TULA #13

61 9 5
                                    

LARAWAN
Written by: Iamlazyjuan
To: @softmoods

Larawan.
Mga larawan ng mga alaala natin ng minsang tayo'y nagkasiyahan.
Mga ngiti at mata mo na kay gandang pagmasdan,
At hindi nakakasawang titigan.

Mga larawan kung saan nakapaloob ang mga ala-ala
Mga alaala na binuo natin ng magkasama
Mga alaala ng minsang nahanap natin ang kasiyahan sa isa't isa,
Kasiyahang kahit kailan hindi na natin madadama pa.

Hindi ko parin malilimutan,
No'ng panahon na tayo ay naging magkaibigan.
Yung araw na ang landas nati'y nagkatagpo,
Ngunit sa nakakahiyang tagpo.

Hindi ko malilimutan nang nagsisimula pa lamang tayo,
Yung panahon na kahit walang label ang relasyon nati'y hindi tayo mapaglayo.
Natatawa na nga ako sa mga alaala nating magkasama,
Lalo na yung araw na natapilok ka sa daan dahilan para tayo'y sabay na matawa.

Yung araw na nasa sinehan tayo at nakaihi ka sa short mo,
Dahil sa biglaang pag labas ng pinapanood nating multo.
At yung araw na nagkatampuhan tayo dahil sa pagtago mo ng gummy bears ko,
Dahilan para suyuin mo ako ng todo.

Sabi nga nila,
Ang isang larawan ay nagpapahiwatig ng libong salita.
Tama sila,
Dahil nakikita ko lang yung mga larawan nating magkasama natatawa at naiiyak na ako ng sobra!

Ngunit anong magagawa natin
Kung maging si tadhana e ayaw tayong pagsamahin?
Anong magagawa natin kung pati pamilya mo
Gustong magkahiwalay tayo?

Ayaw ko mang maalala ang mga gunita nating magkasama,
Isang tingin lang sa larawan nating dalawa,
Bumabalik na ang mga ito basta-basta,
Walang senyales at pasumada.

Pero kahit na ganoon ang epekto ng mga larawang ito,
Ito'y aking pahahalagahan at itatago.
Dahil kahit man lang sa mga bagay na ito,
Ay maalala ko na minsan na tayong nagkasama at nagkatagpo.

Kahit dahil man lang dito
Maalala ko na nagkakilala tayo,
Na minsang nagmahalan tayo ng totoo
Kahit na sa maling oras tayo pinagtagpo.


:XD

Juan's Note:

Ayorn! Sorry sa title HAHAHA. Papalitan ko yan sa sunod. Sana nagustuhan niyo sa short poem story ko. HAHAHA

SA BAWAT TUGMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon