Chapter 3- Back to Reality

9.9K 96 8
                                    

Author's Note: Hi guys! mustah nmn ung BS? pangit ba?! sorry di ko alam what nangyayari sa ganung scene kea sorry kung hindi medyo detailed! Lolz... hope you'll post ur comments and suggestions so i can improve my story and the nxt stories that i will write next... here's an update... enjoy reading :)

Mula sa pagkakapikit ay unti-unting iminulat ni Devy ang kanyang mga mata. Napasarap angkanyang tulog at hindi niya alam kung anong oras na. Nang tingnan niya ang orasan sa side table katabi ng kama ay bigla siyang napakunot-noo. Hindi pamilyar sa kanya ang kwartong kinaroroonan. Nang nagtangka siyang bumangon ay lalong napakunot ang kanyang noo dahil naramdaman niyang may mga brasong nakapalupot sa kanyang katawan. Nanlalaki ang kanyang mga mata at nawala ang natitirang antok sa kanyang katawan.  

Dahan-dahan niyang inalis ang mga kamay na nakayakap sa kanya at dahan-dahang bumangon. Napasinghap siya ng mapagtantong wala siyang kahit isa mang saplot sa katawan. Unti-unti niyang nilingon ang kama upang tingnan ang nakahiga roon. Gusto niyang iuntog ang ulo ng makumpirmang hindi panaginip ang lahat. Patunay roon ang lalaking kahit natatakpan ng kumot ang katawan ay alam niyang hubo't-hubad. Isa pa nanakit ang kanyang buong katawan partikular na ang ibabang bahagi nito. Inikot niya ang paniningin sa loob ng kawrto, nakita niya ang kanyang mga saplot sa sahig. Nagmamadali siyang tumayo at isa-isa iyong pinulot, nang gumalaw ang lalaki sa kama. Napalundag siya sa kinatatayuan, dahan-dahan niyang nilingon ito nang makitang nagpalit ito ng pwesto ng pagkakahiga. Napatalikod na ito sa kanyang direksyon. Sa takot na magisingan pa nang lalaki, dali-dali niyang isinuot ang saplot at maingat na lumabas sa kwarto nito. 

Nakahinga siya ng maluwag nang makalabas sa unit nito ng walang ingay. Nagpalinga-linga pa siya sa lobby upang tiyaking walang nakakita sa kanyang lumabas sa unit ng lalaking ni pangalan ay hindi niya alam. Mabilis siyang naglakad patungong elevator. Nais na niyang makaalis sa lugar na iyon at masiguradong kahit kailan ay hindi na magtatagpo ang landas nila ng lalaki.  

Pagkalabas na pagkalabas niya sa building kung saan ang unit na pinanggalingan ay agad niyang pinara ang taxing dumaan. Mabilis siyang sumakay rito at sinabi sa driver kung saan siya ihahatid. Ng maramdamang gumagana na ang taxi ay saka siya napapikit. Gusto niyang sabunutan ang sarili sa katangahang ginawa. Malinaw sa kanya ang mga nangyari. Hindi niya masisi ang alak dahil alam niyang kahit lasing siya kagabi ay malinaw ang kanyang pag-iisip at ninais niya rin ang nagyari.  

Napakislot siya sa kinauupuan ng marinig ang taxi driver na nagsalita.  

"Miss nandito napo tayo." 

Sa labis na pag-iisip ay hindi na niya namalayang nasa harap na pala sila ng kanilang bahay. Mabilis siyang kumuha ng pambayad sa bulsa ng kanyang bestida at agad inabot iyon sa driver. Hindi na niya hinintay pang ibigay nito ang kanyang sukli dahil dali-dali siyang bumaba ng sasakyan nito. Gusto na niyang makapaglinis nang sarili dahil kanina pa siya nanlalagkit. Nais din niyang kahit paano ay burahin ang mga tanda ng naganap sa pagitan nila ng estrangherong lalaki kagabi. Ngunit nakakadalawang hakbang pa lamng siya ay nais na niyang bumalik sa pinanggalingan, tumaas ang kanyang dalawang kilay ng makita ang sasakyan nang kasintahan sa harap ng kanyang bahay.  

Pipihitin na sana niya ang seradura ng pinto ng kanilang apartment ng bigla iyong bumukas. Nabigla pa ang kanyang pinsang si Kathy nang makita siyang nakatayo sa labas ng pinto.  

"O nandiyan ka na pala, bakit ngayon ka lang. Kanina pa may naghihintay sa iyo," anito sabay nguso sa lalaking prenteng nakaupo sa sofa na nasa kanilang sala.  

Tila tumaas ang lahat ng kanyang dugo sa kanyang ulo pagkakita rito. May lakas pa ng loob magpakita sa kanya ang hudyo kasintahan. 

Naglakad siya papasok ng bahay at saka sinita ang kanyang bwisita. 

Say You Want Me To StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon