Kwentuhan, Asaran at kulitan, Yan ang naging bunga sa birthday handaan ni mamang
Niyaya nya ang iba nyang kumare, Si papang naman niyaya din ang kumpare, Simpleng handaan lang, Pero masaya.
"Uhm.. Hi po"
Agad nanlaki ang mata ko ng makita ko ang lalaking kakadating lang
"Omg!" Tili ni kylee
"Uhm, Hi" Nahihiyang wika nya ulit sabay katol sa ulo, Tch.
I bit my lower lip, Para matakpan ang hiya ko.
"aaaahhhhhhh!" Sigaw ni Kylee sabay yakap sa lalaki
"I miss you, lee" Aniya habang niyakap din si kylee
"Uy Gerald" Wika ni mamang kaya nagmano agad ang lalaki
"Mang si mama po andito pa'po ba?" Tanong ni Gerald
"Oo, andun pa sa cr umiihi pa, kain ka muna" Sabi ni mama
"A-Ah, Hindi na'po mang, busog pa kasi ako" Nahihiyang sagot nya
Hiya hiya! Kelan pa sya naging mahiyaan.
"Eto tikman mo, Luto ni ate yan" Wika ni Rana habang inaabutan ng Liempo si Gerald
Nakangising kumuha naman sya
Sya? Sya ang childhood crush ko, Gerald Liavez, 10 years old pa kami ng magkaibigan ang mama at mamang ko, Kaya ayun naging close kami ni Gerald, At hanggang sa naging crush ko sya
Hanggang sa umamin ako sa kanya, Pero tinawanan nya lang ako nun, Pagkatapos nun ay lumipat na kami ni kylee ng manila, At ngayon ulit kami nagkita
"Masarap kana magluto ng Liempo" Aniya kaya inirapan ko sya
"Oh!" Supladong binigyan ko sya ng coke
"Salamat" Pakindat na sabi nya
"Kamusta kana lee?" Tanong nya kay kylee ng makaupo
Sabi nya pinasundo lang sya ng mama nya pero ngayon, Nakiki chismiss.
"Eto, Maganda parin" Ani kylee sabay pitik sa buhok nya
Aktong tatayo na ako para kumuha ng lumpia ng bigla akong higitin ni Gerald.
Problema ng mokong na'to?!
"Hoy panget!" Napairap ako ng bigla sa tawag nya
Aissshhh.
"Hoy Tokmol!" Pairap na wika ko ng makaharap sa kanya, Sabay pagcross sa dalawang kamay
"Oh!" Binigay nya sakin ang isa sa dala nyang paper bag
Dalawa ang dala nya, Isa siguro kay mamang
"Ano to?" Tanong ko habang sinisilipan ang loob ng paper bag
"Tignan mo kaya para malaman mo" Aniya kaya agad ko namang binuksan yun
Agad ko syang niyakap ng makita ko ang laman
"Thankyouuu!" Masayang sigaw ko
Ang laman ng paper bag ay isang purple na tumbler na may mukha namin dalawa at may nakakatatak na 'Ang panget mo' Alam nya kasi na palagi akong nauuhaw, At alam nya na favorite color ko ang Purple
Nung bata pa kasi kami tumatakbo ako papuntang school, kasi malapit lang ang school at ang bahay namin, Tapos ako palagi ang umuubos sa baon nyang tubig
"Ayan di kana uuhawin nyan." aniya kaya napangiti ako
"Uuhawin parin ako bobo, Tumbler ba iinumin ko?" Kunot noong tanong ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Buwan
RomanceA highschool strangers turns into friends and lovers just because of two couple playing around. @Lars.