Ang tulang ito ay tungkol sa mga taong nagmahal ng maling tao. Sana nakamove-one kana♡
* * * * *
"Paubaya"
by: Iamlazyjuan
Mahal kita,
Ngunit mahal mo'y siya.
Nandito ako pero siya ang laging laman ng isip mo.
Magkaiba kami dahil,
siya mahal mo ako ay hindi.
Pilit kong sinisiksik
Sa aking isip
Na ito'y isa lamang panaginip
Panaginip na kinabukasa'y mawawala rin sa aking isip.Ngunit sa paglipas ng oras,
Sa paglubog nang inang araw
Hanggang sa pag-akyat ng kadiliman sa kalangitan
Na ang buwan ang siya'ng tanglaw.Doon na ako sumuko.
Doon ko na napagtanto, na
Siya talaga ang mahal mo.
Na kahit anong pilit ko ay siya parin ang pipiliin mo.Mahal ko,
Mahal kita ngunit masakit na.
Mahal kita pero hindi ko na kaya,
Hindi na kaya ng puso kong wasak at nagdurugo.
Kaya mahal ko,
sana'y pakaingatan mo ang sarili mo,
Dahil ngayong mawawala na ako, siya na ang mag-aalaga sayo.
:/
Any thoughts?😊
BINABASA MO ANG
SA BAWAT TUGMA
Poetry"Sa bawat tugma ay mga salita; na May emosyong hatid sa bawat mambabasa. Mga salita na may tugma, Na nabuo sa aking isip kalakip ng aking nadarama." KOLEKSYON NG MGA TULA Isinulat ni: iamlazyjuan Nagsimula: May 31, 2021 Highest Ranks: #1 - Tula #1...