"aaaayyyiieeee" pang aasar ni Rana at kylee matapos magsalita si Brylle
"Tumahimik nga kayo" pag aawat ko sa dalawa
Kahit kaylangan talaga ako talaga yung pinagtutulungan nila
"K-Kung papayagan n-nyo po, syempre nasa sa inyo parin ang desisyon at kahit ano man iyon, tatanggapin ko po ng buong buo." Nanginginig si Brylle halata sa itsura nya
"Pang payagan nyo na, Minsan lang may nagkaganyan kay ate, Biruin nyo ba naman sa panget nyang yan may'nag tangkang manligaw sa kanya" Pabirong wika ni rana habang yakap yakap si Kylee na nakatalikod sa kanya
"Agree." Sambat naman ni kylee ng makaharap kay Rana habang nag aapir sila
Inirapan ko nalang sila at tumingin ng diritsyo kay brylle at papa
"Aalagaan mo ba ang anak ko?" Tanong ni papang habang pinagcross ang dalawang kamay
"Nangangako po ako" Sagot naman ni Brylle
"Hindi mo ba sya sasaktan?" Tanong nanaman ni papang
"Pang, Hindi yan maiiwasan, Pero ngayon palang Hara at Dashiel, Kylee at Dashien, Maghanda na kayo sa dadating na pagsubok sa buhay nyo." Sambat ni mamang habang inaakbayan si papang
Pagkatapos maluto ni mamang ang pangtangahalian nila ay agad nya na kaming niyaya
Mas mabuti naraw yung doble doble ang kain, kesa naman, walang kain.
Alas dos na ng hapon ng maisipan namin ni Kylee, Dash, Brylle, at Rana na maligo sa Dagat, Hindi nakasama si mamang kasi mag aayos pa'daw sya ng kwarto na tutulugan namin, Si papang naman, Ayun, nandun nanaman sa sabongan.
Namiss ko ang dagat ng Cebu, Malapit lang kasi ang dagat at ang bahay namin, Nasa likuran lang kasi ng bahay namin ang dagat, Noon ngang bata pa ako, diyan ako palaging tumatambay, kahit mainit ligo parin ako ng ligo, Palagi naman akong pinapalo ni mamang.
"Xar ano plano mo bukas?" Sigaw ni Kylee
Nasa tubig kasi sila ni Dash at kami naman ni Rana at Brylle ay nasa tabi lang, Nagpapahinga, Ang init kasi
"Anong meron bukas 'te?" Tanong ni Rana
"Birthday ni mamang bukas, E-susurprise sana natin" Wika ko habang kay Dash at Kylee nakatingin
"Agoyyy!" Wika ni rana kay napatingin ako sa kanya
"Alam ko iniisip mo rana! Alam ko naman na hindi papayag si mamang na may handa sa birthday nya, Pero minsan lang naman eh" Paliwanag ko sa kanya
Natahimik sya bigla sa sinabi ko kaya lumapit ako sa kanya at niyakap sya
"Tutulungan mo kami diba?" Nakangiting tanong ko sa kanya kaya inirapan nya ako
"Uhm.. Pero may isang kondisyon." Sabi nya ng nakangiti
Oh, no!
"A-Ano yun?" Tanong ko ng di sya tinitignan, Pag si Rana na ang nag-isip ng kondisyon, Malamang, Miserable na ang ang buhay mo
"Hoy! Tumingin ka sakin" Sabi nya habang hinahawakan ang braso ko para ipaharap sa kanya
Nakangiti nanaman sya.
"Libre mo ako, Jollibee" Nakangiting wika nya
Anak ng!
Libre lang pala, Kala ko ano na, Last kasi nagbigay ng kondisyon yan ay yung sabihin ko sa crush nyang e crushback sya, Eh yung crush nyang attitude sobra kala mo naman babae, Eh ayun nahirapan ako, Palpak pa.
BINABASA MO ANG
Buwan
RomanceA highschool strangers turns into friends and lovers just because of two couple playing around. @Lars.