CHAPTER 6

4 1 0
                                    

CHAPTER 6

Laureen's POV:

Pagmulat ko, nasilaw ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana.

Para ngang ang sama parin ng pakiramdam ko..

Umupo ako mula sa pagkakahiga at nag-inat..

Napatigil naman ako habang nag-uunat dahil nandito pala si Harry sa may mini sofa sa kwarto ko at nakatingin sakin.

Halatang wala siyang tulog. Ang laki ng eye bags eh. Mukhang napuyat kakabantay sakin.

"G-Good morning..", bati ko na mas lalo namang nag-pairita sa pandinig niya.

"Wow huh? At may gana ka talaga mang-asar?",

"B-Bakit?",

"Pinuyat mo ko babae! Tapos sasabihin mo GOOD morning?", sumbat niya sakin.

Hindi na ko nakapagsalita pa. Tumayo naman si Harry tapos may kinuha sa may table sa loob ng kwarto ko. Pagharap niya may trey ng breakfast siyang dala.

"Breakfast on bed..", sabi niya tapos inayos yung pagkain sa higaan ko.

May oatmeal topped with apple and banana slice, bread, milk tapos may grapes pa.

Ano ko pasyente? Grabe ang gentleman naman pala nitong si Harry.

Ewan ko pero bigla akong napangiti.

"Oh. Wag ka masyadong matuwa. Si Mama naghanda niyan! Pinadala lang sakin.", sabi niya. Nawala naman yung ngiti ko.

Tss! Binabawi ko na yung pagiging gentleman niya!

"Salamat sa pagdala! Nag-abala ka pa!", sarkastiko kong sinabi tapos nagsimula na kumain.

"Nashan nga pala shi Tita Jezsh?", tanong ko habang ngumunguya. Ang sarap nitong oatmeal grabe!

"Ano ka ba! Pumunta lang ng super market!", saway niya.

"Ah.. Pasensya na nga pala kagabi..", sabi ko. Tumingin naman siya sakin na parang sinasabi niyang 'no choice eh!'

"Ang ingay mo kaya kagabi! Nakakainis! Kaya pinuntahan na ki----",

Natigilan siya pati ako nung bumukas yung pinto ng kwarto.

Nanlaki ang mata ko nung makita ko kung sino yung sumilip.

"Extra naman ohh!", bulong ni Harry.

"I-Ikaw na ba yan Ralph?", pagbabakasakali ko. Si Ralph na ba 'toh? Ang kuya ni Harry?

Pumasok na siya dito sa kwarto at ang ganda ng aura niya. Smiling face talaga siya at mukhang ganun parin siya, mabait.

Pero ang gwapo na niya ng sobra! Mas gwapo pa nga siya kaysa kay Harry ngayon eh!

"Grabe Laureen, dalaga ka na ah. Oo ako toh si Ralph yung kababata mo.", sabi niya. Lumapit siya sakin at ginulo ng konti ang buhok ko.

"Long time no see. Nung nalaman ko kay Mama na nandito ka na umuwi na ko from vacation. Kamusta naman?", kwento niya. Nahihiya pa ko dahil ngayon ko lang ulit talaga siya nakita.

"Ayos naman ako Ralph. Hehe..",

"Hindi ka ba binu-bully ng kapatid ko?", tanong ni Ralph at tinutukoy si Harry.

"Tinatanong pa ba yan!", sabat ni Harry.

"Pagpasensyahan mo na yan huh. Isip bata parin.", sabi ni Ralph.

"Oo nga eh, iniintindi ko na lang. Hehehe.",

"Wow huh! Kung pag-usapan niyo ko parang wala ako dito ah! Diyan na nga kayo!", sabay nag-walk out si Harry. Arte! If I know, inggit lang siya.

Simula naman kasi nung mga bata kami, pagkakatanda ko magkaaway na tong magkapatid na'toh. At kahit di sabihin sakin ni Harry dati, alam kong may inggit siya kay Ralph.

Bumaba narin kami ni Ralph. Nakita namin si Harry sa living room na masama ang mood pero sa may swimming pool area na lang kami pumunta ni Ralph.

Inaya niya ko na sa may tabi kami ng swimming pool. Medyo kinakabahan ako habang papalapit sa pool. Ginaya ko na lang si Ralph na umupo at nakalublob ang mga paa sa swimming pool.

Hindi ako mapakali dahil kinakabahan ako. Kaasar.

"So.. Nasaan sina Tita Lezly at Tito Prince?", tanong ni Ralph .

"Ah nagpunta si Mom at Dad sa Cebu pero pauwi narin. ", sagot ko.

"Oh. Wag kang magugulat huh?", nagtaka naman ako nung sinabi niya yan at mas lalong kinabahan.

"B-Bakit??",

"Sobrang ganda mo na eh! Hahaha", sabi niya. Namula naman ako kaya yumuko ako at tinuon ang tingin sa tubig.

Wiii. Sinabihan niya ko ng maganda! Sa totoo lang kasi, crush ko si Ralph since mga bata pa kami. Hinahangaan ko siya. Ang galing kasi niya sa lahat ng bagay. Mabait na, gwapo pa!

"Hahaha. Well Laureen, hindi ko ineexpect na may balak pa pala kayong bumalik ulit dito..",

"Uhmm. Actually di ko rin alam kay Mommy kung bakit. Biglaan lang din eh..",

"Parang nung biglaan ka ring umalis?", pagpapatuloy niya. Na-guilty naman ako nung naalala ko yung araw na yon. Hindi ko kasi nagawang magpaalam man lang sa kanila.

"Well, change topic. Kinakausap ka ba ni Harry?", Tanong ni Ralph.

"Hmm. Oo pero sinusungitan ako..",

"At niyayabangan ka?", dugtong niya.

"Oo...",

"Hahaha. Ganun na talaga yun pasaway. ", sabi niya.

"Pero di ba di naman siya ganyan dati? Sweet naman siya dati sakin. Mabait siya sakin dati... Close naman kami dati..", sabi ko.

"Pero dati yun Laureen. Maraming nagbago dahil nawala ka..", sagot niya.

"Dahil nawala ako? Anong ibig mo sabihin Ralph?", pagtataka ko. Nataranta naman siya.

"I m-mean.. Maraming nagbago nung wala ka dito. Isipin mo naman 8 years old ka nung huli tayong magkakasama. 16 ka na. Halos 8 years na nakalipas. Talagang maraming pagbabago na. ", paliwanag niya.

Sa bagay, may punto rin naman siya. Dahil wala ako ng halos walong taon, hindi ko alam ang nangyari sa kanila.

"Siya nga pala.. Bakit ba nagbago si Harry??", curious kong tanong.

"Teka.. hmm. Basta, ipagpalagay na lang nating... may mahal kasi yan si Harry. First love niya yung babae kaso nasaktan siya dun ng sobra... ayun! Nagkaganiyan na. Oo tama ganun nga ang nangyari.", sagot ni Ralph.

So inlove pala si Harry. At malamang yun yung dahilan kung bakit nagkakaganyan si Harry. Kung bakit nagbago siya ay dahil nasaktan siya ng isang babae.

Sino naman kaya yung first love ni Harry at sinaktan siya?

"Bakit sinaktan nung babae si Harry?", tanong ko pa.

"Huh? Ah-eh.. may masama kasing pangyayari dati tapos dahil sa pangyayaring yon, iniwan ni babae si Harry. Tapos itong kapatid ko, naging miserable na. ", kwento niya.

So, miserable. Miserable ang buhay ni Harry..

Dahil sa walang kwentang babae na yun nagkakaganyan si Harry? Kung ako si Harry, hindi ko na pag-aaksayahan ng luha ang mga ganung klase ng babae na nang-iiwan.

Pero bakit ko nga ba nilalagay ang sitwasyon ko sa posisyon ni Harry? Wala akong karapatan magsalita dahil di ko naman alam ang buong pangyayari..

Pero ang masasabi ko na lang, kailangan ni Harry mag-move on sa babaeng yun. Para bumalik na siya sa totoong pagkakakilala ko sa kaniya. Yung totoong siya...

---

Till the End with You *ONGOING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon