Chapter 20- Surprise!

9.1K 179 96
                                    

"Are you feeling more okay now babe?"

Mula sa kalsada ay nilingon ni Devy ang asawa na kasalukuyang nagmamaneho pauwi. Pinisil niya ng bahagya ang kamay nito na kanyang hawak. Hindi niya maiwasang matuwa sa pag-aalalang ipinapakita ni Lawrence para sa kanya magmula pa kanina. Nagising siyang masama ang pakiramdam kung kaya dali dali siyang bumangon sa kama at pumuntang banyo at doon ay sumuka ng sumuka. Agad naman siyang pinuntahan doon ni Lawrence at hinaplos-haplos ang kanyang likuran na kait papaano ay nagpaginhawa sa kanyang pakiramdaman. Sinabihan siya nitong maligo na at pupunta silang doktor pagkatapos para magpacheck-up.

Nang pagdating nila sa kanyang OB-GYNE ay mas marami pa itong tanong dito kaysa sa kanya. Nahampas pa niya ito ng itanong sa doktora kung may kinalaman ang kanilang pagtatalik kagabi kung bakit sumama ang kanyang pakiramdam. Daig pa niya ang hinog na kamatis sa sobrang pula ng kanyang mukha. Tawa lang ng tawa si Dra. Hernandez sa tanong ng asawa. Sinabi ditong walang masamang idudulot ang kanilang pagtatalik kung hindi makakabuti pa iyon sa kanyang pagbubuntis. Natuwa ang loko sa narinig at nagbiro pa na gagawin nila iyon gabi-gabi para maging malusog ang kanilang magiging anak. Natawa na lamang siya sa kalokohan ng asawa at hinayaan na lamang niya ito sa pagtatanong sa doktora.

"I'm fine. Don't worry to much. Wala akong sakit, natural lang sa buntis ang morning sickness kaya huwag kang mag-aalala masyado. Okay ba iyon mister ko?" nakangiting tugon niya sa asawa.

Nilingon siya ni Lawrence ng mabilis at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Muli nitong ibinaling ang paningin sa daan bago muling nagsalita. "Baka five days from today pa tayo makakalipad papuntang Macau. I need to make sure everything is okay in the office before I can take my leave, hope you understand." anito sa kanya. Lawrence parents gave them a one week travel gift for their honeymoon. Nais ng mga ito sa Paris sila magbakasyon ngunit sabay nilang tinanggihan ito. Sinabi nilang kung pwede ay yung sa maa malapit nalang muna at kapag nakapanganak na siya ay saka na lamang sila magbabakasyon sa europa.

"No worries, I understand." nakangiting sagot niya sa asawa

"Thanks." maiksing pasalamat nito. "We're here." anito.

Doon niya namalayang nasa harap na sila ng bahay ng mga magulang ng asawa. Hinintay lang nito ang gate na bumukas at saka muling pinaandar ang sasakyan papasok. Pagtapat sa main door ng mansyon ay mabilis na bumaba si Lawrence at saka siya inalalayang makalabas ng sasakyan. Pagbukas nito ng pinto ng bahay ay isang katulong ang sumalubong sa kanila at magalang silang binati.

"Magandang tanghali po Sir, Ma'am."

"Magandang tanghali Manang, ang papa at mama po?" tanong ni Lawrence dito.

"Nasa komedor po, may bisita."

Nagtatakang napatingin sa kanya si Lawrence. "Bisita? Sino kaya, halika puntahan natin sila." anito sabay hila sa kanyang kamay at sabau silang naglakad papuntang dining room.

"Pa, Ma, we're here." malakas na tawag ni Lawrence sa mga magulang.

Sabay na napalingon ang mga nandoon sa komedor sa kanila. Nakita niya ang isang magandang babaeng katabi ng ina ni Lawrence na nakadalo sa mesa.

"Lawrence, Devy, mabuti at umuwi na kayo? Bakit hindi ninyo tinapos ang reservation ninyo sa hotel?" nakangiting tanong ng ina nito sa anak. Dapat kasi ay tatlong araw silang mananatili sa hotel ngunit sinabihan niya ang asawang mas gusto niyang sa bahay na sila na agad naman nitong sinangayunan.

"We miss you that's why." nakangiting tugon ni Lawrence sa ina pagkatapos ay nilapitan ito at hinalikan sa pisngi. "Jassy, you're here. Kailan ka pa dumating?"

Tumaas ang kilay ni Devy ng halikan din ng asawa ang babaeng bisita. Hindi niya ito kilala ngunit sa kanyang nakikita ay halatang matagal na nitong kilala ng asawa.

"I just arrived four days ago. Nagtatampo ako dahil hindi mo ako ininvite sa wedding mo. Kung hindi ko pa nakita kahapon si Robi sa mall di ko pa malalamang nag-asawa ka na pala." tila nagtatampong sabi ng babae sa asawa.

Tumawa lang ang Lawrence bilang tugon dito. Hinila siya nito palapit at ipinakilala sa bisita. "Hey, Jassy meet my lovely wife Devy, Babe meet Jasmine a good friend of mine since childhood."

"Hi" pilit na bati niya dito. Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya feel ang babae. Masama ang kutob niya.

Tumayo ito at niyakap siya pagkatapos ibeso na siya niyang ikinabigla ngunit hindi na lang siya nagpahalata.

"Nice meeting you Devy. Alagaan mo itong si Law ah kundi..." tumawa lang ito at hindi itinuloy ang sinabi. Binigyan pa siya nito ng isang matamis na ngiti pagkatapos.

"Lawrence anak, maupo na kayo at nang kami ay inyong masaluhan sa tanghalian." sabad ng kanyang biyenang lalaki.

Inalalayan siya paupo ng asawa at pinagsilbihan. Puno ng tawanan ang buong tanghalian. Madaming pinagkwentuhan ang mga ito at si Jasmine ang nangunguna sa pagsasalita. Tumaas lalo ang kilay niya ng ikwento nito kung gaano ito kaclose sa asawa at ang mga bagay-bagay na ginawa nila ng magkasama. Hindi niya mapigilang uminit ang kanyang dugo ngunit hindi na lang siya ngkomento.

"Siya nga pala hijo, hija may nagpahabol ng regalo para sa inyo. Teka ipapakuha ko kay manang. Walang pangalang nakalagay." anang biyenang babae. "Manang Luz pakidala naman dito yung regalong ipinatabi ko sa inyo." baling nito sa kasambahay.

"Walang pangalan? Sino kaya iyon?" baling sa kanya ng asawa.

Iling na lamang ang naisagot niya dito. Inabot sa kasambahay na mabilis na nakabalik sa komedor and regalong tinutukoy ng ina ni Lawrence. Napangiti siya sa nakita. Napakaganda ngpagkakabalot at tila espesyal ang laman niyon. Tiningnan niya ang card ng regalo ngunit tanging "To Lawrence and Devy.. Best wishes." lamang ang nakasulat doon.

"Wow ang ganda ng wrap ah, bakit hindi mo pa buksan para makita na natin ang laman." bilang singit ni Jasmine.

Muli niyang nilingon ang asawa at ng tumango ito ay saka niya bunuksan ang regalo. "Aaaaahh!!!!" sigaw niya ng tuluyang mabuksan ang regalo. Nanginginig siya sa nakita. Mabilis na kinuha ni Lawrence sa kanya ang kahon at itinapon iyon sa malayo.

"Ssssshhh, it's okay. It's okay babe, I'm here." anito habang yakap-yakap siya. "Manang alisin ang basurang iyan." utos nito sa katulong na hindi naman magkandaugagang tumakbo sa pinaghagisan ng regalo. Kung regalo nga bang maituturing ang laman ng kahong iyon. Isang munting kuting na puno ng dugo. Warak ang tiyan at nakalabas ang lamang loob nito.

Isiniksik niya ang katawan sa bisig ng asawa na lalo namang hinigpitan ang pagkakayapkap sa kanya. Umiyak lang siya ng umiyak. Nanginginig ang buong katawan niya sa takot. Takot para sa kanya, sa asawa, at lalung-lalo na para sa anak.

Author's Note: What happened? Sino ang nagpadala ng bagay na iyon at ano ang kaugnayan niya kina Lawrence at Devy? Ano ang nais na iparating nito sa mag-asawa? More intense scenes next chapters so please do leave your comments and reactions so I can do an update as soon as possible.. Thnaks for reading guys! Love you all!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Say You Want Me To StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon