Chapter 12- Indecent Proposal?!!!!!

6.4K 105 11
                                    

"PSSST! Bakit sabay kayong dumating ni Sir Lawrence? At bakit super late na kayong nakapasok?" 

Mula sa kanyang computer screen ay tumingala si Devy upang tingnan kung sino ang nagsalita. Nakita niya ang curious na mukha ni Ann na isa sa kanilang mg researcher. Nang ilinga niya ang paningin ay nakita niyang nakatingin rin sa kanya ang mga iba pang kasamahan sa trabaho. Hindi lingid sa kanya ang mga nagtatakang tingin at bulungan ng mga empleyado nang dumating sila ni Lawrence kanina sa opisina. Hindi niya pinansin ang mga iyon ngunit ngayong diretsahan na siyang tinatanong ng mga ito ay hindi niya alam ang isasagot. 

"A-ah, eh...Kasi may pinuntahan kaming client kanina, tinawagan ako ni Sir na huwag munang dumeretso dito sa opisina kasi may early meeting siya. Tama, yun nga," pagdadahilan niya sa kausap. 

"Talaga lang ha? Sigurado ka?" 

Nais niyang mairita dito ngunit pinigilan niya ang sarili. Lalo lang siyang pagdududahan kung papatulan niya ang pang-iinis nito sa kanya.  

"Oo naman, gusto mo tanungin mo pa si Sir Lawrence," aniya. 

Tinaasan lang siya ng kilay nang babae at saka pakendeng na naglakad pabalik sa mesa nito. Nailing na lamang siya pagkaalis nito sa kanyang harapan. Isa iyon sa maraming kinakatakutan niya, ang maghinala ang mga kasamahan sa trabaho na may namamagitan sa kanila ni Lawrence. Kanina bago ito pumasok sa opisina nito ay dumukwang ang lalaki para hagkan siya kung hindi pa niya ito napigilan. Alam niyang nakatingin sa kanila ang mga kasamahan, kung makikita ng mga itong hinalikan siya ng kanilang amo ay para na rin nilang sinabing may namamagitan nga sa kanilang dalawa. Baka isipan siya ng masama ng mga ito.  

"And what's with that look?" 

Napabalikwas ng upo si Devy dahil sa pagkagulat. Kung hindi pa niya natakpan ang bibig ay baka napasigaw na siya. Prenteng nakatayo sa kanyang harap si Lawrence na tila aliw na aliw na pinanonood siya.  

"Why you're here? May kailangan ka ba?" tanong niya sa lalaki.  

"It's almost luch time. Let's go out and eat."  

Wala sa sariling napatingin siya sa kanyang wristwatch. Mag-aalasdose na pala ng hapon. Nang ibalik niya ang tingin sa kausap ay nakita niyang hawak-hawak nito ang kanyang picture frame. Napakunot ang noo nito sa nakita. 

"Why you still kept this thing?!" singhal nito sa kanya.  

Naumid ang kanyang dila sa nakikitang galit sa mga mata nang lalaki. Naglalabasan ang mga ugat sa leeg nitodahil pinipigilan nito ang galit. Napatingin siya sa hawak nito, naroroon ang larawan nila ni Ken. Nakayakap ito sa kanya mula sa likod habang hinahalikan nito ang kanyang pisngi. Napabuntong-hininga na lamang siya. Nawala sa isip niyang itapon iyon kasama ng iba pang gamit na ibinigay sa kanya ni Ken. Nakita niyang binitawan ni Lawrence ang picture frame at walang sabi-sabing naglakad ito pabalik sa loob ng opisina nito. Nanghihinang inabot niya ang picture frame at itinapon iyon sa trash bin na nasa ilalam ng kanyang work desk. Nang tumingala siya ay nakita niya ang mga nang-uuyam na tingin ng mga kasamahan. Inirapan na lamang niya ang mga ito at saka tumayo sa kinauupuan. Alam niyang nakatingin pa rin sa kanya ang mga ito ngunit wala siyang pakialam. Naglakad siya papunta sa opisina nang amo. Ni hindi siya kumatok, binuksan na lamang niyang bigla ang pintuan ng opisina nito.  

Nakita niya ang lalaking nakatayo paharap sa may bintana. Malayo ang tingin nito at tila malalim ang iniisip. Ibinalik niya sa pagkakasara ang pinto at dahan-dahang lumapit sa lalaki. Tila na alam na nasa loob siya ng opisina nito, mula sa bintana ay humarap sa kanya ang lalaki. Nasa mata pa rin nito ang galit na nakita niya kanina nang makita nito ang larawan nilang dalawa ni Ken. Binuksan niya ang bibig upang magpaliwanag sa lalaki ngunit hindi pa man ay muli niyang isinara iyon. Wala siyang maapuhap na sabihin kaya humakbang na lamang siya palapit rito at walang sabi-sabing niyakap ang lalaki.  

"Are you playing with me Devy? Sabihin mo ngayon palang kung nakikipaglaro ka sa akin para alam ko kung saan ako lulugar." 

Napatingala siya rito dahil sa narinig. Tila may kung anong hapding nakapaloob sa mga mata nang lalaki. Dahil sa nakita ay lalong humigpit ang yakap niya rito. Nais niyang sabihin ritong wala na siyang nararamdaman para kay Ken, na narealize niyang hindi naman pala ganoon kalalim ang pagmamahal na iniukol niya sa lalaki, na napagtanto niyang lahat ang mga bagay na iyon dahil rito, ngunit lahat ng gusto niyang sabihin rito ay hindi niya masabi-sabi sa lalaki dahil una palang ay sinabi na nito na wala siyang maaasahan mula rito.  

"Naging honest ako sa iyo Devy, I know it's unfair on your part but atleast I was honest. Sana ganoon ka din." 

"I'm sorry. Nawala sa isip kong itapon iyong picture but that doesn't mean na may nararamdaman pa ako kay Ken. Tapos na lahat sa amin Lawrence so please don't be mad at me. I can't stand you getting mad at me," aniya rito. Hindi niya napigilan ang sariling emosyon, napagtanto na lamang niyang naguunahang pumapatak ang mga luha mula sa kanyang mga mata.  

"Ssssh, it's alright. I'm not mad. I just got scared when I saw that picture. I'm scared that you might still love him," anito pagkatapos ay mahigpit siyang niyakap. "Don't cry, I can't stand to see you crying," patuloy ito sa paghaplos sa kanyang likod. 

Kumalas siya sa pagkakayakap nang lalaki at saka ito tinginan sa mata. "Ikaw kasi, pinaiyak mo ako," aniya rito ng nakalabi.  

Natatawang pinaloob nito ang kanyang mukha sa kamay nang lalaki at saka ito yumuko. Natigil ang pagkaligalig niya nang unti-unting inilapit nito ang mukha sa kanya. Napapikit-siya sa antisipayon. She can't wait to be kiss by him again. But few seconds already passed yet no lips had touched hers. Napamulagat siya ng wala sa oras. Nakangising mukha ni Lawrence ang nakatunghay sa kanya. Naningkit ang mata niya sa nakita, hindi niya napigilang pagpapaluin ang lalaki sa sobrang pagkapahiya. Ang loko tawa lang ng tawa samantalang siya hindi alam kung paano itatago ang pagkapahiya rito. 

"I hate you!" bulyaw niya sabay talikod rito. Ngunit bago pa siya makahakbang ay nahaklit na nito ang kanyang braso at pilit siyang iniharap muli rito.  

"Sorry, hindi na mauulit." 

Inirapan niya lang ang lalaki. Naiinis siya rito dahil ginagawa siya nitong katatawanan. "Bitiwan mo na ako, kailangan ko ng bumalik sa mesa ko," aniya rito na hindi itinago rito ang pagkainis. 

Parang walang narinig ang lalaki. Hindi pa rin nito binitawan ang kanyang kamay na hawak nito, sa katunayan ay hinila pa siya nito palapit rito at mahigpit na niyakap. Naramdaman niya ang pagdapo ng mga labi nito sa kanyang ulo habang hinahaplos naman ito ang kanyang likod. Hindi niya alam kung bakit pero tila parang bulang naglaho ang inis niya para rito sa katunayan ay hindi niya napigilang yakapin rin ito ng mahigpit.  

"Hmn, I wish I can cuddle you like this forever," he murmured against her hair.  

"I'd like that," aniya bilang tugon at lalo pang isiniksik ang katawan sa lalaki. 

"Let's live together." 

Biglang nanigas siya sa sinabi ni Lawrence. Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap nito at tiningala ang lalaki. Pagkakita niya sa mukha nito ay lalong nagsalubong ang kanyang kilay. Seryoso ang mukha nito at walang bahid ng pagbibiro.  

"A-are you serious?" nauutal niyang tanong sa lalaki.  

"Never been this serious." 

Binuksan niya ang bibig upang magsalita ngunit agad din itong isinara dahil walang maapuhap na sabihin sa lalaki.  

"I'll give you up until tomorrow to decide, for now let's take our lunch," anito sabay hila sa kanya palabas ng opisina nito.

Author's Note: whaaaaaaah! anetch itey na proposal nito ni Lawrence?!!! Sa tingin ninyo papayag si Devy? Anong mangyayari kung hindi pumayag si Devy? Eh paano naman kung umoo siya kay Lawrence? Paano ang professional relationship nila, more hot scenes pa ba? hahahaha..hanggang ditey na muna.. bibitinin ko muna kayo... don't forget to post your comments guys.. thanks for reading :)

Say You Want Me To StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon