6:30 am palang gising na ang lahat bungad na bungad na kasi ang araw, except kay Brylle na tulog pa, Nag goodmorning na kasi ang manok ni papang kaya nagising ako.
"Good morning Mang, Good morning Pang, Good morning Rana, Good morning Lee, Good morning Dash" Napahinto ako sa pagbati sa kanila ng lumabas sa kwarto si Brylle
"Good morning Buwan." Aniya ng nakangiti
"G-Good morning Brylle" Nakangiting bati ko sa kanya
It's a good morning.
Pagkatapos ko magbati sa kanila ay agad akong nag timpla ng kape, Habang sila Mamang, Papang, Kylee, Rana at Dash ay nagkakape rin sa labas, Mas maaga silang nagising sa amin ni Brylle, Pambihira nakatulog sila ng maayos kagabi eh.
Agad akong kumuha ng dalawang cup, At nilagyan ng kape at asukal, Habang hinihintay pa na mainit ang tubig na pinakuluan ko
Brylle cleared his throat ng makapasok dito sa kusina kaya sa gulat ko ay napaso ang kamay ko
"Awwww!" Dahan dahan kong binaba ang heather ng makaramdam na ng sakit sa kamay
Aray ko, Masakit talaga ang init pa naman
"Napaso ka?" Tanong ni Brylle kaya tumango ako
Obvious ba? Ha?
"Akin na." Aniya kaya binigay ko sa kanya ang kamay ko
Dali dali syang kumuha ng suka at nilagay sa baso, Buti nalang at hindi nilagyan ni papang ng sili ang suka, Kundi mas lalong napaso kamay ko
Nilagay ni Brylle ang kamay ko sa baso na may suka kaya nabawas bawasan ang sakit
"Sa susunod kasi mag iingat" Supladong saad nya
"Ginulat mo ako eh" Pag rereklamo ko sa kanya
"Umubo lang ginulat agad?" Supladong tanong nya kaya inirapan ko nalang sya
ipagpapatuloy ko na sana ang paglagay ng tubig sa baso ng pigilan nya ako
Problema ne'tong kumag na'to
"Ako na, Baka mapaso kananaman at ako ang pag initan mo" Aniya
I bit my lower lip para hindi halatang nag gigigil ako, Masasapak ko na 'tong lalakeng to eh.
Pagkatapos naming magkape ay nag agahan kami, Syempre ganun talaga hindi naman kami mabubusog sa kape at pandesal lang.
Pagkatapos namang mag agahan ay niyaya ni Kylee si Mamang na pumunta ng palengke para daw sa ulam mamayang tanghali
Pero plano naman talaga namin yun, Si kylee ang sasama kay mamang at kami dito sila Dash, Rana, At Brylle ay mag dedecorate ng bahay, Si papang wala nanaman, Nasa sabongan nanaman,Tatlong araw kasi ang sabong, Tsaka bukas na kasi ang Fiesta, syempre kasiyahan nya yan kaya ayan, Go for it dad, Este pang.
"Kaya pa?" Nakangiting tanong ko kay Brylle ng makitang hinihingal na sya sa pagpalaki ng balloon
Buti nalang at hindi nya hinipan kasi kung hinipan nya lang ang napakaraming balloon nayan, Abaaa, Patay.
"Ate tapos na ang background, balloon's naman ilagay natin" Ani Rana kaya pumatong kami sa mono-block at in-arrange ang mga balloon's
Ginagawa naming Heart ang form ng balloon's sa pader na denisignan ni Rana ng mga mukha ni mamang, buti nalang at nagkasya lahat
Pagkatapos naming mag decorate nag luto naman kami, Actually, Sila.
Chef ang kukunin na course ni Rana, Totoong masarap syang magluto, Kaya inaasar nya ako dahil hindi ako marunong mag luto, Si Dash naman, Hindi daw chef ang kukunin nyang course pero marunong syang magluto, At si Brylle naman, Kagaya din ni Dash,Hindi chef ang kukunin pero parang profesional na ang mga niluluto, Ang sarap kasi talaga
Nagluto si Rana ng pansit, Si Dash naman ay Adobong karne ng baboy, Habang si Brylle ay adobong karne ng manok at shanghai, At ako eto gumagawa ng liempo, Eh eto lang kaya ko eh.
Kahapon sa hapon pa namin binili ang mga ito, Actually kami lang ni Brylle ang bumili neto, Nagbigay kasi ng 3k si Dash, 2k si kylee,at 4k si Brylle magbibigay pa sana si Rana kaso hindi ko kinuha, Para sa pag aaral nya na yan, Apat na manok ang binili namin, Buti nalang at 120 lang ang kilo, Ang pansit naman ay madami dami ang binili namin, Tsaka ang karne ng baboy naman na sobrang mahal 150 ang kilo, Ayon, Nag marinate kami kagabi, Buti nalang at hindi nakahalata si mamang.
11:59 na ng mag text si Kylee sa akin na pauwi na'daw sila, Pero hindi pa luto ang isda na ginagawang eskabitsi, Tapos hindi pa nakakabili ng cake
Sarado ang pinto ng bahay kaso nagulat ang lahat ng bumukas ang pinto
Anak ng! Kakatext ko palang kay kylee na wag muna sila umuwi.
*dug-dug*
*dug-dug*
Bumukas ang pinto at niluwal nito si papang
"Pang" Gulat na wika ko
"Ano ginagawa nyo?" kunoot noong tanong nya
"Ops." Bulong ni Rana ng makalapit sakin
Alam naming lahat na ayaw ni mamang na handaan sya sa birthday nya, At sang-ayon si papang nun. Kaya ngayon, Halatang galit na'to.
"Pang s-sorry" Nakayukong sabi ko
"Anong sorry?" Natatawang sagot ni papang kaya tumawa din si Rana
"Eto oh" Masaya nyang pinakita ang box ng cake
"Ate, Kunsyaba si papang dito" Bulong ni Rana kaya binatukan ko sya
Mahina lang naman
Eh kasi ba naman takot na takot na ako, Ni hindi nya pa sinabi na kakunsyaba pala namin si papang
Tinulungan kami ni papang sa pagluluto, Hanggang sa matapos ay syang tyempong pag text ny kylee
From: kylee
-Xar, Pasensya di ko na napigilan si mamangText nya pagkatapos ay bumukas ang pinto
"Surprise!" Masayang sigaw naming lahat
Hindi nagsalita si mamang, kita ko ang pagpatak ng luha nya
Dahan dahang lumapit si mamang sa akin, Hanggang sa yakapin nya ako, Pagkatapos nya akong yakapin ay niyakap nya din si Rana, Kylee, Dash at Brylle, Saka ang labidabs nyang si papang
"Salamat" Mangiyak ngiyak sabi kaya pinunasan ni papang ang mga mata ni mamang
Ang sweet.
"Happy birthday to you"
"Happy birthday to you"
"Happy birthday, Happy birthday, Happy birthday mamang"
Kanta naming lahat habang dala-dala ni papang ang cake para iabot kay mamang
"Make a wish before you blow your candle mang" Ani Brylle kaya pumikit si mamang
"Maging masaya lang kayong mga anak ko, mag mahal ko sa buhay, makatapos lang kayo sa pag-aaral at ingatan nyo lang ang sarili nyo, sapat na'yun sakin" Nakangiting sabi ni mamang habang nakapikit, Pagkatapos ay hinipan nya na ang cake nya
Niyakap ko si mamang habang sumunod naman sila Rana, Kylee at Papang
"Oh? Dash at Brylle, Hindi ba kayo yayakap kay mamang?" Tanong ni mamang sa dalawa ng makawala sa yakap namin
Lumapit naman agad si Dash at Brylle para yumakap kay mamang
"Happy birthday mang" Sabay na wika ng dalawa
Pagkayakap ni mamang sa dalawa ay agad din kaming bumalik sa pagkayakap kay mamang
"Grouuuppp Huggg!" Sigaw ko kaya tumawa sila
--------------------------------------------------------------------------------
<3
BINABASA MO ANG
Buwan
RomanceA highschool strangers turns into friends and lovers just because of two couple playing around. @Lars.