CHAPTER 5

6 1 0
                                    

CHAPTER 5

Laureen's POV:

After ng nakakabiglang scenario sa dinner kanina, pinaakyat na ko ni Tita Jez sa guest room kung saan ako matutulog.

Pagka-akyat ko, nakita kong bukas yung terrace nila.

Since hindi pa naman ako inaantok, pumunta muna ako ng terrace.

Medyo malawak ito at madilim dito ngayon. Pero ang ganda ng view mula dito.

Sumandal ako sa edge nung terrace at pinagmasdan ang mga stars na sobrang dami at nagliliwanag.

Na-miss ko bigla si Mommy at Daddy. Bukas pa sila uuwi eh.

Bukas o sa makalawa, mag-isa na lang ako kasi dun na sila magii-stay sa States para asikasuhin yung mga business ni Daddy Prince at Mommy Lezly dun.

Isa pa, kapag nakatapos na daw ako ng college, kukunin na nila ako at doon na kami titira.

Aayusin din kasi nila yung mansion sa States na ipinamana kay Daddy Prince ng mga magulang niya.

Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa malayo.

Pero kinilabutan ako nang biglang may lata na tumalsik sa gilid ko. Sobrang dilim pa naman dito..

Nilingon ko yung pinanggalingan nung lata. Halos wala akong naaninag kundi dilim.

Pero nanlaki ang mata ko ng biglang lumabas mula sa madilim na sulok si Harry?

"Ka-Kanina k-ka pa ba dyan?", kinabahan kong tanong.

Pero nakatungo siya at may hawak na plastic cup ng... alak?

Nag-iinom siya?

"Teka, nag-iinom ka?", tanong ko. Pumunta naman siya sa gilid ko at tumingin sa malayo.

"Baliw. Iced tea lang toh!", sagot niya habang di parin tumitingin sakin.

"A-Ah.. kala ko eh..",

Saglit kaming binalot ng katahimikan. Di ko siya magawang tignan kahit magkatabi kami.

May malungkot din pala,siyang side noh? Ngayon ko lang toh nakita.

"Bakit bumalik ka pa?", out of the blue, bigla niya yan itinanong.

"Huh? Ah..Eh.. Hindi ko rin nga alam kay Mommy. Sabi lang niya, ito na yung tamang oras para bumalik kami ulit dito. Bakit mo naitanong?", sabi ko.

"Tss. At sa Mama mo pa talaga nanggaling yun huh? Akala ko hindi na kita makikita pa kahit kailan. Himala, pumayag pa siyang bumalik ka!",

Hindi ko alam kung anong iisipin sa mga sinabi niyang yan. Para kasing may pinaghuhugutan siya na hindi ko naman alam kung ano yun.

"Teka, anong ibig mo sabihin?", pagtataka ko.

"Tss. Wala! Wala ka talagang alam nuh? Mabuti na yun nang wala nang lintik na problema.", sabi niya.

Huh? Ano daw? Kahit anong sabihin niya wala akong maintindihan eh.

"Siya nga pala, nasaan si Ralph?", pag-iiba ko ng tanong.

Nagbuntong hininga siya.

"Nasa summer vacation pa. Pero pauwi na rin yun. Lapit na pasukan eh.", sagot niya.

Oo nga pala, the other day pasukan na naman at fourth year na kami.

Na-ayos na yung mga documents para sa pag-transfer ko sa school na pinapasukan ni Harry at sabi ni Tita Jez, magkaklase daw kami ni Harry.

Till the End with You *ONGOING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon