Author's Note: Hi guys!!! Wow 9K reads na ang "Say You Want Me To Stay" thanks so much guys! I'm so overwhelmed, at dahil diyan here's an update...huwag mabibigla sa mga susunod na kaganapan! hahaha don't forget to leave your comment, suggestion, and violent reaction! Enjoy reading :D
"WAKE UP sleepy head need to get ready. We'll be late at work."
"Hmn, I want to sleep more," sagot niya kay Lawrence.
Kaninang bandang alas-sais ay nagising siyang masama ang pakiramdam kaya muli siyang nahiga. Hindi niya gustong bumangon at nais lang itulog ang buong araw.
"But we need to go to work, we have so many deadlines to meet," ani Lawrence sabay hila sa kanya. "Go fix you're self," anito sabay halik sa kanyang mga labi.
Naitulak ni Devy ang lalaki ng maamoy ang after shave nito. Mabilis siyang tumakbo patungong banyo. Nang nasa harap na ng sink ay nagsuka siya ng nagsuka. Dahil wala pa namang laman ang tiyan ay lalo siyang nahirapan. Ginigitian siya ng malamig na pawis sa buong katawan. Nang matapos sa pagsusuka ay hapung-hapong inilamusan niya ang sarili.
"Are you okay?" ani Lawrence na sumunod pala sa kanya sa banyo.
Nilingon niya ito upang sagutin sa tanong nito ngunit muling humalukay ang kanyang sikmura kaya wala siyang nagawa kundi muling yumuko sa sink at nagsuka. Lalo lang sumama ang pakiramdam niya dahil wala siyang mailabas ngunit patuloy sa pagwawala ang kanyang sikmura. Naramdaman niyang may humahaplos sa kanyang likuran, nakalapit na pala si Lawrence sa kanya. Kahit papaano ay guminhawa ang kanyang pakiramdam sa ginawa nito. Nang matapos sa pag-aalburuto ang kanyang sikmura ay inalalayan siya nitong umikot paharap dito. Nagtama ang kanilang mga mata at hindi nito natago sa kanya ang samut'-saring emosyong nakapaloob sa mga mata nito. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Nakatitig lang sila sa isat'-isa at pinag-aaralan ang emosyon ng bawat isa. Nang sa tingin niya'y hindi na niya kayang salubungin pa an gang mga tingin nito ay saka naman nito binasag ang katahimikan.
"Are you pregnant?"
"Okay, you don't have to answer the obvious," anito nang hindi niya magawang sagutin ang tanong nito. "Fix yourself, we will go and see a doctor."
Hindi na siya nito hinintay pang makapagsalita nang lalaki. Naglakad ito palabas ng banyo upang hayaan siyang nilisin ang sarili. Hinang-hinang isinara niya ang pinto at napaupo sa hamba nito. Parang dam na sumabog ang noo'y kanina pang pinipigilang damdamin. Parang gripo ang kanyang mga mata, nag-uunahang tumulo ang mga luha mula roon. Bakit nga ba hindi niya naisip ang bagay na iyon. Delayed ang kanyang buwanang dalaw at halos dalawang buwang nagsasama. Not that they are not using protection but it's not everytime they make love. Kahit hindi siya magpatingin sa doktor, nasisigurado siyang nagbunga ang pagsasama nila ni Lawrence. Ano ang mangyayari sa kanila? Paano kung iwan siya nito, makakaya ba niyang palakihin ang bata? Maraming katanungan ang tumatakbo sa kanyang isip ngayon at hindi niya alam ang kasagutan sa mga iyon.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal nang umiiyak. Kung hindi pa siya kinatok ni Lawrence ay hindi pa siya mahihimasmasan. Dali-dali siyang tumayo mula sa sahig ng banyo at mabilis na naligo. Paglabas niya mula sa banyo ay nakita niyang nakatayo si Lawrence sa harap ng bintana, may kausap sa cellphone.
"Yes dad. Expect us to be there by lunch. We'll just see a doctor then will go there. Okay, see you then. Bye."
Napabuntung-hininga ito pagbaba sa aparato. Nang mapalingon ito sa kanyang direksyon ay nanigas siya sa kinatatayuan. Napayuko na lamang siya upang iwasan ang mga tingin nito. Baka hindi niya makayanan at mapahagulgol siya sa harap nito. Napasinghap siya ng maramdaman ang kamay nitong humahaplos sa kanyang buhok. Unti-unti nitong inangat ang kanyang mukha gamit ang isang kamay upang pagtagpuin ang kanilang paningin. Nabawasang bahagya ang kanyang pangamba ng makita niya ang gwapong mukha nito. Nakangiti si Lawrence sa kanya, at tila sinasabi ng mga mata nito sa kanyang magiging maayos ang lahat. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti rin dito.
"How are you feeling?" tanong nito sa kanya. Kahit nakangiti ito ay hindi maitatago ang pag-aalala sa tinig nito.
"Mas mabuti na kaysa kanina."
Nagpasalamat siya ng lihim dahil nagawa niyang sagutin ito ng diretso.
"Good. Magbihis ka na. We will go to see a doctor. Tumawag na ako sa opisina. I ask Levi to take over. We need to go to my parents' house after you had your check-up."
Tango lang ang binigay niyang sagot sa lalaki. Wala siyang choice kundi magpatangay sa kagustuhan nito.
"I'll wait for you outside," anito.
Yumuko ito at binigyan siya ng isang mabilis na halik sa labi bago lumabas ng kwarto.