CHAPTER 1

52 1 0
                                    

CHAPTER 1

*kriiiing ~

*kriiiiiiiiiiiiinggg ~

Naalimpungatan ako sa pagkakatulog ng mahimbing nang biglang mambulabog ang alarm clock ko.

*pug!

"Aray--- asdfghjk~" , napa-cuss pa ko dahil nahulog lang naman ako sa kama ko dahil di ko malaman kung saan nakalagay yung alarm clock!

*kriiiiiiiiing ~

Natataranta ako dahil sobrang lakas nun at ang sakit-sakit na sa eardrums!

*kriiiiiiiiingg ~

Punyemassss! Tinignan ko yung ilalim ng kumot ko, wala!

Sa mini drawer, wala! Aba nasan na yun!?

Napatakip ako sa tenga ko dahil nabibingi na ko sa sobrang lakas!!

Pagtingin ko sa ilalim ng kama ko... ayun sa wakas at napatay ko na ang alarm clock!

"Pahamak ka!  Plano mo pa ata akong masiraan ng pandinig!", kausap ko dun sa alarm clock at binato sa kama ko.

Nag-inat na ako at naghikab. Pagkatapos, nag-shower narin ako.

Pagbaba ko sa living room, halos parang ilang linggong di nakapag-linis sa bahay.

Grabe, yung mga maids namin dito, nawala lang si Mommy at Daddy di na naglinis! Aba magaling!

Late na nga ako nagising, tulog parin sila!

Binuksan ko na lang yung tv. Yey! Princess Sarah na! As usual pinapaiyak na naman ni Lavinia si Loti!  Grabe sa araw-araw ba naman ganun at ganon parin ang eksena!

Papatayin ko na sana yung tv so kinuha ko na yung remote pero pagtayo ko , pakiramdam ko may gumagapang sa loob ng Pajama ko...

Para ako nakikiliti pero di ko alam kung tatawa ako o kikilabutan!

Sheeez! Nagtayuan balahibo ko dahil feel ko ang dami niyang galamay!!

Nabitawan ko yung remote ng tv at nagsimulang mag-panic! Nararamdaman ko isa tong nakakadiring insekto!

Kada gagalaw ako paakyat ng paakyat yung insekto sa loob ng pajama ko.

"K-KYAAAAAAAAAAAAHHH!", di ko na napigilan ang pagtili dahil naramdaman ko na siya s-sa...

Sa..


"WAAAAAH! NASA PANTY KO NA SIYAAAAA!!!! WAAAAAHHH",

Halos nagtatakbo ko sa sofa para lang matanggal yun!

Nakaabot na ko sa garden papasok sa kusina then pabalik sa living room!

Letse kadiri! Kadiri talaga! Ang bilis gumapang sa legs ko kaya sa sobrang nerbyos, hinubad ko pajama ko at pinagpapalo yun sa sofa!

"Yaaaa! Yaaaa! Hayaaa! Peste ka! Gumapang ka pa sa panty ko! Manyakk!", kausap ko habang pinagpapapalo yung pajama.

Pero nung mapagod ako, tinigil ko na. Nakakaubos  ng energy!

Pero mas lalong nanlaki mata ko nung may lumabas na ipis sa pajama ko at pinaka-masaklap biglang lumipad!

Biglang dumapo sa pader! Tapos lumipad na naman!

"WAAAAAH! MOMMMYYY!!!", nagtitili na naman ako!

Hayup nasa buhok ko naman! Dali-dali akong nagtatalon sa sofa at nagtatakbo sa dining room!

Umakyat ako sa dining table at lumundag pababa..

Till the End with You *ONGOING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon