Chapter 30

77 10 0
                                    

Nakatitig ako kay Brylle habang hindi nya parin binibitawan ang kamay ko

Alam kong nananaginip lang sya

Maya maya ay bigla nalang nyang binitawan ang kamay ko

Oo aaminin ko, Ayoko pang bitawan nya ang kamay ko

Lumabas ako sa kwartong iyon at nakita ko si Kylee at Dash nakaupo dito sa labas

Tulog si Kylee habang nakasandal ang ulo nya sa braso ni Dash, Tulog rin naman si Dash

Nilagpasan ko sila at naglakad palabas ng Hospital

Gusto ko ata makita ang buwan ngayon.

Pagkalabas ko ay nakita kong may upuan sa garden, Kaya agad akong pumunta dun at umupo

Nakatingala ako ng biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ni Gerald

"Tokmol?" Patanong na wika ko ng masagot ko ang tawag nya

[Wala ka sa bahay nyo, Nasan ka?] Aniya

"Talagang wala ako sa Cebu dahil nasa manila duh." Sarkistong sagot ko habang rinig na rinig ko ang pagtawa nya sa kabilang linya

[I mean, Wala ka sa bahay nila kylee, Tangek!]

"Ah ganun ba, Hehe, Nasa Hospital ako-"

Hindi paman ako nakakatapos sa pagsasalita ay agad nya nang pinutol ang sasabihin ko

[Ano? Ha? Anong nangyari sayo? Ayos kalang ba? Sang Hospital ka? Pupuntahan kita ngayon na!]

Napahalalhak ako sa sunod sunod na tanong nya

"Hey!-"

[Ano e text mo nalang ang location ng Hospital na'yan, On the way na.]

"Hoyyy! Tokmol!" Sigaw ko kaya napatigil sya sa pagsasalita

Whooo!

"Relax, Relax! Ayos lang ako hahaha. Ano kasi uhm. Pinuntahan ko yung kapatid sa boyfriend ni kylee." Paliwanag ko

[Mabuti naman, Pero send mo parin ang Location ng Hospital, Tutal nasa kotse nanaman ako, Pupuntahan nalang kita jan.]

Aniya kaya agad kong pinatay ang tawag at sinend sa kanya ang Location ng Hospital

Maya maya ay may nag text na sakin

From: Tokmol Gerald
—Nandito na ako, San ka?

Pagkatapos kong basahin ang text nya ay saktong nakita ko naman sya sa pinto kaya dali dali kong pinuntahan sya

"ayos kalang?" Tanong nya saka mabilis akong niyakap

Hindi ako makakalas sa yakap nya kasi malakas si Gerald, Pero ayos narin 'to, Anlamig din kasi.

"Ayos lang ako." Sagot ko kaya bumitaw sya sa pagkayakap sakin at hinubad ang suot nyang jacket

Para e suot sa akin

Naglalakad kami ni Gerald papunta sa  kwarto ni Danny, Habang akbay akbay nya ako

"Xar, Uy Gerald." wika ni kylee ng magising na nasa harapan na nila kami

"D-Dash?" Kunoot noong tanong ni Gerald

Hindi na ako nagtaka kung magkakilala ba sila dahil alam kong classmate sila, Si Kylee lang ang nagkunot noong tinignan ang dalawa

"Pareng Gerald." Ani Dash bago sila mag boys move

Nakaupo kaming apat dito sa labas ng kwarto ni Danny, Nag kukwentuhan, Hanggang sa may marinig kaming pagbukas ng pinto

BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon