Chapter 4- Moving On

7.5K 81 1
                                    

"ATE Devz, gising na. Kain na tayo ng hapunan." 

Mula sa pagkakahimbing ay unti-unting iminulat ni Devy ang mga mata. Inaantok pa siya at nais niyang ipagpatuloy ang pagtulog ngunit hindi tumigil ang pagkatok ng pinsan sa pintuan ng kanyang kwarto.  

"Sige lalabas na ako," pasigaw na sagot niya sa pinsan. Natigil ang mga katok sa kanyang pinto at narinig niyang naglakad palayo ang pinsan pagkatapos. Napabuntong-hininga siya ng masulyapan ang orasan na nasa ibabaw ng mesa katabi ng kanyang kama. Alas-siyet y media na ng gabi. Hindi niya akalaing halos sampung oras na pala siyang nakatulog. Pagkatapos niyang maglinis ng katawan kaninang pag-uwi ay agad siyang nahiga sa kama ngunit hindi siya agad nakatulog. Maraming mga bagay ang tumatakbo sa kanyang isip. Ang pagtataksil ng kasintahan, ang kagagahang ginawa kagabi, at ang maaaring kalabasan ng isang gabi ng kapusukan. Mabilis niyang iwinasiwas ang pag-aalala dahil sumasakit lang ang kanyang ulo sa kakaisip. Patamad siyang bumangon sa kama at lumabas ng kanyang kwarto. Pagdating niya ng kusina ay nakita niyang nakahanda na ang hapunan sa mesa. 

Nilingon niya ang pinsang si Kathy na naghuhugas ng kamay sa lababo. Mabilis siyang lumapit dito para maghugas rin ng kamay.  

"Nandiyan ka na pala. Akala ko hindi ka pa lalabas ng kwarto, kakatukin sana kita ulit. Kain na."  

Ngiti lang ang sagot niya rito. Pagkatapos maghugas ng kamay ay dumulong siya sa mesa.  

"Kain ng marami, hindi ka kumain ng pananghalian kaya alam kong gutom ka," anito habang nilalagyan ng kanin ang kanyang plato. Tahimik lang siyang kumain habang kwento ng kwento ang pinsan ngunit wala dito ang kanyang pansin. Hindi pa rin niya mapigilang isipin ang mga kaganapan ng nakaraang gabi.  

"Hey couz, are you with me?" sita sa kanya nang pinsan.  

Nakakunot-noong binalingan niya ang pinsan. "May sinasabi ka?" Tanong niya rito.  

"Saang lumalop kaba nakarating at tila kanina ka pa wala sa sarili. Kanina pa ako salita ng salita rito hindi ka naman nakikinig," nakalabing sabi ng pinsan.  

"Sorry may iniisip lang." hinging paumanhin niya rito.  

"Saan k aba galing kagabi at hindi ka umuwi?" 

Kinabahan siya sa tanong nang pinsan. Hindi niya alam kung ano ang isasgot rito. Alam naman niyang mahahalata nito kapag nagsinungaling siya kaya pinili nalang niyang huwag sagutin ang tanong nang pinsan.  

"Pwede bang huwag ko nalang sagutin iyan." 

Nailing nalang ito sa kanyang sagot. "Okay, kumain nalang tayo. Huwag mong paglaruan ang pagkain. Niluto ko pa man din ang paborito mo pero hindi ka man lang halos sumubo," sita nito sa kanya. 

Mahabang katahimikan ang pumagitna sa kanila nang pinsan.  

"Ate Devy may sasabihin nga pala ako, importante," maya'y nagsalita ulit si Kathy. 

Nagtatakang napalingon siya sa pinsan. 

"Ano iyon?" 

"K-kasi, kasi tumawag sina mama, pinapabalik na ako sa States." 

Natigilan siya sa sinabi ni Kathy. Sila lang dalawa ang magkasama sa buhay, ang magulang nito ay sa Amerika na namumuhay habang siya nama'y lubos nang ulila nang mamatay ang mga magulang sa isang car accident habang papunta ang mga ito sa Baguio anim na taon na ang nakakaraan. Dati kasi silang may flower shop sa Dangwa at lumuwas ang mga magulang upang tingan ang flower farm na bibilhin sana ng mga ito nang mangyari ang aksidente. Mula noon ay namuhay siyang mag-isa hanggang sa umuwi ang pinsan mula sa amerika at tumira sa bahay na naiwan sa kanya ng mga magulang. Nais di umano nitong matutong mamuhay malayo sa mga magulang nito kung kaya nakiusap itong sa kanya na tumuloy. Dahil ayaw niyang mag-isa ay pumayag siya, halos tatlong taon na rin ang nakakaraan ng magsimulang tumira sa kanya ang pinsan.  

"Kailan ka pinapauwi?" 

Malungkot na binaba nito ang mga kubyertos bago siya matamang tinitigan. "Three days from now yung nakuha nilang ticket para sa akin. Nagkasakit daw si Daddy at walang magbabantay. Isa pa nakuha ko na daw ang gusto ko kaya sila naman daw ang sundin ko," sagot ni Kathy sa kanya. Halatang ayaw nitong bumalik sa Amerika. 

Tango lang ang ibinigay niyang sagot rito. Kahit siya ay malulungkot sa pag-alis nito. Naging mas malapit silang magpinsan ng tumira ito sa kanya. Kung babalik na ito sa mga magulang ay maiiwan na siyang mag-isa sa buhay. 

"Mamimiss kita Ate Devy, kung pwede lang huwag na akong umalis," malungkot na sabi ni Kathy.  

Nginitian lang niya ang pinsan. Nais niyang sabihin ritong huwag na itong umalis ngunit pinagilan niya ang sarili. Kailangan ito ng mga magulang nito. Isa pa panahon na rin siguro upang matuto siyang mabuhay mag-isa. Hindi habang panahon ay maaari itong manatili sa kanyang tabi. Isa pa natutunan niyang may mga tao talagang dadaan sa kanyang buhay ngunit hindi rin naman magtatagal. Aalis at aalis din sila, kailangan niyang tanggapin ang bagay na iyon. 

Tinatamad na tumayo siya sa kinauupuan. Binigyan niya ng isang matamis na ngiti ang pinsan bago nagsalita. "Mamimiss din kita Kathy, papasok na ako sa kwarto ko gusto ko na kasing magpahinga.Tutulungan kita bukas sa pag-iimpake," aniya sa pinsan. Hindi na niya hinitay pang makapagsalita ito. Dali-dali siyang naglakad palabas ng kusina. Tuluy-tuloy siya sa kanyang kwarto nagkulong.  

Binuksan niya ang cabinet at kumuha ng isang malaking kahon. Hinalungkat niya ang gamit at kinuha lahat ng mga binigay sa kanya ni Ken. Childish na kung childish pero itatapon niyang lahat ang mga iyon. Ayaw na niyang makita kahit na anong makapagpapaalala sa kanya sa lalaki. Mabilis niyang issinilid ang mga nahalungkat sa kahong kinuha. Bukas na bukas din ay itatapon niya ang mga iyon, sakto dahil dadaan bukas ang dumb truck sa kanilang lugar. Nang masiguradong wala nang natira sa mga niregalong gamit sa kanya ng lalaki ay mabilis niyang nilagyan ng masking tape ang kahon at saka itinabi sa isang sulok.  

Lumung-lumo siyang lumapit sa kanyang kama at nahiga. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Nais niyang makatulog para kahit sandal lang ay malimutan ang nangyari ng nagdaang gabi. Kahit papaano ay inuusig siya nang konsiyensiya dahil alam niyang ginawa rin niya ang kataksilang ibinibintang sa dating kasintahan.

Author's note: sorry kung medyo boring ang chapter na ito... pero ung nxt for sure magugustuhan ninyo...paano kaya magtatagpo uli ang landas ni Devy at ng mystery guy she met at the bar?!!! abangan!!!! :p

Say You Want Me To StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon