CHAPTER 3

13 1 0
                                    

CHAPTER 3

Laureen's POV:

"G-Gagamutin ko yan..", buong lakas kong sinabi.

Kahit sa sarili ko, hindi ko rin alam kung bakit kusang lumabas yun sa bibig ko.

Natigilan din si Harry at napatingin sakin na nagtataka.

"Seryoso ka?", mapanghamon niyang tanong.

Napaiwas ako ng tingin. Teka.. saan ba ko titingin? Uggh!

Tinignan ko ulit si Harry tapos bigla niya kong inirapan!

"Akala ko ba gagamutin mo? Nakatulala ka pa dyan.", sabi niya. Nataranta naman ako.

"T-Teka nasaan yung medicine kit niyo?",

"Hays! Dun! Dun sa upper cabinet sa kitchen! Bilis!", turo niya.

Pagkabalik ko sa living room kung nasaan siya, tatawgin ko sana siya pero napatigil ako dahil nakita kong nakapikit siya habang hawak yung noo niya.

Siguro nga sobrang sakit nung pagkakatama sa kaniya. Kasalanan din naman kasi niya toh! Kung di niya lang ako biniro eh di sana wala na masasaktan!

Umupo ako sa tabi ni Harry.

Pinagmasdan ko lang siya.

Badtrip din tong lalaking toh! Infairness kasi ang gwapo niya pag tulog! Ang inosente kasi ng hitsura!

Ganito yung hitsura ng Harry na kababata at malapit sakin noon. Inosente at handa akong ipagtanggol.

Naalala ko noon...

Nasa kindergarten school kaming dalawa at magkaklase kami, uwian na nun at hinihintay namin ang Mommy namin.

Nagulat ako nang may kumapit sa kamay ko. Natuklasan ko na lang na hinihila na pala ako ni Harry papunta sa garden ng school.

Pero habang nagliliwaliw kami, nawala siya sa paningin ko. Natakot ako nun at nagsimulang umiyak.

Hinanap ko siya at paikut-ikot ako sa garden. Napa-iyak ako ng malakas nung may dumapo saking kulay green na insekto na hindi ko pa noon alam kung anong tawag dun.

Basta iyak lang ako ng iyak dahil nandidiri akong hawakan yun para tanggalin dahil nasa balikat ko dumapo.

Hanggang sa naaninag ko mula sa mga mata kong natatabingan ng luha si Harry na tumatakbo palapit sakin at sobrang takot ang mukha.

"Lowrin sorry! Ayos ka lang b--",

"Hawwy! NATATAKOT NA KO MAY MONSTWER SA DAMIT KO!! HUHUHU", sigaw ko nun sabay turo sa dumapo sakin.

Hinawakan at inalis naman yun ni Harry sa balikat ko at pinitik palayo.

Niyakap ko siya sa sobrang takot ko..

"Wag ka na umiyak Lowrin ko tawagin mo lang si Super Hawwy kapag may monster na lumapit sayo!", sabi niya sakin at niyakap ako pabalik.

Hayyysst..

"Hoy! Kelan mo planong gamutin ang sugat ko?!",

Bigla akong nabalik sa reality nung magsalita si Harry! Naku nagising na pala siya!

"A-ah.. eh.. eto na nga..", sabi ko tapos nilagyan ko ng betadine yung bulak at dinampian yung gasgas sa noo niya.

"Teka, ano nga palang iniisip mo kanina?", curious niyang tanong.

"W-wala!", tanggi ko.

"Tsk. Ano nga?", pangungulit niya.

"Sabi ngang wala! Kulit nito!",

"Isa! Ano nga sabi eh?",

"Fine! Naalala ko lang nung mga bata pa tayo...", sagot ko.

"M-May naaalala ka?", parang nagulat siya nung tanungin niya yan.

"Huh?", naguguluhan kong tanong.

"A-ah! I mean naalala mo pa yun?! Tss! teka! Wag ka na nga Masyadong maraming tanong dyan!", pagsusungit na naman niya.

Ako pa maraming tanong huh? Hmp! Diniinan ko yunf huling dampi ko sa gasgas niya.

"Aray ampppppff! Damn!", namaluktot siya sa sakit paano ba naman may maliit na bukol kasi.

"Ang gulo mo kasi!", reklamo ko.

"Anong magulo eh di nga ko gumagalaw!!!", reklamo din niya.

"Ang gulo mo kausap bobo!", sagot ko.

"Sinong bobo?!", mapanghamon niyang tanong.

"Tinatanong pa ba yan? di ba ikaw!", sabi ko.

"Haha? Ako? Ikaw yun! Wag mo ipasa sakin yang nangangalawang mong utak!", sabi niya.

Tsss. Sino bang pinapatamaan ng lalaking toh? Sarili niya? Eh alam naman niyang sa simula pa lang, mas angat ako sa kaniya!

Ay ewan! Di ko na pinatulan!

"Bakit di ka makaimik?" , hinahamon talaga ko!

" di kasi ako pumapatol sa di ko ka-level!", pagyayabang ko.

"Yabang mo! ", sabi niya sabay bato sakin ng unan.

*puug!

"Lalo ka na! Ano pang tingin mo sa sarili mo!", bawi ko tapos binato rin siya.

*puug!

"Gwapo lang talaga ko!",

"Ang sabihin mo GGSS!", kontra ko.

"I know! Di mo na kailangang sabihin saking... Gwapong-Gwapo Sila Sakin!", pagyayabang niya.

Aba't! Nakakapang-gigil talaga!

Binigay ko pabasta sa kaniya yung medicine kit dahil sa inis ko.

"Ayan gamutin mo yang ugali mo lumalala na!", sigaw ko sa kaniya.

Lalabas na sana ko pero napatigil ako sa narinig ko..

"Hoy saan ka pupuntang Minion ka?",

Unti-unti akong humarap sa kaniya at kinuha ko yung isang tsinelas ko tapos bumwelo ako and then...

*toogsh!

"ARAAAAAAAAAAAAAAY!",

Nagtatakbo agad ako palabas! Kinandado ko yung gate at ni-lock ko yung pinto ng bahay namin pagkapasok ko.

Paano ba naman, lapat na lapat sa mukha niya yung tsinelas ko!

Hahahaha!

Pumunta ako sa kwarto ko. May malaking bintana kasi dito na katapat ay balcony ng second floor nina Harry.

Sumilip ako pero mukhang nasa baba pa nila si Harry.

As if magpapatalo ako sa kaniya? No way. Kung ganun ang pinagbago niya, pwes sasabayan ko yang trip niya.

Kahit pa ako si Precious Laureen Ramos na isang Maria Clara.

---

Till the End with You *ONGOING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon