"SAKAL"
by iamlazyjuanIsang hakbang pasulong
Para harapin ang mga problema
Isang hakbang paatras
Dahil sa bigat na hindi mo kayaHindi alam ang gagawin
Sa mga oras na walang masandalan
Hirap lumanghap ng hangin
Dahil sa sakal ng kahirapang hindi matakasanBigat ng problema'y 'di maisatinig,
Dahil sa takot na ika'y hindi pakinggan
Solusyo'y 'di mahagilap
Sapagkat mga mata'y kasinungalingan ang kinamulatan.Ilang luha pa ba ang kailangang iiyak
Para mga panawagan nami'y pakinggan?
Ilang bata pa ba ang kailangang mamatay sa gutom
Bago ang problema sa kahirapa'y solusyonan?Mga tao'y halos mamatay na sa gutom,
Dahil sa kahirapang mahigpit ang gapos.
Nawa ang mga problema'y masolusyonan na paglaom
Nang kami na'y makalaya, mula sa sakal niring paghihikahos
***02/24/2022
Dedicated to CalyxCreeper. Just wanna post the poem he requested noon HAHAHAHA
BINABASA MO ANG
SA BAWAT TUGMA
Poetry"Sa bawat tugma ay mga salita; na May emosyong hatid sa bawat mambabasa. Mga salita na may tugma, Na nabuo sa aking isip kalakip ng aking nadarama." KOLEKSYON NG MGA TULA Isinulat ni: iamlazyjuan Nagsimula: May 31, 2021 Highest Ranks: #1 - Tula #1...