Chapter 6

4 0 0
                                    

  A/N:

    Hello readers! Sorry if medyo sabaw ang update ngayon but sisikapin kong maging maganda ang daloy ng story.

thankyou 💓

▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️

                            Falls

Nagising ako sa ingay nila hallie. Umaga na pala bumangon nako para tulungan silang mag Luto ng almusal namin.

"Oh gising kana pala zyr. Halika kakain na tayo." tugon sakin ni travina pag ka labas ko ng tent. May dala pala si xyrus na folding table kaya yun ang ginawang mesa. Amoy palang ng ulam nakakagutom na.

Naghilamos muna ako tsaka umupo katabi ni jasper. Naalala ko na naman kagabi.Parang panaginip ang dating.

"Ayaw mo ba ng bacon zyrna?" ngusong tanong sakin ni xyrus nilagyan niya kasi ang plato ko ng bacon, Kaso nilagay ko ulit pabalik sa kaniyang plato.

"Gagii ka dre. May amnesia ka ba? Allergic si zyrna sa bacon, just so you know."  Yes, may allergic ako sa bacon, ewan ko nung huli kong kain ng bacon is nung 10 pa ako kumati ang leeg ko halos dalawang araw din yun.

"Oh shit.I forgot, Oo nga pala sorry zyr." Paumanhin niya sakin.

"Okay." yun na lang nasabi ko, parang dina kasi maganda ang atmosphere. I smell something jealous Hahaha.

"Xyrus, Kala ko ba pupunta tayong falls na sinasabi mo?" ngumunguyang tanong ni hallie. Oo nga maliligo pala kami ngayun.

"Sure. Pag tapos kumain."  tapos na pala silang kumain kami na kang hallie ang hindi pa. Binilisan ko nang kumain para makapunta na kami agad.

"Let's go." dinala ko ang back pack ko na may laman na phone, snacks, drinks, at mga damit. Iniwan kona yung ibang gamit ko, babalik naman kami.

Napa wow nalang kami sa ganda ng falls totoo nga ang ganda, medyo malayo layo sa tent namin. Pero alam pa naman daw nila pabalik.

"Tara swimming na!!!!!" excited na sabi ni hallie. Hinubad niya ang suit niyang shirt at short, naka two piece pala ang hangal, ready na ready.
Akala ko pa naman madaming nagcacamping  dito, parang kami lang yata.

hinubad ko na din ang suot kong tshirt. Bali naka bra lang ako at naka shorts. Same with travina. Ang mga boys naman, nag sando at short lang.

Naligo na kami. Ang sarap ang lamig ng tubig. Nilublob ko ang ulo ko sa ilalim ang sarap sa pakiramdan kapag gani to.

Walang pang trenta minutos umahon na ako giniginaw na kasi ako, saktong pag ahon ko ay umahon na din si hallie na medyo giniginaw na din, si travina at jasper ayun nagbabasa an ng tubig.

Kumuha si xyrus ng twalya at inabot ito sakin, na gulat si hallie sa nangyari pero agad ding nawala nung kinuha ko ang twalya at inabot sakaniya.

Sa ngayun, Napag isip isip ko gusto ko si xyrus, pero ayokong ma hurt si hallie ng dahil sakin, kaya i decided na itago na lang tong lihim ko. Lihim namin ni xyrus.

Nag inuman na naman sila. Di na ako sumali kasi, ayoko munang uminom. Si hallie napapansin ko parang nagdududa sa akin kasi naman kung makadikit si xyrus sakin parang timang.

Maya maya pa Lumapit sakin si hallie, alam kona anong Pakay nito.

"Zyrna, Pwedi ba tayong mag usap?"

medyo tipsy na si hallie pero pilit niyang pinapanormal ang kilos niya.
Nagusap kami sa medyo malayo layo kunti sa falls, ayaw niya daw na may makarinig, Okay lang naman sakin. But, there's a part of me na kinakabahan, I don't why.

" Didiretsahan na kita zyr. Kayo ba ni Xyrus?"

I knew it.

"Alam mo hallie, Bestfriend kita pero bakit ganyan ka? You know masyado kang selosa kahit hindi naman kayo, at wala namang gusto sayo si xyrus!" diko ma mapigilan ang galit ko. Masyado na ksi siyang selosa to the point na nakakarindi na.

"Ha! If I know gusto mo rin siya  ano! Sabihin mo!"  napasigaw na din siya kumulo naman ang dugo ko dahil sa lintek na sinabi niya. Nakakainis na tong babaeng to ah!

"Gaga ka pala e! Wala akong pakialam kahit iluklok mo pa sa baga mo si xyrus!!!!"   kating kati nakong sabunutan tong babaeng to kahit bestfriend kopa tong hayop na to.

"Ang sabihin mo naiinggit ka lang ha!"  sinampal niya ako sa kanang pisngi ko. Napahinto naman siya dahil na gulat din siya.

"S. sorry zyr" Akmang hahawakan na niya ako ng tinabig ko ang kamay niya

"Para sabihin ko sayo hallie. Walang gusto sayo si xyrus dahil makati ka!" at sinampal ko din siya papatalo ba naman ako.

Napalitan ng galit ang mukha niyang kanina ay mahinahon na sana.

"ikaw ang makati dah--"

"Anong nangyayari dito?" Mabuti na lang dumating si travina kundi nakalbo ko na tong makati nato grrr!!!!

"Tama na yan hallie!!!! Halika na zyr aalis na tayo sumunod ka hallie!"  at nagpatiuna nang naglakad si travina sumunod na lang din ako. Pinandilatan pa ako ni hallie.

"We're not done yet, bitch." bago siya tumalikod. Ngayon isa lang ang na realized ko, Pangit pala talaga ang ugali ni hallie hays.

xyrus naman kasi, bat ikaw pa?

Nakita kong nakatayo silang lahat na may dalang mga backpack hindi nila dala yung ibang gamit ewan ko.

" Zyr. Magbihis kana at dalhin mo lang yung   isang backpack mo." nakangiting sabi ni jasper. Mukhang dipa nila alam yung nangyari well thats good at least wala silang alam.

Ginagalit ako ni hallie. hmm.

nagbihis na ako at gaya ng sabi nila yun lang dinala ko. May pupuntahan daw kami ewan ko saan nakasunod lang ako sa kanila. Umakyat kami sa mataas na bahagi ng gubat, andaming pasikot sikot na daan sabi ni jasper mag eexplore daw kami kahit saan oks lang naman samin lahat.

Tumabi sakin si travina at alam kong may gusto siyang sabihin but she remain silent.

andaming nangyari ngayon. Hay nako hallie.

to be continued...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AGRAVIASWhere stories live. Discover now