Chapter 9

86 17 2
                                    

"Mag dinner muna tayo bago umuwi sa condo" Saad nya dito sa habang nag d-drive kaya hindi na ako naka imik

"B-Bat mo ginawa yun?" Tanong ko sa kanya habang nag p-park sya ng kotse nya

"Ang alin?" Nagtatakang tanong nya

"Yung pagtapos sa power point ko, Tsaka andali mong natapos ah, Samantalang ako 3 hours bago ko natapos yun" Manghang manghang wika ko

Totoo ang galing nya.

"I- Just, want to help." Aniya saka bumama ng kotse para buksan ang pinto dito sa side ko

"Salamat" wika ko kaya napangiti sya

Yung salamat ko, Triple purpose yun ah, Una is yung pagtapos nya ng power point ko, Pangalawa ay yung pagbigay ng ng snacks, At panghuli ay ang pagbukas nya ng pinto sa sasakyan nya, Na pwede namang ako na ang gumawa nun.

Ang gentleman ni kumag.

"Order lang ako ng pagkain" Aniya ng makapwesto na kami ng upo, kaya tumango ako

Pagbalik nya ay may dala na syang pagkain tatlong serve ng sinigang, tatlong serve ng adobong gulay, At tatlong serve ng tortang talong

"Bat tig ta-tatlo? Sino pa'ba ang sasama sa atin kumain?" Tanong ko habang lumilingon lingon sa paligid

"Wala, tayong dalawa lang, Baka kasi mabitin ka eh" Sabi nya pagkatapos ay kumindat

Hayop, Ano akala sakin matakaw ako? d_d

"Nga pala buwan, Bat kayo nag c-condo ni kylee? Malayo ba ang bahay nyo?" Tanong nya habang kumakain kami

"Nasa Cebu ang mama ko at papa ko, Yung mommy at daddy naman ni kylee, Nasa France, ayaw naman 'daw tumira ni kylee sa bahay nila dito sa Manila kasi nabobored daw sya doon, Kaya mas pinili nyang mag condo, Habang eto ako, Sunod sunod kung san magpunta ang napakalandi kong pinsan, Ayos lang naman kasi sya nagbabayad" paliwanag ko sa kanya

"Ikaw? Bat nyo piniling mag condo ni Dash, Ga'yong ang lapit lang naman ng bahay nyo" Balik na tanong ko sa kanya

Sinulyapan ko sya sandali, At nakita ko na natahimik sya sa tanong ko

"Ayos lang kung hindi mo masagot ngayon, Pasmado kasi 'tong bibig ko paminsan minsan e" Nakangiting sabi ko saka sumubo ng pagkain

"Badtrip pag umuuwi kami sa bahay, Palaging nandoon si daddy." Natatawa pero may diing sagot nya

Hindi ko aasahang magsasalita sya ah.

"Hindi ako tsismossa, at medyo private 'tong tanong ko, At ayos lang na hindi mo talaga sagutin, Pero mag relasyon ba si Ms. Fernandez at ang Dad mo-"

"Yah" He cut me off kaya natahimik ako sa sagot nya

"Kahit sabihin pa nya'ng nagbago na sya, Kahit pa sabihin nya'ng hindi na sya nambababae, Ayoko paring magtiwala, Kasi minsan nya nang siraan ang tiwala namin eh, Ayoko nang magbigay pa." Dagdag nya habang nakatingin lang sa plato nya

"Alam mo, Brylle? Hindi masama ang mag
bigay ulit ng tiwala, Everyone deserves of 100M, 100B chance, Ang saya nun sa puso, promiseee, Try mo, paminsan minsan."

"Mahirap pero alam mo pag nagbigay ka ulit ng tiwala, sobrang gaan nun sa kalooban, oo masasabi na'ting pag na basag ang paborito nating baso hindi na iyon mabubuo pang muli diba?, Pero kaya nating itago at mahalin pa ng tuluyan kasi kahit sira sira na'yun, Mahal parin natin."

Sabi ko saka pinagpatuloy na ang pagkain

"Salamat ah, Tsaka salamat sa libre, Sensya na'rin dahil hindi natuloy ang pag-tetempura natin." Ani ko sa kanya ng makarating kami dito sa apartment

BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon