I dedicate this poem to Ashtri WP co'z she is the one who gave me the title. I hope you like this❤
* * * * *
"Ako Sana Siya"
by Iamlazyjuan
Ako sana siya,
Ako sana ang nasa pwesto niya kasama ka at masayang tumatawa
Ako sana ang nagpapangiti sayo sa mga araw na nalulumbay ka
Ako sana siya kong kung hindi kita ipinilit sa kaniya.Unang araw ng eskwela ng ikaw ay aking makilala
Maliban sa gwapo ka, ay matalino ka rin at nakakatawa.
Sa paglipas ng mga araw, tayo ay naging mas malapit sa isa't isa,
Hanggang sa tayo ay naging magbest-friend na.Maraming taon na tayo ang palaging magkasama
Pag may manliligaw sa akin para kang kapatid ko dahil kung makabakod sobra!
Ikaw naman ay hindi nagkaka-girlfriend dahil palagi tayong pinagkakamalang magjowa,
Okay lang naman sakin, hindi na naman masama dahil may itsura ka naman at hindi mukhang palaka.Hanggang sa tumungtong tayo ng kolehiyo,
Marami ang nagbago sapagkat magkaiba tayo ng kinuhang kurso.
Hindi man tayo palaging magkasama, nakakahanap naman tayo ng oras para sa isa't isa,
Diba parang magjowa? Hindi kagaya ng jowa mo, wala na nga kayong time sa isa't isa, niloko ka pa.Isang araw habang ako'y naglalakad ika'y aking namataan,
Kausap ang isang babae sa tapat ng inyong silid-aralan.
Maganda at balingkinitan, yan ang agad mong mapapansin sa babaeng nasa kanyang harapan
May kirot at insecurity akong naramdaman ngunit ito ay aking binalewala sapagkat baka ako lamang ay nagugulumihanan.Nang makalapit ako sa pwesto niyo ay agad na nagpaalam ang babaeng nasa iyong harapan,
Agad kitang inasar at tinawanan ngunit ako'y iyo lamang sininghalan.
Sinabihan kita na tutulungan kita, kaya inilakad kita sakanya
Itinulak kita at pinilit na ligawan siya.At kahit na napipilitan, si Mira'y iyong niligawan
Ako may nasasaktan sa hindi malamang dahilan, pilit akong ngumingiti sa iyong harapan.
At habang ika'y abala sa panliligaw sakanya,
Ako nama'y abala sa pag-alam ng tunay kong nadarama.Isang linggo. Pitong araw tayong hindi nagkita,
Pitong araw kong inalam ang tunay kong nadarama.
At sa ika-walong araw, lunes , ika-labing dal'wa sa buwan ng mayo,
Ang araw ng kaarawan ko.Sa araw ding iyon, inimbitahan kita sa bahay dahil may munti kaming salo-salo,
Masaya ako dahil hindi ka abala at nangako kang pupuntahan mo ako.
Naghanda ako dahil aaminin ko na sayo ang nararamdaman ko,
Na siyang bumabagabag sa aking isang buong linggo."Anak may tao sa labas, baka si Harvin na iyan" anang aking ina na pumasok mula sa aming sala.
Nakangiti kong tinungo ang aming tarangkahan, dahil matapos ang isang linggo ay muli kitang masisilayan,
Ngunit ang aking ngiti na inihanda at sayang aking nararamdaman ay agad na napawi,
Sapagkat kasama mo ang babaeng dahilan para ako ay maguluhan.Ang kirot na una kong naramdaman ng unang ko kayong makita sa harap ng iyong silid-aralan,
Ay mas lumala at naging patalim na biglang tinarak sa puso kong nasasaktan.
Hindi pa nakatulong ang postura niyong aking nadatnan,
Nakangiti at nakatingin kayong dalawa sa isa't isa na para bang kayo nalang ang taong naiwan.Doon ko napagtanto na huli na ako, napagtanto ko na mahal kita at huli na ako
Na tuluyan ka na ngang nahulog sakanya gayong ako naman ang unang minahal mo.
Sa oras na iyon, hiniling kong ako nalang sana siya.
Ako sana siya. Ako nalang sana ang nakakulong sa bisig mo at masayang kausap ka.Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil kapag huli na ang lahat saka ko pa malalamang mahal ko siya,
Na sa huli ko lang mapagtatanto na unang kita ko pa lamang sakanya ay minahal ko na siya.
Kaya ang tanging nagawa ko nalang ay ang tanawin sila mula sa malayo, masayang naglalakad ng magkasama,
Habang ako nandito, heto nasasaktan at patagong lumuluha.06/04/2021
*//
A/N: AYOWN! TAPOS NANAMAN! KAYA ASHTRI ITO NA ANG HANDOG KO SA IYOW! HAHAH SANA NAGUSTUHAN MO😊
BINABASA MO ANG
SA BAWAT TUGMA
Poetry"Sa bawat tugma ay mga salita; na May emosyong hatid sa bawat mambabasa. Mga salita na may tugma, Na nabuo sa aking isip kalakip ng aking nadarama." KOLEKSYON NG MGA TULA Isinulat ni: iamlazyjuan Nagsimula: May 31, 2021 Highest Ranks: #1 - Tula #1...