Prologue

192 26 4
                                    

"Sya! Sya po ang nakita kong nagnakaw!" Agad nanlaki ang mata ko ng bigla akong ituro ni Mylene, ang isa sa co sales lady ko dito sa mall.

"Ha? Anong meron? Ayos kalang ba Mylene?" Nagtatakang tanong ko. Kakapasok ko lang kasi tapos pagdating ko ganyan na trato nila sakin

"Ibalik mo ang ninakaw mo na pera." Wika ng manager kaya agad kumunot ang noo ko

"Anong ninakaw? Eh wala naman akong alam sa sinasabi nyo." Sagot ko

"Ibalik mo na Xahara, ako mananagot kay sir Lapuz nito." Sabi ng manager

Wala akong alam sa sinasabi nila at kahit pigain pa nila ako na isauli ang pera eh hindi ko mabibigay kasi sa totoo lang wala naman talaga sa akin ang sinasabi nilang pera at hindi naman talaga ako nagnakaw, tsaka bakit ba ako ang pinagbibintangan nila ga'yong kakarating ko pa.

"Ma'am, wala po talaga akong alam dyan" Sagot ko

"Please Xahara" Pagmamakaawa nya

Pano ko ibabalik ga'yong hindi naman ako magnanakaw

"What's happening here?" Tanong ng pamilyar na boses galing sa likuran namin kaya lahat ng mga empleyado pati ako ay natahimik

"Anong nangyayari dito?" Tanong nya ulit

"Nakikita nyong marami tayong costumers nag kukwentuhan lang kayo dito!" Dagdag nya

"Kasi po sir, nawalan po kasi tayo ng 100k at nakita ko po kahapon na kumuha si Xahara sa counter ng isa sa cashier natin." Sagot ni Mylene

"Eh kasi inutusan mo ako." Sambat ko sa kanya

"Sir Lapuz, hindi ko po talaga ninakaw ang pera. Inutusan po kasi ako ni Mylene kahapon, sabi nya kumuha daw ako ng 100 thousand utos nyo daw po yun at ilagay sa desk nyo." Paliwanag ko

"Wala akong nakitang pera sa desk ko." Galit na sabi nya

"Pero nilagay ko po yun dun kahapon." Sabi ko

"Xahara, I need the money back!" Galit na sabi ni Sir Lapuz

"Sir, hindi ko nga po ninakaw ang pera maniwala po kayo sakin sir." Pagmamakaawa ko

"Ibalik mo ang pera. Pag hindi mo maibalik ngayong araw e de-demanda kita! You're Fired!" Galit na sabi nya bago umalis sa harapan namin

"Shhh, Ibalik mo nalang ang pera ha?" Nakangiting sabi ni Mylene bago kembot kembot na umalis sa harapan namin ng manager

Hindi ko alam anong nangyari sakin basta naramdanan ko nalang na tumulo na ang mga luha ko

Pinunasan ko ang luha ko bago tumakbo palabas ng mall miski guard ay hindi ko narinig ang sinabi dahil wala ako sa sarili.

Hindi ko alam kung san ako napadpad basta nalaman ko nalang na nakaupo na ako dito sa lupa. Katabi sa junk shop.

Iniisip ko parin lahat ng nangyari sa mall. Pinagbintangan ako na magnanakaw at kaylangan ko mabayaran ang 100k pero saan naman ako makakahanap ng ganon ka laking pera ga'yong ultimo bigas o ulam namin ni Rana ay wala kami.

BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon