SSG officers kanina kaya hindi na ako nahirapan pa, Kaso kaylangan ko talagang isulat lahat, Ga'yong hindi talaga matalas ang memorya ko.

"Pres. di kapa uuwi?" Tanong ni Paul at Paulene, ang kambal na mga kaklase ko ng madaanan nila ako dito na nag aasikaso pa ng power point.

"ah hindi pa, Tatapusin ko'pa kasi 'tong ginagawa ko" Nakangiti na wika ko sa kanila habang tinitignan silang tumatango dun sa pintuan

"Ah sige, Mauna na kami pres. ingat ka, Ga'yong gabi na" Sabi ni Paulene kaya tumango nalang ako at umalis na sila

6:00 pm pero talagang hindi pa'ko tapos

"Xahara? Bat andyan kapa sa loob?" Tanong ng guard ng makita ako

Mukang galing na sya sa survey kung may estudyante pa'bang nasa loob, at isa na ako dun.

"Ahh, Guard pwede bang dumito muna ako? May tatapusin lang kasi talaga ako, kaylangan kuna kasi 'to bukas" Maikling saad ko sa kanya, Mukang nakumbinsi naman sya kaya tumango nalang sya

"Sige pero dapat 8 nakauwi kana ha?" Sabi nya sakin kaya nakangiting tumango ako

Agad ko namang tinapos ang powerpoint.

7:30 pm hindi parin talaga ako tapos, Ang haba pa naman ng isusulat ko, Kaso bigla nalang akong makaramdam ng pagod, hanggang sa maramdaman ko nanamang nag vibrate ang cellphone ko

From: Brylle Kumag
—Asan ka?

Gosh, Mag tetempura pala kami ngayon, Nakalimutan ko. Agad ko syang nireplayan para maintindi nya na hindi ako nakasama sa kanya

To: Brylle Kumag
—Sorry kung di ako nakasama sayo, Nabusy lang talaga

Sagot ko sa kanya, Agad naman syang nag reply, Babasahin kuna sana ang reply nya ng biglang mag shut down ang cellphone ko.

Anak ng! Wala pa naman akong charger na dala.

Tinapos ko nalang ang power point ko para maka-uwi na

Ilang sandali ay may naramdaman akong pumasok sa room, Kaya agad kong inangatan ng tingin.

"Hindi ka nagrereply sa text's ko." Walang emosyong sabi nya habang nakapamewang na nakatayo sa harapan ko

"Uhmm. Nag shut down phone ko." Nakangiting sabi ko

"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo, I waited in your classroom at 4 hours, Nakita kong nagsilabasan na lahat ng classmate mo at nakita kong wala ka'dun, Nagtanong ako kay kylee, at sinabi nyang may meeting kayong mga SSG, akala ko nasa Gym lang kayo, pero wala akong Xahara na nakita dun, Kaya sobrang nag alala ako sayo, hindi kita nakita kaya naisipan kong umuwi baka sakaling nagalit ka sa akin dahil hindi ka ako nag snack kasabay nyo, Mas pinili kong sumama sa new classmate namin kaya ka hindi sumulpot sa pag t-tempura natin, at dun kinatok ko ang condo nyo ni kylee at sinabi ni kylee na wala kapa, Kaya bumalik ako dito sa school at nagtanong sa guard, Kung di pa nya sinabi kung nasan ka, ay hindi kita mahahanap." sunod sunod na salita nya

Hindi ako makasalita. Hindi ko alam anong sasabihin ko.

Okay okay, kalma.

"S-Sorry" Nakayukong saad ko

Hanggang sa maramdaman kong may nilagay syang tatlong oreo na, At mismo na royal sa lamesa

"Eat." Aniya kaya napatingin ako sa kanya

"S-Salamat" sabi ko saka kumain

"Presentation mo ba sa klase yang ginagawa mong power point?" Tanong nya habang sinisilip ang laptop ko

Umiling ako sa kanya kaya kinuha nya ang laptop at tinignan ang power point

"Kelan ba ang buwan ng wika?" Tanong nya sakin matapos nyang tignan ang power point

"Bukas" Sagot ko habang maylaman pa na pagkain ang aking bibig

Pagkatapos kong kumain ay agad namang binaba ni Brylle ang laptop ko kaya kinuha ko yun at tatapusin na ang Power point

"Ha? Nasan na'to?" Tanong ko sa sarili ko

Habang nag aanalized kung san na'ba ako parte ng ginagawa ko, Para kasing hindi ko nasulat 'to kanina

"I finish your power point, Let's go home." Aniya habang nililigpit ang gamit ko sa mesa.

--------------------------------------------------------------------------------

<3

BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon