CHAPTER 10 ♬

16 1 0
                                    

CHAPTER 10

Laureen's POV:

Pagkatapos ng unang araw ng klase, umuwi na ako. Hindi ako sumabay kay Harry sa pag-uwi at nag-commute na lang ako.

Grabe naman kasi, hindi man lang pumasok sa klase kanina kahit nandito naman siya.

Pag-uwi ko kay na Tita Jez, handa na ang lunch.

"Oh Laureen, nasaan si Harry?", salubong ni Tita. Nilapag ko naman ang bag ko at umupo.

"Ah Tita mukhang busy po kaya nauna na lang ako.", sagot ko pero nakakainis talaga. Pwede naman kasing sabihan ako na di siya sasabay! Palibhasa nag-concert lang kanina, kala mo famous na!

"Ang bata talagang yun! Naku sa susunod kailangan sabay kayo. Mamaya mapahamak ka. Naku talagang lalaking yun!",

Nagsimula na kaming kumain ni Tita Jez.

"Oo nga po pala Tita, singer po si Harry?", tanong ko.

"Ay oo! Nai-kwento nga pala niya na meron silang performance sa school. Napanood mo?",

"Ah.. opo..",

"Naku! First time ko ngang di maka-nood ng tugtog nila! Kamusta naman? Ang ganda ng boses ni Harry noh?" , pagpuri ni Tita Jez.

"Psh.. sana nga naging boses na lang siya..", bulong ko.

"Ano yun Laureen?",

"Ay Tita sabi ko opo maganda nga boses niya. Di ko po alam na sikat pala banda ng school nila.", sabi ko sabay subo.

"Oo Laureen. Hanga ako dyan sa anak ko maraming fans eh. Actually si Ralph at Harry ang nagpasimula ng The United Band, na-discover sila nung first time na magpa-contest ng audition for the school's best singers. Nag-duet yung magkapatid at sila nga ang nag-champion. Since graduate na si Ralph, si Harry na ang leader ng T.U.B.", kwento ni Tita.

"Naghahanap nga po sila ng bagong papalit kay Ralph Tita eh. Magpapa-audition sila for two days..", sabi ko.

"Ganun ba. Eh ikaw may balak ka bang mag---Oh! Speaking of!", biglang naputol ang sasabihin ni Tita dahil biglang dumating si Harry.

"Bakit?", nagtatakang tanong ni Harry na haggard na. Mukhang busy nga.

"Naku! Ikaw bata ka! Bakit nga pala di kayo sabay umuwi ni Laureen?! Bilin ko lagi mong titignan at magsabay kayo pauwi di ba?", saway ni Tita. Nagsimula na namang kumain si Harry.

"Ma. Estudyante ako, hindi bodyguard niyan!", sabay turo sakin. Inirapan ko naman siya! Kala naman niya gusto ko yung ideya na yun!

"Yun lang hinihingi ko Harry. Sa totoo lang kung sa Richmond parin naman nag-aaral si Ralph, sa kaniya ko ipapaubaya si Laureen kaso no choice kaya sayo! ", paliwanag ni Tita na halatang nagtitimpi kaya umalis na si Tita.

"Ka-walang gana! Kasalanan mo to eh. Sana kasi magsasabi ka rin kung gusto mo mauna! Hindi yung paghahanapin mo ko sa buong Richmond at ipapa-page pa kita para lang malaman ko kung saang lupalop ka na napadpad! Magsasabi din kasi!", naiinis na sinabi sakin ni Harry at nag-walk out din.

Na-guilty tuloy ako. Di ako makaimik. Oo nga naman. Tama si Harry. Pwede naman kasi akong magsabi. Hindi yung bigla na lang aalis.

So paano yun? Magso-sorry ako? Pero.. galit naman siya! Malamang di ako papansinin nun!

Dahil di ko alam ang gagawin ko, umakyat na lang ako sa kwarto ko tapos ginawa ko yung assignments ko. Pagkatapos ko magawa lahat, nagpalakad-lakad ako sa loob ng kwarto na tinutuluyan ko. Napa-hinto naman ako sa paglakad nung may makita akong bagay na lubos na nagpa-ngiti sakin. Nilapitan ko yun at inalis ang naka-talukbong .

Till the End with You *ONGOING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon