CHAPTER 11 ♬

4 0 0
                                    

CHAPTER 11

Laureen's POV:

Maaga pa lang, nasa school na kami ni Harry. Pero nawala na naman siya sa ibang subjects namin.

Breaktime ngayon at katatapos ko lang kumain sa cafeteria kasama si Renz. Lagi kasi tong nakasunod sakin.

Papunta kami ngayon ng field kung saan may mga tables and chairs na gawa sa semento. Umupo kami sa isa sa mga yun. Malawak ang field na 'toh dahil football field din ito.

"So may balak ka talaga mag-audition for T.U.B?", tanong sakin ni Renz habang nagbabasa ng encyclopedia.

"Oo nga. Ano namang masama?", tanong ko.

"Wala namang masama eh. Ang masama lang, sa dami ng magta-try, isa lang ang kukunin. Swertehin ka kaya?", sabi ni Renz.

Oo nga noh. May point din ang matalinong toh. Pero kahit ganun, gusto ko talaga mapasama sa The United Band. Gusto ko maranasan ang feeling ni Harry na sikat, iniidolo ng marami at magaling para sa lahat.

Pangarap ko makasama sa isang school band noon pa. Nakasali naman na ako sa band ng dati kong school at gusto kong ipagpatuloy yun ngayon.

Napalingon ako sa kahilera ng table namin dahil ang iingay nila. Grupo ng mga kalalakihan na kung di ako nagkakamali, sila ang myembro ng The United Band. Pero mukhang wala si Harry. Lumapit ako sa kanila..

"Booo! Mahina ka Bro! Babae lang iiyakan mo pa? Hahaha!",

"Mas matindi talaga yung sayo! Ikaw binusted? What a joke! Hahaha!". Iyan ang usapan nila na sobrang ingay.

"Excuse me.", full of authority kong sinabi dahilan para mapatahimik ako.

"Wow chix!",

"Teka chikabeybs!",

"Mga baliw! Bebelabs ko yan!",

Grabe mga womanizer! Ang ga-gwapo pa naman.

"Joke lang Miss. Ano nga palang kailangan mo?", tanong nung isa na pagkakatanda ko ay siya yung kasama ni Harry kumanta.

"Myembro kayo ng T.U.B di ba?", medyo mataray kong tanong.

"Oo so?", sagot nung pinakamaliit sa banda.

"I'm here to tell you na interested ako sa audition. Kailan ba pwede?", sabi ko.

"Nice! We can start now if you're ready. Well by the way I'm Kennt, pianist and guitarist ng The United Band. So... can you be my girlfriend?", introduce niya tapos biglang nag-wink pa! Gwapo pero chickboy! Grabe!

"Huy Kennt! Mahiya ka nga! Lagot ka kay! Uhmm. Ahh.. Teka kalimutan mo na nga! Miss ako nga pala si Jud. Guitarist ng ba---", pagpapakilala ng pinakamaliit pero pinaka-cute naman na lalaki pero di siya natapos.

"Tabi nga dyan pandak! I'm Heive Domingo nga pala. Drummer boy!", sabi pa nung isa na maraming chips na kinakain and infact, yung piattos, tortillos, clover, cheez it at v cut na yakap niya, sa kaniya lang ata yun!

"Miss, pagpasensyahan mo na ulit tong mga bata kong kasama. Since nagpakilala sila sayo, ako nga pala si Eijin Lee. Vocalist at bestfriend n---",

"Hindi ito ang tamang lugar para sa flirting. Kung gusto mo mag audition, then follow me.", seryosong sinabi ni Harry na bigla-bigla na lang sumulpot.

Tinapik-tapik naman siya nung mga kasamahan niya at parang kinakantyawan habang naglalakad sila. Sinundan ko naman sila.

"Sandali! Sama ako Precious!", sigaw ni Renz at humabol.

Till the End with You *ONGOING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon