TULA #12

73 11 5
                                    

LIMITASYON
Written by: Iamlazyjuan
To: Those people who fall to the wrong person.

Sa lamig ng gabi na sa aki'y nakayakap,
Nakapaloob dito ang pakiramdam ng nasa alapaap.
Sa bawat dampi ng hangin sa balat ko,
Kasing sarap nito ang pakiramdam ng ako'y iyong ginusto.

Hindi malaman ang sasabihin,
Di mahanap ang tunay na damdamin.
Mga salita'y hindi maisatinig,
Dahil sa kadahilanang ang puso'y iba ang pinipintig.

Ako na'y nalilito sa aking nararamdaman.
Sapagkat siya ang aking isip,
Ngunit ika'y aking panaginip
Lalo na sa mga gabi na ako'y iidlip.

Ngunit sa bawat araw na ika'y aking nakakasama,
Pilit kung inaalis ang aking nadarama
Sapagkat alam naman nating dalawa
Na tayo'y hindi para sa isa't isa.

Dahil bali-baliktarin man ang mundo,
Ang totoo ay hindi pa rin mababago.
Ang nararamdaman natin'y hindi
eksepsyon,
Sa mga pag-iibigang may limitasyon.

Matatawag na nga sanang tama ang pag-iibigan nating dalawa,
Kung wala lang masasaktan sa ating ginagawa.
Ngunit hindi na mababago ang katotohanan na ika'y may kasintahan na
At pareho tayong dalawa.

://

SA BAWAT TUGMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon