Chapter 1- Crazy Night

15.8K 133 7
                                    

"One more martini please," sumisinghot-singhot pang sabi ni Devy sa bartender.  

Kasalukuyan siyang nasa 17th Street Bar and Resto nang mga oras na iyon. Doon siya dinala nang mga paa nang umalis siya sa condo unit ni Ken. Pumunta siya sa unit nang kasintahan upang sopresahin ito. Tumawag siya kanina sa opisina nito upang alamin kung kailan ito makakauwi mula sa business seminar na pinuntahan sa Singapore. Nalaman niya sa sekretarya nito na dumating na ang lalaki mula sa Singapore kaya naisipan niyang daanan ito pagkatapos nang kanyang trabaho. Dumaan pa siya sa isang Chinese Restaurant upang magtake-out nang favorite food nito para sa kanilang dinner ngunit hindi niya akalaing ibang dinner pala ang gusto nito.  

Muling bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa nakita kanina sa unit nang kasintahan. Kaya pala hindi man lang siya nito tinawagan upang kumustahin dahil busy ito sa ibang mga bagay. Nakita ng kanyang dalawang mata ang kababalaghang ginagawa nito kasama ang isang di nakikilalang babae. Ang mga hudyo, parehong hubo't-hubad na nagroromansahan sa ibabaw nang mesa. Hindi man lang nagawa ng mga itong makarating sa kwarto. Dahil sa naalala lalong bumilis ang pagdaloy nang kanyang mga luha.  

She's aware that the person sitting beside her is watching her but she doesn't give a damn. Even the bartender looked worried for her when he gave her order pero wala siyang pakialam sa kanyang paligid gusto lang niyang lunurin ang sarili sa alak at limutin ang kataksilan ng magaling niyang boyfriend. Napakislot siya sa kinauupuan ng may nagsalita mula sa tabi niya.  

"One gin tonic please." anang dumating sa bartender. 

Hindi niya alam kung anong meron sa boses nito ngunit hindi niya mapigilan ang sariling lumingon sa direksyon nito. Napasinghap siya sa kinauupuan ng mabistahan ang bagong dating. Kahit madilim sa kinaroroonan nila at disco light lang tanging nagbibigay liwanag sa lugar ay hindi maikakailang gwapo ang lalaki. Isa pa, lalaking-lalaki ang boses nito na lahat ng makakarinig ay siguradong mapapasunod sa lahat ng gusto nito. Napaayos siya ng upo ng lumingon ito sa kanyang direksyon na tila alam na pinagmamasdan niya ito. Alam niyang tinititigan siya nang lalaki at naghatid ito ng hindi maipaliwanag na kaba sa kanya. Mabilis niyang inabot at ininom ang inorder na martini. Bottoms up!  

"One more please." aniya sa bartender habang turo sa kanyang basong walang laman.Halatang lasing na siya sa paraan ng kanyang pagsasalita. 

Napakamot tuloy ng ulo ang bartender sa narinig. "Miss lasing ka na. Baka hindi ka na makauwi niyan."  

"Lashing? Shino ang lashing? Hindi ako lashing. May pambayad ako kaya bilis bigyan mo pa ako ng martini."  

Iiling-iling na kumilos ang bartender at inabot sa kanya ang order niya. Nang aabutin niya ang kanyang inumin ay biglang may pumigil sa kamay niya. Nang lingunin niya kung sino ang pakialamerong humawak sa kanya ay nahigit ang kanyang hininga. Kung kaninang nakita niya ang sideview ng katabi ay nagwapuhan na siya dito higit ngayong nakaharap na sa kanya ang lalaki. Kahit nahihilo siya gawa ng nainom ay hindi niya maikakailang ito ang pinakagwapong lalaking nakita sa buong buhay niya. Mas gwapo pa sa talipandas na Ken na iyon. 

"Excuse me, is there any problem?" diretsong tanong niya sa lalaki. Hindi niya alam kung anong meron sa presensiya nito pero parang bulang biglang naglaho ang kanyang kalasingan. 

"I don't have any problem, but you have." seryosong sagot nito.  

Hinaklit niya ang kamay na hawak nito at umayos ng pagkakaupo sa stool.  

"Anong pakialam mo! Pwede ba hindi kita kilala kaya huwag mo akong pakialam sa gusto ko!" mataray na tugon niya sa lalaki.  

Napabungtong-hininga ang lalaki bago nagsalita. "Maybe you're right I don't have any right to interfere with your life. Okay do whatever it pleases you." sagot nito matapos ay umayos ng upo sa katabing stool. Inabot nito ang inorder na inumin at walang sabi-sabing tinungga.  

Say You Want Me To StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon