PAGBANGON
writtem by: IamlazyjuanPandemya.
Gutom at pasakit ang dala
Maraming tao at sektor ang napinsala,
At maraming tao ang sakanya'y patuloy na naniniwala.Sa bawat tao na hindi sumusunod sa polisiya,
Libo-libong buhay ang nakataya.
Maging mga bata at matatanda,
Ay nanganganib na mawala.Sa panahong ganito,
Marapat lamang na magtulong-tulong tayo.
Simulan natin ito,
Sa pamamagitan nang pagsunod sa mga payo ng gobyerno.Tayo ay magkaisa,
Tulungan nating bumangon ang isa't isa
Huwag mang-iiwan at manghihila pababa
Sa halip, sabay-sabay tayong bumangon at labanan ang pandemya.Sabay-sabay tayong bumangon!
Magtulungan tayong umahon.
Dahil kahit ano pang dumating na hamon,
Alam nating tayong mga pilipino'y kakayaning bumangon.
BINABASA MO ANG
SA BAWAT TUGMA
Poetry"Sa bawat tugma ay mga salita; na May emosyong hatid sa bawat mambabasa. Mga salita na may tugma, Na nabuo sa aking isip kalakip ng aking nadarama." KOLEKSYON NG MGA TULA Isinulat ni: iamlazyjuan Nagsimula: May 31, 2021 Highest Ranks: #1 - Tula #1...